HO-Chapter 16

667 24 1
                                    

"Ano ba Ate? hanggang kaipan ka ba magtatago kay Kuya Hell?" saad n Mynx na ngayon ay nagluluto nang makakain namin dito sa kanyang condo. Hindi ko akalain na ikukuha siya ni Hell ng maganda at mamahaling condominium para lamang mapaniwala ako na hindi siya sumira sa usapan namin noon.

Malawak at maganda rin ang paligid nito at talagang masasabi mong mayaman ang bumili nito. Pero bakit kailangan niya pang gawin sa gayong alam naman niyang hindi naman kami umaasa sa pera niya at wala na rin naman siyang obligasyon sa akin dahilan wala na ang anak namin dalawa.

"Ate?!" napatingin na lamang ako kay Mynx na ngayon ay nakaharap na pala sa akin at nakapamiwang, akala mo naman ay talagang mature na siya kung mag isip at talagang sinisermunan niya ako sa pagtatago ko sa lalaking iyon na siyang kinukuya niya. Hindi ko alam kung ano ba ang pinakain ng lalaking iyon dito at ganito na lamang ang pagtataboy sa akin.

"Puwede ba, wala ako sa mood mag paliwanag." saad ko rito na itinignan na lamang siya ng walang buhay. Ayoko na naman pagtalunan pa namin mag kapatid ang ganitong usapin lalo na't hindi ko gusto ang ipasok sa isipan ko si Hell sa ginawa niya sa akin.

"Paano mo nasasabi iyan? Ate, alam ko naman na nasasaktan ka rin. Alam ko rin naman na mahal na mahal mo ang mga pamangkin ko, pero Ate--"

"Hindi mo naiintindihan! Paano ko gugustuhin makisama sa taong may gawa ng lahat nang ito?! Hindi madal--"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ate hindi lang ikaw ang nawalan ng anak, pati na rin si Kuya Hell ay nawalan. Anak ninyo iyon Ate.—" huminga muna ito nang malalim at tumingin sa akin ng maigi. "Alam ko naman na nasasaktan ka at alam ko rin na dahilan kay Kuya Hell ay nagkakaganyan ka, pero Ate hindi mo ba naisip na siya din ang dahilan kaya ka naging masaya? siya rin ang dahilan noon kaya nabuo ang pagmama--"

Malakas kong binalya ang lamesa na ikinatili lamang ni Mynx. Hindi ko alam pero nagagalit ako na kung bakit kasi ngayon ay para bang sinisisi pa nila ako na kaya ako nagkakaganito ay para lamang akong isip bata sa kanilang mga mata.

"Hindi ko nga sabi siya mahal! Ilang beses ko bang sasabihin iyon sa inyo?! Si Hell ang taong kinasusuklaman ko! Siya ang dahilan kaya ako hindi nakagraduate sa Collage. Huwag na ninyo ipilit ang mga bagay na hindi kailanman magbabago. Kung ayaw mo ako rito sa condo mo magtago, sabahin mo lang. Hindi iyon ipipilit mo rin na umuwi ako sa kanya." saad ko rito na ikinailing lamang nito sa akin.

Mabilis nitong pinulot ang mga nahulog sa lamesa at nilinis iyon. Nagulat na lamang ako na may kinuha siyang medicine kit. Huwag mo sabihin na nasaktan siya sa mga tumilapo--

"Okay lang naman umiyak, Ate." aniya sa akin na ikinatingin ko na lamang nang kuhain niya ang kamay ko na may bahid ito ng dugo. Nagtataka akong napaigik nang maramdaman ko ang hapdi na galing sa alcohol.

"Pero sana, huwag muna ulit sasaktan ng ganito ang sarili mo, please..." naluluhang saad niya na niyakap ako. Hindi ko lubos maisip ang nangyayari sa buhay ko. Ngayon ay mabilis uminit ang ulo ko at hindi ko rin lubos maisip na mabilis akong maapektuhan kapag si Hell ang pinag uusapan namin dalawa.

Tumakas ako kay Hell mga ilang araw na din ang nakalipas at talagang hindi niya ako nahanap. Hindi ko alam pero hindi manlang binalak ni Hell hanapin ako sa kapatid ko at sa condo na siyang may bigay. Gusto ko lang naman sana kalimutan siya at lalo na sa mga nangyari sa akin at lalo na sa babae niyang si Calla.

Napatingin na lamang ako sa pagbukas ng pintuan at iniluwa nun ay si Jack na ngayon ay napatingin sa akin at kay Mynx. Para bang hindi na siya nagulat na andirito ako.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" basag ko sa katahimikan na alam kong gusto nila akong pakiramdaman kung ano ang magiging reaksyon ko sa nakikita ko.

"Buwan-buwan talaga andito ako para ihatid ang budget ng kapatid mo." saad naman ni Jack at ngumiti sa akin.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18✓ COMPLETEDWhere stories live. Discover now