HO-Chapter 21

476 17 0
                                    

Nagising ako sa may bumuhat sa akin at ganoon nalang ang kunot ng noo ko nang mapansin kong hindi 'to si Hell tumingin ako sa kanya. Bakit parang ang seryoso naman nila ngayon.

''Ano’ng nangyayari? bakit nagkakagulo dito?'' Nanghihina pa ako gawa sa 'di pa talaga okay ang katawan ko dahilan sa tattoo na ipinalagay ni Hell sa akin at talagang nakakapang-lambot. Dahil may lagnat pa naman ako at 'di pa gaano galing.

''Masyado napaagap ang Mafia War. Ito na ang sinasabi ko kay Syx, gawa sa pag papakilala niya sa 'yo bilang Mafia Queen, ngayon ay nagkakagulo na ang dalawang kupunan na sakop nang kalaban.'' seryosong saad ni Theodor sa akin.

Pinagtataka ko, bakit siya ang may dala sa akin nasaan asawa ko? Tumingin naman ito at mukhang na basa siguro nito ang mga katanungan ko. Napabuntong-hininga naman  ito sa akin at napailing.

''I'm a Doctor. Kaya ako ang inatasan niya magprotekta sa'yo. Nasa field kasi siya at may inaa--'' 'di nya na tapos ang sasabihin nang may malakas na sumabog sa mansyon.

Mabuti ay malayo na kami masyado pa akong hilo at masyado pa rin mahina. Napagala ang paningin ko kung naasan kami ni Theodor napatingin ako sa likod. May kasama pala kami mga tauhan nila na agad akong napapikit ng may sunod-sunod ulit na pagsabog. Biglang tumunog ang cellphone ni Theodor maingat niya pa din akong kinarga at sinagot ang tawag.

''Where's my wife?'' rinig kong sabi ni Hell sa kabilang linya. Hindi ako kumibo dahilan sa tinitignan ko ang magiging reaksyon ni Theodor dahil ang iba pa niyang sinasabi ay napakahina.

''She's fine, may lagnat pa siya at hindi pa kasi gaano magaling ang kanyang sugat.'' saad naman ni Theodor at nakatingin sa akin si Theodor.

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Hell at alam ko nag aalala ito, pero nagulat ako nang may nagsalita sa kabilang linya. Bakit niya kasama ang taong alam niyang ikagagalit ko?

''Saan tayo pupunta, Syx?'' saad nito kay Hell. Hindi ako umimik at alam kong tinitignan ako ni Theodor.

''Will you shut-up. 'Di ka naman sana isasama dito. What the f**k! Jack ilayo mo nga ito sa akin si Calla.'' Nawalan ako ng gana makinig.

Nakakainis lang, ako 'tong Asawa n’ya, pero mas inuna niya 'yung iba iligtas. Kaya ba hindi na masabi ni Theodor sa akin ang lahat kanina dahil magagalit ako. Nakaramdam ako ng naiihi ako, gusto ko ‘man pigilan, pero 'di puwede kaso nasa gyera naman kami ng dalawang panig.

''T-theodor.'' Nakakahiya, pero no choice. Napayuko na lamang ako at hindi ko alam kung kahihiyan o talagang nakakahiya.

''What?'' Tumingin ito sa akin. Habang busy maglakad ang lalaki ng mga hakbang nito. Para bang kailangan na namin mag-madali at maraming mga kalaban ang humahabol sa amin.

''Na-naiihi na ako.'' Parang password ang salitang iyon at napatigil siya at nagpalinga-linga pa nga ito at sa malaking puno siya huminto.

''Hihintayin ka namin dito. Sige, na umihi kana.'' Binaba ako nito, pero masyado pa yata ako mahina kaya muntikan na ako matumba.

Kaagad na may humila ng kamay ko, napakalakas ng tibok ng puso ko nang makita ko ang mukha ni Hell na ngayon ay mukha nag-aalala. Pero, bigla akong napatingin sa likuran nito at kakaibang galit ang nararamdaman ko. Siya ang pinaka ayokong makita. Ang taong pumatay sa mga anak ko.

Hindi ko na pigilan ang pagluha ng mga mata ko na para bang bumalik sa akin ang mga nakaraan ko.

''H-hey… wife, f**k! Bakit ka umiiyak?'' Pero tinabig ko ang yakap niya at napasandal ako sa puno. May pakiramdam ko ay tataasan ako ng lagnat lalo. Nang makita ko si Calla.

''Over acting, tsk.'' narinig kong kumento pa ni Calla na ikinatingin ko nang masama. Nawala ang mahina kong pakiramdam, pero ngayon ay galit, puot, at pakasuklam. Gusto ko siyang patayin, mali ba ang nararamdaman ko? May kakaiba akong naramdaman na para bang nagawa ko na iyon—Ang pumatay.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18✓ COMPLETEDWhere stories live. Discover now