Chapter 28: In My Life

5 2 0
                                    

We went to hypermarket to buy his foods that he will cook for Christmas. Nagmayabang pa siya na marunong daw siya magluto. Pesto, Spaghetti, Carbonara... lahat yata ng pasta ay minention niya. Kahit iyong mga meat and chicken recipes na sikat ay alam niya.

"Umm.. yes, sure. Sa La Union kasi may resort. Like, as in malaking malaki siya. It's like a California Coast resort. You should have some alone time vacation there, doon ako nagbakasyon dati nung Christmas, e." Suhestiyon niya dahil kanina pa namin pinag-uusapan yung mga plano namin ngayon Christmas vacation.

We have our separate ways to spend our vacations. Tsaka may summer pa naman sa June kaya okay na yung kahit family bonding muna.

Tumango na lang ako habang tinutulak niya ang push cart. Nasa cashier counter na kami at kakatapos lang namin bumili ng kanyang mga pagkain. Sakto lang naman binili niya, pero sa para sa akin eh sobrang dami. Tig-iilang kilo ba naman ang binili at mukhang big time pa ang handaan niya. I wonder kung sino ang kanyang kasama niyang magce-celebrate ngayong pasko.

"After Christmas and New Year? Anong sunod na balak mong gagawin?" Usisa ko. I want to keep the conversation going para less awkward. It's the instincts you know.

"Edi mag-aaral. Umm.. yun lang? You know, Law School is harder than usual." Sagot niya.

"Ikaw?" Pabalik tanong niya sa akin at siya na ang naglagay sa counter ng cashier upang mabayaran niya na ang kanyang pinamili.

"Ako? Hmmm... ganun rin. Mahirap rin medtech noh! Ano ka ba, akala mo ikaw lang ang nahihirapan sa course na pinili mo?"

"Tsk!" Sabay iling niya. "Are you bragging or complaining?"

"Hindi!"

"Denying?"

"No!"

"Ano?"

"Wala. Nagsasalita? Okay ba yun? Palibhasa lawyer, nakikita ang kasinungalingan base sa mga kilos ng isang tao." Sabay krus ng aking mga braso. Eh totoo naman, e.

"Woah! Wait, wait. Colle courses ba ang topic natin?" He asked.

Umiling ako. "Hindi. Change topic." Sumbat ko agad.

He raised both if his hands, while it rested on the handle of the push cart. He's like surrendering. He smirked and raised his brows while staring at me.

"Okay."

And then we changed topic at naging mahaba ang usapan namin hanggang sa makalabas kami ng grocery. Naka apat na paper bags ang kanyang pinamili. Ako tuloy ang may dala nung isa. Atleast magaan, sa kanya eh mabigat at mukhang hindi pa kaya. Pina-hassle pa kasi ang sarili, ayaw ilagay ang wallet at cellphone sa kanyang bulsa.

Nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya ay doon ako natauhan. Agad naman akong umiwas ng tingin. I heard him chuckled.

"Wait, stop muna. Lagay ko lang phone at wallet ko sa bulsa." Aniya at tumigil kami dito sa isang gilid na malapit sa elevator.

Hinilig niya sa isang gilid ang mga paper bag at lumuhod siya para itali ang kanyang sintas. Pagkatapos no'n ay tumayo siya at binulsa ang kanyang phone at wallet. Kinuha niya ulit ang mga paper bag at humarap sa akin. He wrinkled his nose upon looking at me and smiled.

"Bothered sa wallet at phone ko." Aniya sabay ngisi at humagikhik.

Napansin niya pala yun. Naramdaman ko namang umiinit ang pisngi ko at namumula. Porket bothered ako doon eh hassle naman talaga. Tsk! Feelingero pala ang hinayupak.

Bumaba na kami sakay ng elevator at tumungo na sa kanyang sasakyan. Nilagay niya sa likod ng sasakyan ang kanyang pinamili at hinintay ko muna siya dito sa labas. It's always nice to see him packing and organizing the paper bags and boxes in a place. I like how the fact he was organized. Epekto yata yun ng law school at sa pagiging stalker niya. May benefits rin pala.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now