HO-Chapter 13 SPG!

817 25 0
                                    

Matapos ang pag-ce-celebrate namin ay nagpaalam silang lahat. Ako naman ay talagang ihing-ihi na 'di na kaya. Kaya't napatingin na lamang ako kay Hell na balak pa yatang sumunod sa akin.

''Wait me here, I just wanna pee.'' Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, gawa sa talagang ihing-ihi na ako at 'di na mapigilan.

Nang matapos ako ay agad kong tinignan ang mukha ko sa reflextion sa salamin. Naging blooming ako at mas humubog ang katawan ko hiyang kumbaga sa pagbubuntis.

''You're happy?'' Agad ako napatingin sa nagsalita at agad din nasura sa mukha ng makilala ko kung sino ang kalapit ko. Hindi ba talaga siya titigil sa kakasunod o magkukuwento pa siya sa akin about sa kabataan nila?

''Akala mo siguro mahal ka ni Syx. Nakakaawa ka naman, nabuntis ka lang niya, at nag-assume kana kaagad. Akala mo'y ikaw na ang mahal n'ya?'' aniya sa akin kasabay nu'n ang kanyang pagngisi.

Nakakagigil talaga 'yung mga babaeng inggitera sa buhay na may buhay. Hindi kaya siya mabubuhay na walang siraan ng araw? kasi kanina pa lamang nasisira na ang araw ko sa kanya.

''Wala kong panahon para makipag usap mga kagaya mo.'' saad ko sa kanya, paalis na sana ako nang hilahin ako nito paharap at tinignan ako ng maigi. Kaya nakipaglabanan din ako sa kanya ng tingin.

''Naaawa ako sa 'yo sa totoo lang, tutulungan kita makatakas para sa anak mo.'' Tumingin ako sa kanya at para bang may kung ano siyang gusto iparating sa mga sinasabi niya sa akin.

''Inanakan ka lang talaga niya. Ang kailangan niya lang talaga, taga pag mana--''

''Hindi 'yan totoo!'' Napasigaw ako sa wala sa oras at naluluha sa mga sinasabi nito. Alam kong hindi ko balak ibalik ang pagmamahal ni Hell sa akin pero iba pa din ang pagkagusto ko sa ipinapakita nito sa akin. Kumbaga, napalapit na ako sa ipinapakita nito.

''Makinig ka.'' aniya sa akin at may inilabas siyang cellphone. Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya at napatingin sa pinindot niyang record.

''Pag nabuntis mo siya, bayaran mo na lamang.'' boses ni Theodor ang naririnig ko do'n. Napalunok na lamang ako sa aking naririnig sa sinabi nito.

''Tsk. I know what I'm doing, bubuntisin ko lang kapalit ang bata. Dahil kilala ko naman ang ibang babae pera lamang ang gusto. Walang feelings na envolve dito, nakakadiri din kaya tsk.'' Hindi ako nagkakamali sa narinig ko si Hell 'yun na halos parang nandidiri sa kanyang sinasabi. Kung gano'n ba binalak n'ya lamang akong buntisin? Hindi maari ito?! Sino siya para lokohin lamang ako at saktan ng ganito.

''Pare, ganyan mo ba talaga ka 'di gusto ang--'' hindi ko napinatapos dahil tinabig ko na agad ito. Naiinis na ako sa naririnig.

"Masakit ba? na akala mo mahal ka hindi pala." aniya sa akin na ikinatingin ko na lamang at nanginginig na halos hindi makapagsalita ng maigi.

''AHHHH!'' Napasigaw ako sa sakit ng nararamdaman ko sa tiyan ko at napakapit sa pintuan na ikinataranta ng babae. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.Bakit nga ba ako nagpaloko sa lalaking iyon na alam ko siya din ang may dahilan ng lahat.

Hindi ko man lang naiisip nalolokohin din niya ako pagdating sa pagpapakita ng ibang side. Nagpaloko ka sa kanya Fulvia! Sigaw naman ng isipan ko.

Nakarinig ako nang mga yabag mula sa labas ng cr at nakita ko ang hinihingal na si Hell na galing sa pagtakbo pero bigla na lamang akong nakaramdam ng sobrang pagkagalit sa kanya.

''Oh. Sh*t!'' hahawakan sana ako ni Hell Syx, pero agad ko tinabig. Nakakadiri siya sa ginawa niya sa akin. Alam ko na pinagtatawanan nila ako dahilan na niwala kaagad ako sa kanila.

''I hate you!'' Nagulat ito at nakatingin sa akin na para bang naguguluhan sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Akala ko totoo ang mga sinabi niya sa tuwing aalalagaan niya ako. Mali pala! Maling nagpalinlang ako sa kabaitan niyang 'yun.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18✓ COMPLETEDWhere stories live. Discover now