Simula

28 9 0
                                    


Simula


Niyebe. Ang Pagsisimula ng taglamig. Napatigil ako sa paglalakad at tumingala, ang bughaw na langit at tila payapang araw ang sumilay sa aking mga kumikinang na asul na mga mata.

Saglit pang naglandas ang aking paningin sa langit bago ko ito inalis at nagsimula na muli ang paghakbang. Katulad ng panahon ay kalmado lamang ang ekspresiyon ko sa aking mukha, ngunit kaakibat rin nito ang nagbabadyang lamig sa buo kong pagkatao. Panibagong panahon na naman ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang matagal kong hinihintay.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at umiling, isang kisap-mata lamang ay nawala ang kapanglawan sa aking mga mata. Anong labis man ang aking pangungulila ay may responsibilidad pa ako na kailangan kong gawin.

Bumilis ang hakbang ko hanggang sa maging takbo na ito at makailang saglit pa ay napalitan na ang taong anyo ko ng isang malaking lobo. Ang kulay red-brown na makapal na balahibo na siya ring kulay ng aking buhok ay sumasabay sa hangin habang bumubilis ang aking pagtakbo.

Makaraan lamang ay may mga sumalubong na sa aking mga lobo rin ngunit tumigil sila upang magbigay daan sa akin at saka pa lamang tumakbo muli nang ako ang nasa unahan. Tahimik naming tinahak ang papunta sa mismong sentro ng aming pack.

"Tawagin mo na si Greil at Berriston," ang utos ko.

Isinuot ko ang binigay na roba at umupo na sa upuan. Hindi ko na muna inabala ang sarili sa pagsusuot ng damit, kahit na isang roba lamang ang aking suot ay hindi ito magiging hadlang sa aming pagpupulong. Sa mga werewolves, ang makakita ng hubad naming katawan ay normal lamang at hindi lubos na pinagtutunan ng pansin.

"Masusunod, Alpha." Ang tanging sagot ng omega na nagsilbi sa akin bago muling tumahimik na muli sa loob ng kuwarto. Sumandal ako sa upuan, habang naghihintay sa dalawa. Bahagya ko pang ipinikit ang aking mga mata, ngunit hindi rin naman nagtagal ay iminulat ko na muli ang mga ito nang marining na ang mga hakbang ng mga paa.

"Alpha," sabay na bati ng dalawa. Kalmado lamang akong sumulyap sa kanila at tumango bilang permiso na maaari na silang maupo. Walang mababakasan na kalungkutan sa aking pagmumukha bagkus ay nangingibabaw pa rin ang awtoridad dito.

Bilang isang alpha, hindi ko dapat ipakita sa aking mga packmate ang aking kahinaan. 'Yan ang turo ng aking ama, lalo pa na isa akong babaeng alpha. Wala mang umaangal sa aking pamumuno bilang isang babae, hindi pa rin masasabi ang mangayayari sa oras na magpakita ako ng kaunting kahinaan.

Naghintay lamang na makaupo sila bago nagsalita. "Magsisimula na ang pag-ulan ng niyebe," tumigil ako at tumitig sa dalawa na taimtim namang nakikinig sa akin. "Bukas ang panghuli nating pangangaso, sabihan niyo na ang mga sasama at maghanda. Hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang utos, tama ba?" taman ko silang tinignan at kalmado man aking tono, ngunit sa natural kong awtoridad ay waring may diin ang aking boses.

"Naiintindihan ko, Alpha." Sagot ni Greil—ang aking beta­—bago nagpatuloy, "ilang araw ba tayong mangangaso, alpha?" tanong niya, tila ba may pag-aalinlangan sa kaniyang tono.

Napataas ang isang kilay ngunit hindi ko pinansin ito at sumagot sa tanong niya. "Tatlo o apat na araw."

Muli ay tumango siya, halatang may gustong sabihin ngunit sa huli ay hindi na pinagpatuloy. Hindi ko na kinaya at tinanong na siya, ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang hindi sinasabi ang kanilang nasa isip sa aking harapan lalo pa at siya ang aking beta. Ang kaniyang opinyon ay importante para sa aking mga desisyon sa pack.

"Ano ang gusto mong sabihin?" May diin sa aking tono. Nagitla pa sila pareho at hindi nakapagsalita si Greil, napakunot na ang aking noo. Ang makita na ang pagdilim ng aking ekspresiyon ay inunahan na ni Berriston—ang aking Gamma­—na sabihin kung ano ang pinag-aatubiling sabihin ni Greil.

