Kabanata 2

9 7 0
                                    


Ang sino man ang madaanan ko ay mga napapatigil at yumuyuko bilang magbigay galang. Tumango lamang ako at hindi na lumingon pa, walang mga ngiti sa aking mga labi. Mabilis ang mga hakbang ko at hindi na lumingon pa, nang marating ang sadya ko ay pumasok na ako.

May pagkakatulad ang bahay na ito sa aking sariling bahay, ang maringal nitong tayo na madaling makakita ang estado ng nakatira. Napatigil pa ako sa may labas bago pumasok na. Bumungad sa akin ang simple ngunit malinis na sala.

Hindi nagtagal ang tingin ko rito at nakuha agad ang atensiyon ko ng kasalukuyang nakaupo roon, ang mga mga mata ay nakatingin sa hinahabi. Hindi muna ako nagsalita, makaraan ay napatingin na ito sa akin.

"Anak, bakit ayaw mong pumasok? Come here." ngumiti siya, malumanay ang boses. Tumango ako at lumapit, hindi sumagot. Naupo ako sa kaniyang tabi, pinanood siya habang naghahabi.

"Narinig kong nagising na ang mate mo?" ang malumanay niyang boses ay muling umugong sa tahimik na paligid sa pagitan naming dalawa. Tumango lamang ako at hindi muli nagsalita. Nanatili ang tingin sa panlamig na kaniyang hinahabi, may kalahatian na ito, makikita na ang hugis.

Nang marahil ay hindi narinig ang boses ko ay napatigil ang kaniyang mga daliri at tumingala sa akin. "Miro... ang narinig kong pangalan ng human mate mo? Anak, kailan mo sasabihin sa kaniya?"

My hand inside of my sweater can't help but clench into fists as an emotion boil down in my gut. However, the calm expression on my face remains as I press my lips and answer her, "I'll think of the right moment, mom." my tone is neither hurried nor slow, nonchalant even.

Dahilan siguro sa aking pinapakitang ugali ay nawala ang ngiti niya, humigpit ang hawak sa panghabi. "Right time?" natawa siya, muli ay sumilay ang ngiti, may lambing pa rin ang boses na tila iyon ang natural niyang tono. "Dominique... at your own age, do you think you can waste anything to wait again for the right time? Mark him immediately, you need an heir. It's one of your responsibility as an alpha, don't forget who you are."

Ang mga kuko ko ay napadiin na sa aking palad sa pagpipigil ng pait na sumilay sa mukha ko. Nakakapagtaka talaga kung paano niyang napapanatili ang matamis na boses sa kabila ng maaanghang niyang mga salita? Responsibility... I truly hate that word.

"Hindi ko naman po nakakalimutan, pero... ang desisyon ko po ang masusunod kung kailan ko sasabihin sa mate ko ang lahat. Labas iyon sa responsibilidad ko bilang alpha ng pack na ito." Kalmado ko pa ring saad, kahit na may diin na nakapailalim sa aking mga salita.

Dahil sa mga sinabi ko ay nawala ang malambing na kinang sa mga mata ng aking ina at nanlilisik itong tinitigan ako. Hindi ako nakipagsalubungan ng tingin bagkus ay nanatili ang tingin sa mga kamay niyang mas mahigpit ang hawak sa panghibla at sa hinihiblang halos malukot.

"Hah, mataas ka na ngayong alpha ka na at hindi ka na nakikinig sa aming magulang mo?" Napasigaw na siya, ngayon naman ay may ngisi ng sumilay sa mga labi ko. Finally conversing with the real one. "Dominique! Huwag na h'wag mong kakalimutan kung bakit ka nandiyan sa posisyon mo. Now, your only responsibility---"

"A responsibility I didn't want in the first place. A responsibility you forced on me." Hindi ko napigilan at pinutol siya. Tumingala na rin ako at lakas loob na sinalubong ang mga tingin niya... Ang mga tinging may halong pagkasuklam.

Lalong pumait ang panlasa ko at ang paninikip ng dibdib ko ay tumindi. Sa totoo lamang, isa sa pinatatakutan ko ay ang mga matang iyon. Ang mga matang puno ng tanong... bakit ako ang nabuhay?

"Talagang sumasagot ka na!" Lalong nanlisik ang mga mata niya at napasigaw na, ang hawak na panghibla ay naibato sa aking mukha. Ang dulo ay tumama sa aking pisngi, madaling tumulo ang dugo mula rito. Ngunit hindi ko ito ininda, sa katunayan mas masakit pa ang lalabas sa bibig ng butihin kong ina. "Bakit hindi ka na lang magpasalamat! If... if you don't want that position then, why are you the one alive now! You should've the one---"

A Rare Kind of PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon