HO-Chapter 10

843 22 0
                                    

Napasimangot naman ako habang nakatanaw kay Jack na busy pa din maglaro. Ayoko naman kay Hell at napaka-boring gusto lang n'ya'y magtrabaho at miski ang baby ay ayaw sa kanya.

''Doon nalang ako kay Jack, ang boring mo kaya kasama. Atsaka, titignan ko lang mag-ML si Jack. Nakakaaliw kasi siya panoorin.'' Nagdilim ang aura nito at masamang tumingin kay Jack. Hindi ko malaman ang gusto niyang sabihin pero napapansin ko ang pagkabanas n'ya ngayon kay Jack.

Napangiti ako ng mabilis itong naglakad at mukhang papayagan na niya ako tumabi kay Jack habang nanonood dito. Pero iba ang aura na bumalot kay Hell nu'ng lumapit na kami kay Jack na ikinangiwi naman ni Jack.

''Easy, pare... Naglalaro lang ak--''

''Let me. Ako 'yung samahan mo mag-ml din ako. Hindi ako papayag na sa gag* na 'yan ikaw sasama samantalang ako ang asawa mo dito.'' Napangiwi ako sa sinabi nya at natawa si Jack. Para bang nakakasanayan niya na ang tawagin ang sarili niya na asawa ko siya kahit hindi naman.

''Ang bakla mo naman pare, 'di mo kaya to!'' Sinamaan niya nang tingin nito at nagpasipul-sipol lang si Jack. Dahil kakaiba talaga ang ikinikilos ni Hell dahil kung sasawayin ko pa siya'y baka mapatay niya lamang din ako.

Makalipas ilang oras ay panay mura ni Hell Syx, paano ba naman lagi siyang patay. Hindi na lamang kasi n'ya aminin na talagang hindi niya matatalo si Jack sa labanan sa ml na ito.

''What the f**k! sh*t! I don't know what to do. F**k!'' Seryoso siyang naglaro at ako napapangiwi na lamang habang pinagmamasdan ang ginagawa n'ya. Paano, kulang nalang madurog 'yung cellphone niya sa sobrang kapit nito rito.

Halos manlaki ang mga mata ko ng ibinato na nito ang cellphone. Parehas kami ni Jack napailing nu'n dahilan pinatunayan lamang n'ya na hindi talaga mahaba ang pasensiya niya dito.

''That's f**king enough! That's hero is so stupid! Hindi nga din gumagalaw ang mga 'yan.'' sigaw naman nito. Para bang sinisisi pa n'ya ang gamit niyang hero dahilan sa mga ikinikilos niya'y para siyang batang gusto manakit na lamang.

''Weh? B*b* ka lang, magaling ka lang pumatay. Pero sa laro, b*b* ka.'' mapang-udyok na saad ni Jack na halos matawa sa mukha ni Hell. Pero mukhang hindi talaga natutuwa si Hell dahilan tinitigan niya pa ako bago siya tumingin kay Jack.

Kumasa na naman ang baril nito at tumingin ako ng masama dito. Nag-u-umpisa na naman kasi ang magiging siga nito. Mafia na siga.

''Tsk. That's so unfair. Kakampihan mo ang g*g* na 'yan.'' Yumakap ito sa akin at tumingin. Nawe-weirduhan na talaga ako sa kanya, para siyang kakaiba sa akin ngayon.

''Masaya ka pa rin naman sa akin kahit 'di ako marunong ng gano'n laro? hindi ba? hindi mo naman ako ipagpapalit sa panget na 'yan?'' Napaikot ang eyeballs ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa lalaking ito at kinakain na siguro siya ng kasweetan sa sarili.

''Please, respeto sa ang walang Jowa!'' umalis si Jack ng parang timang sinipa pa nito ang bangko, bago umalis.

''Bakasyon tayo,'' sabi ni Hell na naikinasingkit ng mata ko. Hindi pa man ako gaanong nalalapit sa loob ni Hell pero habang tumatagal ay nagugustuhan ko ang mga paandar ni Hell na ikinasasaya ko naman minsan.

''Saan?'' sagot ko dito. Nagulat ako bahagya, nang hinawakan nito ang aking pisngi at para bang pinapaamo niya ako at hindi ko alam na mas gumagaan naman ang pakiramdam ko sa kanyang ginagawa.

''Basta, ako bahala du'n baby.'' Yumakap ito ng mahigpit sa akin at ngumiti. Ano nga kayang nangyayari sa kanya at pinapakitaan n'ya ako ng kabutihan? May balak ba siyang gawin sa akin, o sa batang dinadala ko?

''Mahal na mahal kita.'' Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kasabay nito ang paghalik nito sa labi ko na ikinagulat ko.

''Ayokong mawala ka sa akin, baka mabaliw ako pag nangyari 'yun.'' Pahabol pa nito na ikinapula ko.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon