Chapter 18: Happy Together

4 1 0
                                    

He went silent, but he responded afterwards. Nag-angat siya ng tingin at tumango. 

"Umm.. y- yes. Actually.. ayaw ko mag-law eh pinilit nila ako. But now.. I'm okay on studying law. It's hard pero kaya naman." Kuwento niya, matamlay ang boses at parang biglang nawalan ng interest.

"Sorry for something personal.. hindi ko pala dapat 'yon binring-up." Paumanhin ko. His face lit up at mabilis siyang umiling.

"No.. No.. No.. it's okay! It's okay! Don't apologize. May naalala lang ako." He said and bited a piece of lasagna from his fork.

"Sorry talaga ha!" I apologized because of the guilt. Dapat hindi ako nam-personal.

He just nodded and said that it's fine lang daw. Pagkatapos no'n ay kumain na ulit kaming dalawa ng tahimik. Kaming dalawa lang yata ang tao dito sa coffee shop. Sino ba namang tao na pupunta dito eh sobeang tago sa commercial buildings at dito sa lang sa may kanto nakatayo ang coffee shop na 'to. Mas maganda sana kung sa may tabi ng Starbucks itong coffee shop na 'to para isang lakaran lang. Sarap ng mga pagkain dito, e. It's more than a coffee shop.

Ilang sandali pa ay may dumating na lalake at sinalubong niya si Eliane. Napukaw ang atensyon ko roon, ngunit nawala ang atensyon ko roon ng may tinanong sa akin si Austin.

"Huy! Yung sa demonstration mo? Diba sabi mo palyado? Ano nangyari?" Nilingon ko siya dahil puro usisa ang narinig ko.

"Ahh.. tungkol sa demonstration noong Monday?" Pabalik-tanong ko sa kanya, naninigurado.

He raised his brows, before drinking his cucumber lemonade. "Yes!"

"Palyado halos buong class namin, kaunti lang nakapasa. By groupings rin 'yon consist of five members. May mali yata sa isa namin na gawin ng tama ang demonstration sa surgery." Kuwento ko sa kanya.

"And then what happened?" He asked again.

"Almost all of us got 65 grade, basically failed already." I said being upset after stating the grade.

"Hmm.. bad." Napawi yung ngiti niya at umiling-iling. Nag-angat ulit siya ng tingin, bago tumayo.

"Come with me, may pupuntahan tayo." He said and lend his hand on me.

I creased my forehead. "Ha? Hindi pa natin nababayaran-" He cut me off.

"Eh babalik naman tayo dito, mga one block away lang naman abandoned disco ball dito.. katabi lang ng coffee shop, and apparently.. nasa second floor lang siya, in-abandona nga lang." Aniya at ngumuso. He's begging me to come with him papunta sa second floor nitong cofee shop.

I reached for his hand at tumayo na rin. Ngumiti naman siya at pagkatapos no'n ay naglakad naman kami papunta sa counter. Hiniyawan niya si Ate Eliane niya na hiramin niya muna daw niya ang susi papunta sa taas. Binato naman ni Ate Eli sa kanya ang susi at nasalo naman 'yon ni Austin. They smiled at us and we smiled back at them.

Ang cute nilang mag-asawa nila. Ang cute nilang mag-landian. May pakurot-kurot sa pisngi iyong asawa niya sa kanya at gano'n rin ang ginawa niya pabalik.

"Huy! Chismosa ka na! Tara na!" Natauhan ako dahil inaalog na pala ni Austin ang kamay ko. Kanina pa pala ako nakatitig kina Eliane.

Nilingon ko si Austin ay proud niyang pinakita sa akin ang susi na may keychain. May dalawang susi iyon at nginitian niya pa ako habang tinataasan ako ng kilay.

"Since may susi na tayo, let's go to the abandoned disco area!" Masaya niyang sabi na may halong kilig at tuwa. Ngumiti muna siya sa akin at pagkatapos no'n ay lumabas kami.

Narinig pa namin ni hiniyawan pa kami ni Eliane, nguniy nakalayo na kami. Tumaas kami sa second floor ng coffee shop at medyo madilim dito sa taas. Walang kailaw-ilaw.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now