Chapter 27: Gifts and Presents

4 2 0
                                    

Pumunta kaming lima sa cine pero agad na rin akong nagpaalam at dahil may kikitain akong kaibigan dito. Mulhang alam na rin naman nila kung sino 'yon kaya pinabayaan na nila ako. Ang nakakatawa pa ay binilhan pa ako ni Billy ng Pepper Spray for self-defense purposes.

Habang naglalakad ay nakayuko at nakatingin sa phone ko. Kanina ko pa tine-text si Austin kaso hindi siya sumasagot.

Brianna: san ka

I got a simple reply from him and I am the one who will encode it. Kahit dito sa mall, gagawin niyang adventure.

Austin: Nasa dept. store po.

Austin: wait.. labas lang ako. hintayin mo ko diyan hehe✌️

May balak pa siyang ako ang maghahanap sa kanya imbis na siya. Ako pa talaga ang nag-adjust para sa kanya. No wonder why kung bakit walang nakikipag-date sa lalakeng ito, ako pa yung maghahanap.

Sa sobrang inip ko ay tumigil ako dito sa isang gilid at sumandal sa may glass window. I decided to call him at buti na lang ay sinagot niya agad.

"Hello?" I greeted, infuriated.

"Sa'n ka?"

"Dito sa labas. Saan ba kasi department store?" Tanong ko sa kanya.

"Wait malapit na ako... nakikita kaya kita." Sabi niya. I gulped when I heard that he found me. Nag-angat ako ng tingin at nilibot ng mga mata ko ang buong paligid kung nasaan si Austin. My eyes roamed around and there's no one caught my attention that there's not even a pink hooded guy strolling around the corner.

"Where are you? Saan ka ba kasi?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Tapat ng Greenwich. Wait lang, bumili lang ako ng pepperonni pizza for the two of us. Nagutom kasi ako, e." Aniya. Habang tumitingin sa kahit saan ay may isang napukaw na atensyon ko mula sa hindi kalayuan.

Medyo mabilis siyang naglalakad papalapit sa akin. He's wearing creme white khaki shorts and white polo shirt paired with white shoes. May suot rin siyang salamin na hindi gaano kalaki. He smiled at me, when I saw him walking towards me.

"Hey!" He greeted at doon ako natauhan. May hawak siyang dalawang pizza sa kanang kamay habang iced tea naman sa kabila.

Binigay niya sa akin ang kanyang peppero ni pizza at kinuha ko naman 'yon. I smiled at the pizza, bago siya titigan.

"Ginagawa mo dito at sinundan mo 'ko hanggang dito sa SM?" Tanong ko sa kanya.

"Assumera mo noh? Nagsimba ako... dumerecho ako dito sa SM kasi bibili ako ng Christmas Tree at maggo-grocery." He explained and took a bite of his pizza.

Nanlaki ang mata ko. "Weh? Totoo? Banal ka pala."

"Nasanay ka kasi sa suot ko laging hoodie. Edi ayan, baka sabihan mo 'kong wala akong sense of fashion kagaya ng ka-tropa mong lalake na blondie na marunong manamit." Sabi niya at tinignan ang kanyang sariling suot. Pinagpag naman niya yung kanyang damit at muling tumingin sa akin. He sounds like he's sulking.

My brows furrowed as I look at him. "Wait? Selos ka kay Troy?"

"Hindi ah! Bakit naman? Wala akong karapatan magselos. Friends lang naman tayo, e." He said, sounding defensive. Nagbaba siya ng tingin at mabilis na kinain yung kanyang pizza. Hindi niya ako tinitigan pagkatapos no'n

Napangiti na lang ako. "Tsk! Selos!"

"Ewan ko sa'yo. Ano nga pala ginagawa mo dito? Saw your post and my day mo kanina sa facebook, mukhang kasama mo mga ka-tropa mo ha." Usisa niya sa akin at muling tumingin. Natapis na siyang kumain kaya humigop soya ng iced tea sa kanyang cup.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now