Kabanata 7

6 2 0
                                    


Ilang saglit pa kaming nanatili sa ganoong posisyon nang bumalik na kami sa kung ano talaga ang sadya ni Miro kung bakit niya gustong makita ang aking wolf.

"Dominique... can I draw you now?" tanong niya, may halong antisipasyon pa rin sa tono.

Bahagya akong tumango at nilambing muli siya ng kaunti. Napangiti naman si Miro at mukhang ilang saglit na lamang ay kukuhanin na niya agad ang pangguhit niya.

Pinanood ko lamang si Miro na kuhanin ang kaniyang bag sa may gilid at ang sketchbook niya. Wala pa akong naitatang na marami tungkol kay Miro, tanging pangalan pa lamang niya ang alam ko.

Ngunit kahit hindi ko tangunin ay obvious naman na gustong-gusto talaga ni Miro ang gumuhit, ramdam ko at kita ko sa kinang ng kaniyang mga mata.

I want to indulge him for everything he want.

Ilang minuto lang ay muli na naman kaming nagbalik sa pwesto namin, ngunit hawak na ni Miro ang kaniyang sketchbook at lapis.

Hindi ko naman alam kung anong ipupwesto ko kaya nanatili lamang ako sa harapan niya na pinapanood siyang maghanda.

"Dominique... pwede bang umupo ka lang diyan sa harap ko?" makaraan ay request ni Miro sa akin. Hindi naman ako umangal at sinunod ang gusto niya.

Agad akong umupo sa harapan niya at nakatingin lamang sa kaniya, dahil sa sadyang malaki ang anyo ko bilang lobo at kaunti na lamang ay magkasing-tangkad na rin kami haang nakaupo si Miro sa harapan ko.

Tiningnan ako ni Miro at isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi kasabay ng kaniyang pagtango. Iniabot niyang muli ang kaniyang kamay upang haplusin ang aking balahibo.

"Your fur is soft..." malumanay niyang saad, "and you're so pretty, Dominique."

Napatigil ako at tumitig sa kaniya, ang mapuri ng aking mate ay lalong nakakadagdag sa nararamdaman kong kaiyahan. Dahil ayaw ni Miro na dilaan ko siya sa mukha ay dinilaan ko na lamang ang kamay niyang nasa harapan ko.

Natawa muli siya pero hindi naman ako sinaway.

Hindi rin naman nagtagal at tumuloy na kami sa sadya ni Miro: ang iguhit ako.

Habang nakaupo ako sa knaiyang harapan ay nagsimula na si Miro sa pagguhit sa akin. Ang kalmadong mukha ni Miro ay bumalik, ngunit ang kaibahan ay may kaunting kurba ng ngiti sa kaniyang mga labi.

Hinding hindi ako magsasawa na panoorin si Miro, at maging ang kaniyang mga ekspresiyon. Nang una kong makita si Miro ay kahit walang pagsidlan ang aking tuwa ay may kaunting bumabagabag sa akin.

Miro is far too delicate to live with us, that's one of my reservations. His build and figure is even for smaller than average human males much less a werewolf. If only I don't know he's a human, I'll mistake him for an omega, and one of the smaller omega male at that.

Lalo pa nga ng sabihin ng pack doctor na may kakaiba kay Miro, mukhang may iniinda siyang sakit dahilan kung bakit mahina talaga ang kaniyang pangangatawan.

Nakaramdam ako ng takot bigla, hindi ko yata kakayanin na mawala agad ang aking mate sa akin na kakikilala ko pa lamang sa kaniya. kaya naman sadya na lamang ang pag-iingat ko kay Miro at pag-aalaga sa kaniya nang siya ay magising.

Gusto ko ring itanong kay Miro ang mga bagay na gumugulo sa aking isip. Katulad na lamang ng kung bakit siya nasa bundok, o kung ano ba ang sakit niya? Lahat ng ito ay hindi na agad lumalabas sa bibig ko sa tuwing nasa harapan ko na siya.

Nag-focus si Miro sa pagguhit sa akin habang ako ay nanatiling matiim sa kaniya ang paninitig.

"Hindi ko gusto ang magdrawing dati," ani Miro na bumasag sa aming katahimikan.

Para bang nahugot lamang niya sa kung saan para maibsan ang katahimikan. Ngunit alam ko na hindi tipo ni Miro ang basta na lamang mag-uumpisa ng usapan dahil halata naman na tahimik lamang siya na tao.

