HO-Chapter 9

871 27 0
                                    

Napayuko na lamang ako nang pinagmasdan ako ng pamilya ni Hell Syx. Halos parang ayoko huminga, dahilan sa hindi ko alam ang aking magiging reaksyon sa mga binibitawan nilang tingin sa akin na para bang pinag aaralan nila ako sa mga kilos o galaw. Hindi ko akalain na ganito pala ang magiging pakiramdam mo kapag nakita mo ang mga magulang nang isang Bilyonaryo na kagaya ni Hell Syx.

Kilalang-kilala ang pamilya niya dahilan sa taglay nitong karisma sa larangan ng mundo ng Bilyonaryo. Lalo na sa malupet na pamamahala ni Hell Syx sa mundo ng Mafia.

''Syx, it that her?'' saad naman ng isang magandang Ginang na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangiti. Bigla na lamang ako napalunok ng makilala ko ang magandang Ginang. Siya ang Mommy ni Hell Syx ang kilalang napakabait na Ina sa lahat ng Bilyonaryo pero ang pinagtataka ko lamang ay bakit hindi man lang nakuha ni Hell ang ugaling taglay ng kanyang Ina. Para bang dalaga pa ang anyang Ina sa kanyang katawan at para bang hindi pa nito nailabas si Hell.

Bigla naman yata akong na inggit sa kanyang itsura. Mukha siyang dalaga pa at hindi makakalayo sa aking edad.

''Yes. Mom, she's Fulvia Tori Smith. My soon to be wife,'' bigla akong nasamid sa sarili kong laway at napatingin na lamang kay Hell na ngayon ay nakatingin din pala sa akin at nakangisi pa ito. Hindi ba talaga kakabahan ang lalaking ito sa mga sinasabi niya? Hindi ba niya alam na hindi ko s'ya gusto? Hindi rin ba niya alam na matindi ang galit na nararamdaman ko sa kanya mula no'n hanggang ngayon.

''Ohmygod! Finally, hija.'' nagulat naman ako sa mabilis nitong reaksyon at niyakap ako at ngumiti sa akin nang walang alinlangan. Ngumiti ako ng alanganin. Hindi ko nga alam kung panget ang pagkakangiti ko o talagang hindi ko alam kung ngingiti ako sa mabilisan na pangyayari sa buhay ko.

Natingin na lamang ako kay Hell at tinaasan siya ng kilay at ang loko, umiwas lamang ng tingin sa akin?! Really?

''Ikaw pala ang anak na panganay ni Mrs. Fulnialyn Smith at Mr. Macky Smith.'' Napatingin naman ako sa Daddy ni Hell na nakatingin kay Hell para bang nag-uusap sa mata ng dalawa.

''H'wag n'yo takutin si Fulvia kayong mag-ama ay 'di na talaga nagbago. Apo ipakilala mo naman kami,'' napatingin ako sa Ginang nakakadating lang at 'di mababakas ang kagandahan.

''Ilan taon ka naba hija?'' nakangiti itong nagtanong sa akin at malumanay na para bang ayaw niyang magkamali at para bang sa huli'y alam niyang mahihiya ako.

''Twenty-two po.'' Naiilang ako sa tingin nito. Kakaiba kasi talaga ang pamilya niya sa akin para bang ang wierd nila talaga tignan sa akin na kakaiba ang nararamdaman ko.

''Ganyan din ang edad ko ng pinagbubuntis ko ang Daddy ni Hell.'' masayang saad ng Lola ni Hell na may ngiti sa labi at hindi ko din naman maiwasan ang hindi mapangiti din rito.

''She's already pregnant, 3months na.'' Bigla ako nahiya parang gusto ko tuloy lamunin ngayon dito. Para kasing hindi pa ako handa nahusgahan dahilan mas nauna ang bata bago ang kasal, pero anong magagawa ko, hindi ko naman din ginusto ang gahasain ako ni Hell.

''Baka, naman kaya ka papakasalan sa apo ko ay buntis kana? atsaka, bakit nauna ang bata? Hindi ba't sana nagpakasal muna kayo? Ang mga bata nga naman ang pupusok na pagdating sa pag-ibig.'' Napayuko ako sa sinabi ng Lolo ni Hell.

Gusto kong mag-reklamo dahilan, hindi naman talaga gawa sa pagmamahalan ang batang nasa sinapupunan ko kundi gawa ito sa kahalayan ng kanilang apo. Bakit ginusto ko din bang gahasain ako ng apo n'yo? Gusto ko isigaw ang katagang 'yun pero naging pipi ako at ngumiti nalang. At ibinalik ang tingin sa mga kinakain.

''Stop. Wag n'yo pakialaman ang desisyon ko. Kung tutuosin, dapat matuwa kayo at masaya na ako.'' Napahawak ako sa kamay ni Hell dahil ramdam ko na gusto na naman niya magmura.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18✓ COMPLETEDWhere stories live. Discover now