HO-Chapter 5

1.2K 27 0
                                    

Fulvia Smith's POV*

Nakatulala ako ngayon dito sa kuwarto. Ngayon'y nakakapanibago, ang tahimik, ang dating pintuan'y lock. Ngayon bukas na bukas. Para bang sinasabi nu'n na ako'y tumayo at umalis na kung nasaan ako ngayon. Napatingin na lamang ako sa aking tiyan hahawakan ko sana ito.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Hell Syx at may dala itong tray ng pagkain at amoy ko ang adobo do'n at gatas. Siguro, dahil buntis ako'y mas matalas pa ang pang-amoy ko. Nalungkot ako at sumiksik sa headboard ng kama. Sasaktan na naman kaya niya ako? O kaya'y may gagawin na naman s'yang hindi maganda sa akin.

Napayukom ko ang aking kamao na kanya naman nakita. Hindi ko akalain na makikita ko ang isang Mafiaboss ng ganito ang turan sa akin. Hindi ba ako nanaginip?

''Gising kana pala, here. Pinagluto kita ng makakain, 'di ako cook o bihasa. Pero sa tingin ko'y puwede na kain 'yan.'' Nakangiti ito sa akin naikinakunot noo ko lang. Ano 'yang pinapakita niya sa akin? Isa din ba niyang side 'yan na kailangan ko din pag aralan sa kanya.

Bumuntong hininga ito at inilapag sa harap ko ang pagkain. Nagugutom na talaga ako at napahawak sa tiyan ko na ikinatingin ko sa kanya, pero blangko ang mga tingin nito at napalitan ng pag-aalala. Ano kayang nangyayari sa kanya.

''Why? Are you okay?'' hahawakan niya sana ako ng tanabigin ko ang kamay niya. Hindi pa din maalis sa akin ang pandidiri at sa kanyang mga nagawang kasalanan sa akin. Hindi ba siya talaga titigil? Gusto ko na lamang mabuhay ng tahimik at hindi ko gusto makita siya.

''I'm sorry, baby. Promise, magbabago ako para sa 'yo, huwag mo lang ako iwanan ng ganito.'' Gusto ko sana s'yang sampalin, pero mas pinili ko manahimik, gawa sa talagang pag-asa ang ugali niya at ayoko madamay anak ko. Ramdam ko pa naman asa tiyan ko pa siya.

"B-bakit hindi mo na lamang ako pabayaan? Hindi naman kita ginugulo, at lalong hindi ako nagsumbong sa mga pulis." saad ko dito na ikinatingin ko naman sa kanya naikinayukom naman ng kanyang kamao. Mukhang nagagalit na naman siya sa hindi ko alam na dahilan.

Napahilot naman ito ng kanyang sentido, pero hindi ito nagsalita at umupo na lamang sa tabi ko, na ikinaurong ko naman. Hindi ko alam na baka may gawin siya sa akin na hindi ko alam.

Totoo kaya magbabago siya? Paano kung malaman niya buntis ako. Ilalayo o kukunin niya kaya anak ko sa akin?

''Ubusin mo ang pagkain na 'yan at inumin ang gatas. 'Wag muna subukan pang tumakas, dahil ikaw lang mahihirapan at huwag muna ko inisin. Dahil ayoko sa lahat iniinis ako.'' Umalis ito agad pero, hindi niya sinara ang pinto.

Tinignan ko ang pagkain at inamoy na biglang nanubig ang aking bibig ang bango naglalaway ako dito. Kumain ako at inubos ko para naman may lakas ako para makatakas muli kay Devoncore.

Hindi ko inaasahan na hindi pa din nilock ni Hell ang pintuan. Hindi ba talaga nakakaramdam ang lalaking iyom na kinasusuklaman ko siya?! Hindi ako makakarating sa sitwasyon na ganito kung hindi dahil sa kanya, pero nagpapasalamat na din ako dahilan sa naramdaman ko din ang maging isang ina'y hindi ko pinagsisisihan.

Pagkatapos ko ay bumaba ako at pinagmasdan ko ang mga paligid. Natutuwa ako sa mga nakikita ko maganda pala dito. Malawak at talagang mayaman ang lalaking iyon. Hindi talaga siya magpapatalo sa mga taong nakapaligid sa kanya.

''Napaganda pala ng asawa ni sir, Syx. Jusko. Pag ganyan kaganda'y 'di ko talaga hihiwalayan.''

''Parang diwata 'yung ganda.''

''Ang cute pag ngumiti nakakatibo.'' Rinig ko napinaguusapan ako ng mga maid.

Ngumiti ako sa kanila at ikinapula nila hala? Natawa ako sa kanila, lalapitan ko sila ng may nagsalita sa likod ko. Speaking of the devil.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18✓ COMPLETEDWhere stories live. Discover now