Agad akong nakinig sa kaniya, hindi niya kailangan na kuhanin pa ang atensiyon ko dahil sa umpisa pa lamang ay sa kaniya lamang nakalaan ito.

Pero hindi ko inaasahan na basta na lamang magbabahagi sa akin si Miro ng hindi ko siya tinatanong.

"Nagulat ka ba?" napangiti siya, tumingin sa akin saglit bago binalik ang tingin sa kaniyang ginagawa. "I can see it through your eyes, you have a lot of questions but is hesitant to ask me." tugon niyang muli.

Napamangha naman akong muli at kung makakapag-usap lamang kami ay marami na akong gustong sabihin sa kaniya, kaya ang nagawa ko na lamang ay tumitig sa kaniya na alam ko namang nararamdaman niya.

Napangiti siya. "Dati pa lamang ay madali na agad akong makaramdam sa mga nasa paligid ko. Maging ang pag-obserba sa mga nasa paligid ko, siguro dahil mula pagkabata ay iyon lamang ang kaya kong gawin, ang manood sa kanila."

Nagpatuloy pa si Miro, mahahabang salita na hindi ko lubos maisip na maririnig ko sa kaniya na akala ko ay hindi niya masyado gustong magsalita.

Animo'y ang mga nais niyang sabihin ay naipon lamang sa loob niya na nais niyang ilabas ngayon sa aking harapan.

"When I was 5, I want to be a figure sKater." napangiti siyang muli, tila natatawa sa kaniyang sinasabi. "There is nothing particular about it. I have a misconception when I was a kid that being a figure skater, I'll get to play to places with lots of snow."

Hindi ako sumabat at nakinig lamang kay Miro. Kung sa ibang makakarinig, mukhang nagbabahagi lamang si Miro ng kung anong karanasan niya nung basta siya, pero bilang ako na mate niya ay nararamdaman ko kung ano ang emosyon niya ngayon.

Hindi pa kumpleto ang bond namin ngunit sa una pa lamang naming pagkikita ay nabuo na iyon at naghihintay na lamang para lalong mapagtibay.

"Pero... hindi ako pinayagan. Siguro, hindi lang talaga gusto ng magulang ko, hindi ko pa alam 'non. Ngunit bilang bata, naramdaman ko ang unang rejection sa gusto kong gawin." Saad niya, may kalungkutan ang kaniyang mga salita ngunit ang tono niya ay nanatiling kalmado.

"A little while later, i finally know why... it wasn't because they didn't want to. It's just that I can't." Ngayon ay may kaunti nang emosyon sa mga salitang inuutas ni MIro na nakadagdag sa kirot na biglang pumiga sa aking puso.

Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang gusto niyang sabihin. Hindi ko maitanong sa kaniya, kaya mukhang si Miro na mismo ang nagsasabi sa akin. Masyado ba akong halata?

"Mukhang may duda ka rin?" tumigil ang kaniyang kamay at sumulyap muli sa akin. Nagkatinginan na kaming muli. "Hindi sa akin pwede ang masyadong mapagot na hobby o kung anuman. Kaya, pinag-aralan ko ang gumuhit, na ilang taon bago ko lubos na nagustuhan."

Bahagya niyang itinagilid ang kaniyang ulo at isang komplikadong emosyon ang naglandas sa kaniyang mga mata.

"I want to draw everything and everyone that interests me..." tumigil siya, may ngiti pa rin sa mga labi ngunit ang mga sumunod niyang sinabi ay nagdala ng matinding pait at skait sa aking puso.

"Ayaw kong makalimot... at least, my memories will stay even when I'm gone. My life will be short, but the memories will never fade." Ang kaniyang tono ay nanatiling kalmado ngunit ako naman ang kakaibang bagyo na ang lumukob sa aking emosyon.

Hindi ko na napigilan at lumapit na sa kaniya, at niyakap siya. Ang matinding takot ay umiibabaw na sa akin. Kaya siguro ayaw ko na tanungin sa kaniya ang sakit niya o kahit na ano tungkol sa kaniyang kondisyon ay ang takot sa kaniyang isasagot.

Sa malaking wolf ko, hindi malayo na madaganan ko si Miro habang niyayakap ko siya. Kaya naman hindi ko na lamang namalayan na habang nakayap na ako sa kaniya ay nag-anyo na akong tao.

Wala akong ibang nasa isip kundi ang yakapin lamang ng mahigpit ang aking mate. Ang mate na sobrang matagal kong hinintay, na may posibilidad muling mawala sa aking piling. 

A Rare Kind of PairWhere stories live. Discover now