Chapter 26: Knowing

2 2 0
                                    

Papa: anak pupunta ka ba dito?

Papa: sa'n ka anak?

I received many text from papa since last night. I thought yung padalang pera lang ibibigay niya sa akin at isang liham, ngunit may pahabol pa palang ganito-pagtawag sa akin. Never knew that he's so concerned about me.

Palipat-lipat ako ng tingin sa phone ko at sa 5,000 cash na nakakalat sa lamesa ko. The hell wpuld I supposed to do with this amount of cash? I'd rather spend my time with my dad and have a christmas with him even if it's hard. Mas madali na 'yong gano'n. Besides, It felt blank after reading his letter.

I grew up in a tragic mess.. and I think the right way to do is to fix this. To fix our problem. Matagala na rin akong walang balita kay tatay kaya ito na ang pagkakataon ko upang maayos ang lahat.

I was about to grab the 5k cash, but my phone rang. Napatingin naman ako do'n at mabagal na kinuha ang phone ko. I clicked my tongue and heaved my breath. It's Austin.

I answered his call.

"What?" Tamad kong sabi. I can't even talk to him right now. My

"Umm.. free ka ba ngayon?"

I clicked my tongue before answering. "Umm.. hindi naman, bakit?"

"I.. uhmm.. let's meet kahit mamayang gabi, punta tayo sa photobooth." Pagyakag niya sa akin.

My brows furrowed in confusion. He wanted me to go with him in all of a sudden? I'm still curious about Austin barging in Samantha's condo. Bahala na... ako na lang magde-desisyon kung gusto ko o hindi.

"Photobooth?" Tanong ko.

"Yup. Photobooth."

"Saan?"

"Sa Morayta... abandonado na yung Computer Shop do'n at ako na lang ang nakikinabang sa property na 'yon. I decorated it few months ago kaya... pwede ka ba ngayong gabi?" Pag-kuwento niya.

Who am I to refuse? I mean, dati pa naman kami nag-gagala sa Morayta, kaya ayos lang naman para sa akin... basta kasama siya palagi.

"At saan naman yung Computer Shop na yun?"

"Eh basta... tsaka ko sasabihin sa'yo. Same meet up, sa same place.. and be there by 7pm." He reminded me. Sa sobrang saya niyang magsalita e nakikita ko na iyong ngiti niya na abot hanggang pisngi na excited ako makita.

"Ahh.. sige, okay."

"Geh, bye! Mwa!"

He hanged up on the call at nabigla naman ako sa pag-mwah niya sa akin. Napaka-random naman niya para sabihin niya iyon. Hindi naman niya ako girlfriend pero nag-mwah siya. Hayst!

Ilang sandali pa ay napatingin ako sa envelope na nasa table. Nandoon pa rin sa loob ng pera ang binigay ni papa pati na rin ang kanyang liham. I still want to talk to him. I guess, he was too sincere from now on that he wants to fix and apologize for everything that we've gone through. He can't even explain truthfully to me. Ayaw ko na siyang pahirapan pa at gugustuhin ko na lang pumunta do'n at mag-celebrate ng Christmas kasama siya.

Pero... nagdadalawang isip ako na baka kapag umuwi ako ay baka maabutan ko siyang lasing o di kaya ay wala sa bahay. I don't want to have a high expectations when it comes to my father. And for some reason, I need an advice-an advice that will lead for better understanding in some major situations that I can't deal with.

Tinawagan ko si Avery sa phone ko at mabilis naman siyang sumagot. Thank god at mabilis sumagot ng tawag ang babaeng 'to kahit minsan ay sabog at lutang at pala-chismosa.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now