Chapter 23: Blame

2 1 0
                                    

TW: mention of self-harm

IT'S BEEN a month ang puro laboratories and demonstration ulit kami about human anatomy and physiology. Hindi na rin kami masyado nagkikita ni Austin. Si Billy naman ay laging kasama sina Gino papuntang Dapitan after classes. Dumderecho na lang rin akong umuwi kasama si Thea at nag-aaral na lang ulit. 

Malapit ng matapos ang first sem at sigurado akong sa ilang weeks na vacation ko ay magkikita na naman kami ni papa. More like uuwi ako at kumustahin lang siya at aalis na rin ako in a matter of seconds. Gano'n naman lagi, e. 

Austin: pede meet tayo ngayon? 6 weeks na rin tayo hindi nagkikita e. Libre kita ng kahit ano pambawi hehe

"Ngayon pa siya nag-text kung kailan malapit na finals ko!" Inis na reklamo ko at napabuntong-hininga. 

Naglalakad kami ngayon ni Billy patungo sa Freedom Park dahil naroon sila Gino at Bryan. Nang makarating kami roon ay natagpuan namin agad sila kaya umupo agad kami sa tabi nila. Katabi ni Billy si Bryan, habang katabi ko naman si Gino na ngayo'y nananahimik na naman at may ka-chat sa phone. Bryan is practicing on his guitar pero natigil ang paggi-gitara ni Bryan dahil nakipag-kwentuhan agad siya kay Bryan about sa Dapitan Girl at kung anong plano nila for next week.

Mga busy naman 'tong nga lalakeng 'to! Ito na nga lang ulit yung time para magkita-kita kami at mag-kuwentuhan tapos ilalaan lang nila ang oras nila na parang mayroong silang sariling mundo. I badly wanted to talk them about Me and Austin.. especially about my father. I received a text from my Father this past few weeks. 

Kauuwi lang namin ni Thea sa aming dorm at siya ang unang pumasok sa bathroom. Ako naman ay nahiga agad sa kama ko at humugot ng malalim na hininga. 

What a tiring week!

I grabbed my phone from my pocket. Ni hindi ko pa nabubuksan ang bagong inbox ni Austin ay biglang napukaw ang atensyon ko sa isang separate inbox na galing mula kay papa. 

Papa: Nak, punta ako diyan sa Maynila... 

Papa: May kelangan tau pag usapan.

I only stared blankly at my phone. Seryoso ba si papa? Ano bang dapat namin pag-usapan? He abandoned me. He never cared for me. Hindi niya ako mahal bilang anak at sinisi niya sa akin lahat. 

That's why I avoided myself from him to forget me as his daughter. Nasaktan siya dahil nawala si mama at si Bunso dahil sa sunog noong nakaraang dalawang taon at ako lang iyong nakaligtas sa sunog na 'yon.

I wish that I just snapped into thin air.

I wished that I died on that fire, instead of mama and bunso.

Sana ako na lang ang nawala.

....

I've been overthinking for the past few weeks. Wala akong malapitan. Lahat sila ay busy. I've kept this pain that I've been carrying for the past few weeks. At ngayong labg ulit kami magkikita ni Austin-one week before midterms. 

Nasa Coffee shop kami ngayon, nag-aaral. I don't want him to see that I'm sad. I wanted to be happy for him na makita niyang masaya ako sa tuwing kasama siya. But now.. I don't know. It's just.. I want to share my pain that devoured my ability to be happy. My happiness snapped into thin air, after papa texted me.

"Hey? Are you okay? Kanina ka pa natutula.. do you need something?" Tanong ni Austin at nagkunot-noo nang makita niya akong kanina pa nakatulala sa may bintana.

Nilingon ko siya at binigyan siya ng peke na ngiti na ikina&ngiti rin niya. "No, I'm fine."

"Sure ka? Kanina ka pa kasi tulala, e." He assured.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now