HO-Chapter 23

433 16 0
                                    

Nandito ko ngayon sa Mansyon namin at kasalukuyan ay may iba akong nararamdaman. Kakaiba na kailangan pigilan. Ang matagal ko ng kinatatakutan. Mabilis akong umalis sa hospital na pinagpapahingahan ng aking Asawa dahilan sa hindi na ako pwedeng mamalagi roon ng matagal dahilan sa aking kondesiyon.

''Shhh… relax, darling… hindi ka pwedeng ganyan kawawa, 'yung apo ko baka mapahamak siya kapag ganyan ka.'' Para kong nanghihina nilalaban at pinagpapawisan. Habang pinipigilan ko ang aking katawan na gumawa ng mali.

Yes. I'm pregnant sa pangalawang pagkakataon. Gawa na naman ng mahilig kong Asawa na mahal na mahal ko. Napailing-iling ako at pinapakiramdaman ang sarili. 7 months na nung mawala ang kambal ko at ang pangalawa kong pinagbubuntis ay nasa 3buwan pa lamang ito.

''A-ate…'' Napatingin ako kay Mynx at kutob ko na hinahanap na naman ako ni Hell Syx. Ang isang iyon ay hindi talaga mapapakali pag hindi ako kasama. Gusto na naman siguro niyang halughugin ang buong mundo sa aking pagkawala.

''Hinahanap ka ni Kuya Syx. Nagwawala na naman siya sa kanila, halos ubusin niya ang mga tauhan niya pero hindi nila magawa. Pinapahalughog niya ang buong mundo makita kalang n’ya… Ate.'' kaagad ako napahawak sa dibdib ko. Naninikip na naman… Heto na naman ang nararamdaman ko napapangiwi ako sa sobrang sakit. Napapaluhod na lamang ako sa matinding sakit at kirot na dulot nun sa puso ko.

''G-get out! U-umalis na kayo d-dito!'' Nahihirapan kong sabi, bumibilis ang pag-tibok ng puso ko at dahil sa marami kong napatay ay mas nakatikim ang pangalawa kong side na matinding pananabik. Natatakot ako at naluluha na baka 'di ako matanggap ni Hell Syx pag ganito. Paano niya tatanggapin ang halimaw sa side ko na ito. Napatingin na lamang ako sa salamin at natatakot ako sa mukha kong siyang ikinangisi nito sa salamin. Papatayin mo silang lahat. Wala kang ititira. Wala!

Pawisan ako at nanalangin na sana malagpasan ko ito. Dahil kahit ang mga Doctor ay hindi ito magamot kung bakit ako nagkakaganito. Pag nakakapatay ako ay parang nag iiba ako at iyon ang kinatatakot ko. kumapit lang kalang anak ko, hinihintay tayo ni Daddy, uuwi tayo sa kanya. Maging masaya tayo at makokontrol ni Mommy ang sarili niya, mahal na mahal kita anak… at nanlabo ang paningin ko at bumagsak sa sahig.

***
Point of view
--Hell Syx Devoncore--

''Where's my wife!'' Halos pag-tuonan ko sila ng galit at pinagbabaril ko ang mga 'to.

Matapos kong lumabas sa hospital 3weeks ago ay nawala ng parang bula ang Asawa ko na hindi nila mahanap at hindi rin nila alam ang kasagutan kung saan nga ba ito nagtungo. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa kanya, dahil ang huli namin pag uusap ay sabi niya na ay mahal niya ako pero bakit ganoon? Iniwan niya akong mag isa?

''Ano ba Syx, mag-relax ka nga lang p--'' 'Di ko na pinatapos ang sasabihin ni Jack at pinagpuputukan ko na kaagad ito. Napahilot ako ng sentido.

''Hanapin ninyo! Halughugin ninyo pa ang buong mundo. Makita lang ang Asawa ko!'' Masyado na matagal at namimiss ko na ito. Napatingin naman ako sa pagbukas ng pintuan at iniluwa nun si Mynx na ikinakunot na lamang ng noo ko sa itsura nito.

''Kuya Syx... K-kailangan ka namin… kailangan ka niya…'' Napatingin ako dito napuno ng sugat ang katawan. At kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata na para ba itong galing sa kung saan.

''A-ano nangyari sa 'yo?'' hindi ko maiwasan magtanong. Dahilan sa panginginig nito at masyado siguro itong naapektuhan sa pagkawala ng kanyang Ate Fulvia.

‘’H’wag kang mag alala sa Ate mo, mahahanap di--’’

''Si… A-ate Fulvia.'' Mahina ang pagkakasabi niya, pero alam kong alam niya kung nasaan ang Ate niya. Dahilan sa kanyang ikinikilos at sa malilikot nitong mga mata.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon