Kabanata 6

10 2 0
                                    


Namayani muna ng ilang sandali ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman pinatagal pa at binasag ko na agad ito at tinanong siya.

"Gusto mo na bang makita ang wolf ko?" tanong ko na kasabay ng pagtayo ng pagkinang ng mga mata ni Miro ay ang pagiging active ng wolf ko sa loob ko.

Napangiti ako s akaniya at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Mmm! Can I?" may excited niyang balik na tanong sa akin.

"Siyempre, gusto ka rin niyang mameet." saad ko, lalo namang gustong lumabas ng wolf ko sa aking sinabi bilang tanda ng pagsang-ayon.

Isang mahinang tawa ang naipalabas ko ng kumikinang na naman ang mga mata ni Miro na nakatingin sa akin. What to do? He is so irresistible. Walang bakas ng kahit anong takot sa kaniyang mga mata at puno lamang ng antisipasyon.

Hindi ko talaga malaman ang nasa isip niya.

Tumayo ako at balak sanang samalayo magpalit, ayaw ko na makita agad ni Miro kung paano ako magpalit ng anyo bilang lobo. Parang wala man sa kaniya ang mga werewolf pero kung makikita ng malapitan ang pagpapalit ko ng anyo ay hindi pa rin masasabing kaaya-aya para sa mga tao.

Ngunit mukhang masyado lamang talaga akong nag-iisip dahil hinawakan ni Miro ang aking kamay ng ako ay makatayo na.

"Saan ka pupunta?" may halong pagtataka sa kaniyang tono at mababa na masasabing may lambing.

Napatigil ako kaagad, hinawakan rin ang kaniyang kamay.

"Magpapalit lang ako ng anyo at babalik na rin dito." sagot ko sa kaniya.

"Bakit hindi na lang dito?"

Napamaang ako sa tanong niya.

"Pero... hindi masyado kaaya-aya ang—" hindi ba ako nakakatapos ng humigpit hawak ni kamay sa mga kamay ko.

"Dito na lang, gusto ko makita." saad niyang nakatingin ng diretso sa aking mga mata na para bang gusto niyang ipaalam sa akin na walang problema talaga sa kaniya kahit magpalit ako ng anyo sa kaniyang harapan.

"Ayos lang ba talaga sa'yo?" hindi ko mapigilan na kumpirmahin. Muli namang siyang tumango.

Ano pa bang magagawa ko? Dahil sinabi na naman niya na okay lang ay bakit ipagpipilitan ko pa. Pero kahit ganoon pa man, tiningnan ko pa muli siya ng matiim at nang wala talagang makita na alinlangan sa kaniyang mukha ay pumayag pa ako.

Mukhang kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko na hindi magulat sa mga reaksiyon at opinyon ni Miro na malayo sa pangkaraniwan ng mga tao.

Ngumiti ako at pinisil ang kaniyang kamay bago lumayo sa kaniya ng bahagya at tumayo sa may harapan lamang kung saan nakaupo si Miro. Hindi naman niya inaalis ang tingin sa akin at nanatili akong pinapanood.

Sa ilalim ng matiim na paninitig ng abuhing mga mata ni Miro ay sinimulan ko na ang pagpapalit ko bilang lobo. Sa totoo lamang ay kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko.

Ang pagpapalit bilang isang lobo ay hindi na bago sa akin, masasabi ngang simula pa lamang ng pagkabata ay sanay na sanay na ako rito kaysa sa paglalakad ng dalawang paa.

Ngunit siguro ay dahil sa pinapanood ako ni Miro ay sadyang iba ang nararamdaman kong kaba ngayon. Kakaibang kaba dahil hindi ako natatakot bagkus ay masyadong payapa ang puso ko. Isang kapayapaan na hindi ko naramdaman sa napakatag na panahon.

Hindi ko na nga pinaghintay pa si Miro at kahit sa malakas na tibok ng puso ko ay nag-umpisa na ako sa pag-iiba ng anyon, ang mahinang pagtunog ng aking mga bata. Kung gugustuhin ko ay kaya ko ang mabilisang pagbibilis ng anyo, ngunit gusto ko na bigyan ng oras si Miro na makita kung paano ako magpapalit.

nalilinawagan na ako sa kakaibang kuryosidad ni Miro sa mundo, bagay na dahilan kung bakit kalmado lamang siya na malaman na totoo ang mga werewolves. Marahil ay isa rin sa kaniyang personalidad.

Kasunod ng pagtunog ng aking mga buto na tanda ng pagbabago ko ng anyo ay ang unti-unting pag-iiba ng aking sensasyon at pandama, mas lalong naging lumakas at umibabaw ang aking animalistic side.

Ilang segundo pa ang tumagal hanggang sa maging lobo na ako. Ang kulay red-brown kong balahibo at sumayaw sa hangin. Naitaas ko ang aking ulo sa aking anyo, nagtama agad ang paniningin ng aking mate na nakaupo sa couch habang nakatingin sa akin.

Sandaling nagtinginan pa kami at hindi muna ako lumapit sa kaniya, nang makita na hindi naman siya natatakot at sadyang matiim lamang na nakatitig sa akin ay saka pa lamang ako unti-unting humakbang at lumapit kay Miro.

May kalakihan ang wolf ng werewolves sa normal na mga wolfs at lalo pa akong Alpha na mas malaki talaga sa karaniwang werewolves. Inalis ko na rin sa isip ko na maaring matakot si Miro, dapat ay masanay na talaga ako.

Ngunit ipapaalam ko pa rin kay Miro na sabihin sa akin kung may mga bagay siyang kumportable.

Hindi siya gumalaw sa kaniyang kinauupuan habang ako ay lumalapit sa kaniya. Kung may ibang tao man na makakita sa buong larawan ng sitawasyon namin ay aakalain nilang isang napalaking wolf ay lumalapit sa biktima nito na naestatwa sa kaniyang upuan sa takot.

Saglit lamang ay nasa harapan na ako ni Miro. Kahit nga nakaupo si Miro sa couch ay naabot ko ang kaniyang dibdib ilang lapit lang ay maari ko ring madilaan ang kaniyang pisngi.

"Dominique..." tawag niya, banayad at sadyang nakakapanghalina.

Lalong lumalim ang kulay ng mga mata ko at hindi ko na nga napigilan na madilaan ang kaniyang pisngi. Hindi naman siya umilag at bahagya lamang nagulat sa aking ginawa.

Isang malambing na ungot ang lumabas sa akin at dinilaan ang kaniyang pisngi muli, na dahilan kung bakit siya natawa. Mukhang nagugustuhan ang ginagawa ko.

Itinaas ni Miro ang kaniyang mga kamay at hinawakan ang aking balahibo upang ito ay haplusin. Ibang kagalakan ang umaapaw na sumuklob sa buo kong pagkatao at itinigil ang pagdila sa kaniya habang ang ang aking ulo ay malambing na hinihilig pa sa kaniyang kamay.

"Ang lambot ng balahibo mo, Dominique." ani Miro na may kakaibang satisfaction sa kalmadong boses. lalo pa niyang nilaro ang balahibo ko at ang mga haplos na halatang nagugustuhan niya talaga.

Gusto kong sabihin sa kaniya na gusto ko rin ang ginagawa niyang paghaplos sa akin, ngunit dahil hindi pa buo ang aming mating ay wala pa kaming mate link.

Ngunit para maipakita ay muli kong dinilaan ang kaniyang pisngi na nagpahakhak muli sa kaniya.

"Dominique... tama na! Puno na ako ng laway mo..." saway ni Miro ngunit wala namang inis sa boses na para bang nasisiyahan din siya sa aking ginagawa.

Kaya imbes na tigilan ay lalo ko pa siyang dinilaan sa pisngi maging sa baba niya. Na itinigil ko lamang ng makailang segundo na, lalo pa ng pinipisil na ni Miro ang aking balahibo.

Tumingin ako sa kaniya at nagpupunas siya ng laway sa kaniyang pisngi. Matapos ay sinamaan ako ng tingin habang ngumuso.

"Sabi kong tama na... tingnan mo, puno na talaga akong laway mo!" saad niya na akala mong galit talga, ngunit wala naman sa tono na mas nagmukha pa ngang nagtatampo lamang.

Pinigilan ko naman ang sarili ko na dilaan siyang muli at iginalawa na lamang ang buntot ko at mahinang umungot habang isinasangi ang ulo ko sa kaniyang kamay.

How can he be so cute? I just want to kiss his pout away. In fact, aside from licking him in my wolf form, I really want to kiss his lips in my human form even more.

"Nothing more!" saway niyang muli at hinaplos ang ulo ko at at nilaro. Nakikita ko na naman ang kakaibang side ng aking mate.

Ang may halong lambing at animo'y palarong pagtatampo ay lalo lamang sa akin na nagpapahulog sa kaniya. This man... is my mate. Miro is mine. 

A Rare Kind of PairOnde histórias criam vida. Descubra agora