HO-Chapter 7

963 23 0
                                    

Nagising ako ng 2am at napangiwi na lamang ako ng maigalaw ko lamang ang kunting ang katawan ko. Hindi ko akalain na may mangyayari sa amin dalawa dahilan sa ginawa kong pagtitig kay Theodor. Pumayag ka naman, para ngang nagustuhan mo pa ang ginagawa sa'yo. Nailing na lamang ako sa aking isipan ng maalala ko na hindi man lang ako nanlaban kay Hell kanina sa mga nangyari.

Dahan-dahan akong tumayo at talagang parang may hinahanap ako tinignan ko ang kama at nakita ko ang mangga na kanina ko pinakuha kay Hell at napailing ako inatake na naman si Hell Syx ng katimangan niya kaya nagawa na naman niya ang kahalayan, buntis pa naman ako pero, ang pinagtataka ko ay parang hindi siya marahas ngayon at parang napakabanyad niya. Nagkataon lamang ba 'yon?

Umalis ako sa kama at dahan-dahan na bumaba napatingin ako sa tiyan kong mas lumaki ang umbok niya. 3months na siya, kaya mas pinipili ko na ang malalaking damit at madalas ay damit ni Hell ang ginagamit ko.

Ang pinagtataka ko ay 'di nagugulat si Hell parang normal lang sa kanya. Para siyang walang pakialam sa dadamitin ko, pero ngayon'y siya ang nagpalit sa akin na mas pinagtataka ko dahil hindi niya kaya napansin ang tiyan ko? No. Fulvia, hindi niya siguro napapansin dahil alam mo naman siya mas busy pa siya sa buhay niya mag payaman.

Hinubad ko ang short na ibinili ni Hell at parang mas gusto ko pang mag panty dahil mas maganda sa pakiramdam. Atsaka 'yung damit ni Hell ay malaki hanggang taas ng tuhod ko ito.

Bumaba ako nang hagdaan at nakita ko si Hell sa office room niya. Bukas kasi pintuan niya, pati na din ang ilaw na nagsibing liwanag sa kanyang tambak na gawain. Hindi talaga niya ako ginising para sana nakakain ako.

Para kong bata na dumungaw dito at napatingin ito sa akin na kumunot ang noo. Gusto ko sana lumipas ang oras o araw para pigilan ang paglilihi ko, pero mas kinatatakot kung mapasama ang anak ko at kawawa naman.

Lumapit ako dito at napatingin sa akin at umupo ako sa mesa at humarap sa kanya mukha siyang pagod na pagod para lang akong bata kay Hell dahil kahit nakaupo ako sa mesa at siya'y sa swevil chair ay mas matangkad pa din ito sa akin. Tiningnan niya ako at pinat ang ulo ko at ngumiti.

''What's the matter? Hmmm.'' Parang nawala ang pagod niya ng hawakan niya ako at pinunasan niya ang luha na bumabagsak ngayon sa pisngi ko. O hindi ba ang arte ko kapag kaharap ko siya. Hindi ko din alam kung bakit ba ako nagkakaganito sa tuwing nanghihingi ako ng gusto ko'y nauunahan na agad ako ng iyak.

''I-I wanna eat.'' Nakayuko ako at nagulat ako ng hilahin niya ako at pinaupo sa kanya lap. Napapatingin na lamang ako kay Hell Syx sa kanyang ginagawa kakaiba talaga siya ngayon na para ba siyang sinasapian ng kabaitan. Medyo, lulubusin ko na din para kabayaran sa ginagawa niya sa akin no'n.

''I wonder what food it is. Binigay ko sa'yo kanina lahat, pero isinuka mo lang lahat. What did you want to eat? Me?'' Ngumisi ito at napakunot noo ako ano daw? Siya? Bakit makakain ko ba siya? Huh?

Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo at bahagyang ngumiti. Parang gusto kong tusukin ang mata niya dahil mas binu-b'wisit niya pa ako ngayon. Hundi ba niya alam na masamang b'wisitin ang mga buntis dahil baka makapatay kami? Oa na masyado Fulvia.

''Gusto ko ng balot?'' saad ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin na para na naman siyang loading.

He paused for a second and take a look of his wrist watch before focusing his eyes on me.

''It's past might, baby. If you what go to sleep and bukas tayo bumili.'' Nag iba ang timpla ng mukha ko at 'di ko siya pinansin. Bahagya ko din siyang tinulak at gusto kong umalis sa lap niya talaga at naiinis na ako sa kanya, pero hindi niya ako hinayaan umalis at niyakap lamang niya ako at para siyang naglalambing na ewan.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18✓ COMPLETEDWhere stories live. Discover now