"Kabuwanan na ng mate ni Greil at baka ilang araw na lamang ay manganaganak na si Anallee." Mahina lamang din ang boses ni Berriston ng sabihin ito, mahina pa siyang siniko ni Greil bago muling nanahimik at napayuko.

Nanatili ang malalim kong mga mata sa dalawa na nakaytuko lamang ang mga ulo at hindi nakatingin sa akin. Ah, mate. Kaya pala nagaalinglangan sila na sabihin. Sa pack, ang sabihin ang salitang ito sa harapan ko ay mukhang naging sensitibo ngang bagay nitong mga nakaraang taon.

Napalunok ako ngunit hindi ininda ang bagay na ito at muling nagsalita. "So, kabuwanan na pala ni Annalee?" tumango ako at umayos sa aking upuan, "mawawala ka ng tatlong araw, maiintindihan naman siguro ng mate mo ang responsibilidad mo bilang beta ko, hindi ba? O... naiintindihan mo ba ang responsibilidad mo?" Kalmado ko pa ring saad, kahit na ang diin sa panghuling tanong ko ay may kalakasan.

Naiintindihan ko naman na ayaw niyang maiwan ang mate sa kabuwanan nito, kaya lamang bilang isang beta ko at sa pack ay may responsibilidad siya na kailagan na tugunan. Hindi ko ito nasasabi dahil lang sa hindi ko nararamdaman ang pakiramdamam ng may mate, kun'di sa rasiyonal na pananaw ng pagiging alpha.

Bahagya pa silang nanigas sa aking tono, nagkatinginan pa bago sabay na napatango.

"Oo, alpha. Naiintindihan ko naman ang responsibilidad ko kaya lang kasi maselan ang pagbubuntis ni Anallee kaya gusto ko sana na nandito ako sa panganganak niya." Paliwanang ni Greil na sinang-ayunan naman ni Berriston sa kaniyang gilid.

"Sigurado naman akong hindi siya pababayaan sa pack kiahit manganak siya na wala ka." Tanging saad ko at hindi na pinahaba pa ang usapan patungkol dito at tumuloy na sa iba pang bagay na pag-uusapan namin lalo na sa ibang paghahanda na kailangan sabihin at sa seguridad ng mga maiiwan sa pack habang wala ako.

Ilang minuto lamang tinagal ng aming pag-uusap bago ko sila paalisin at gawin ang mga sinabi ko sa kanila. Muli ay nanahimik na naman sa kuwarto nang nag-iisa na naman ako. Pumikit akong muli, tila ba ang pagod ay lumukob sa akin ng wala na akong kasama.

Tanging kapag nag-iisa na lamang ako kaya ko lamang naiipakita ang tunay kong nararamdaman. Mate... kapag ba nakita na kita, may masasabihan na ako ng mga tunay kong nasa isip? Ngunit hanggang kailan pa ba kitang hihintayin? Bumuntong hininga ako at tumayo na para gawin ang responsibilidad ko bilang alpha ng pack.



Dalawang araw ang nakakaraan sa aming pangangaso, lumalamig na ang panahon at panaka-naka na rin ang pag-ulan ng niyebe. Kailangan namin ng sapat na makakaing karne ngayong taglamig, nangunguna ako sa pack namin nang bigla akong napatigil.

Lumalim ang aking mga mata, bahagyang itiningala ang ulo ko at ang ilong ay inamoy ang hangin. Hindi ko inalintana ang pagtatanong sa akin sa aming pack link at tanging ang amoy na nanghahalina sa akin ang tanging nasa atensiyon ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbilis ng aking pagtakbo, wala na akong naririnig maliban sa malakas na tibok ng aking puso. Ang tanging nasa isip ko lamang ay makapunta sa direksiyon kung saan nanggagaling ang nanghahalinang amoy, ang matagal ko ng hinihintay. Hindi ako nagkakamali, sana ay hindi ako nagkakamali.

Tumigil ang mga pagtakbo ko, bumungad na sa aking mga mata ang nakahandusay na binata sa lupa. Banayad ang mga hakbang kong lumapit dito, wala ng nasa paningin ko kung hindi ang binata lamang. Tila rin tumigil ang oras hanggang sa ang aking ilong ay inamoy ang leeg nito, pinakinggan ang kaniyang paghinga. Habang ang ulo ay malambing na hinaplos sa kaniyang mga pisngi at dinilaan din ito. 

Malamyos ang aking tingin at mahinang umungot. Ang mate ko, sa wakas.

A Rare Kind of PairWhere stories live. Discover now