Kabanata 5

6 2 0
                                    


Hindi katulad ng paniniwala, isang pup muna na maipapanganak ang mga werewolves hanggang sa matuto na silang maging tao na usually natutunan nila kapag nasa isang taong gulang na. Parehas kung paano magsalita at maglakad para sa mga tao.

Katulad ng mga tao, mahilig rin sa baby pictures ang mga uri namin, Ang kaibahan lamang ay pup pictures ng kanilang mga anak.

Habang ang hawak ang kaniyang pup ay napatingin na sa amin si Annallee at sa kaniyang tabi ay si Greil, ang aking beta. Muli akong sumulyap kay Miro ay pinagmamasdan ang kaniyang reaksiyon.

Ang senasryo na ito ay normal lang sa amin na mga werewolves, ngunit para kay Miro na isang tao at makakita ng baby pup bilang newborn ay medyo weird pa rin, hindi ba?

Kaya lamang ay hindi ko alam, dahil sa kalmadong mukha ng aking mate ay hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Sa bagay ang ibase sa salitang normal ang magiging rekasiyon ni Miro ay mali sa una pa lamang.

"Alpha," bati ni Annallee sa maliit na boses, ang pagod ay mahahalata na agad sa boses kahit hindi ko tingnan ang kaniyang mukha.

Kahit naman malakas ang pangangatawan ng mga werewolves sa normal na tao ay mabigat pa rin ang nagiging epekto sa ina ng panganganak sa pup nila.

Nilingon ko siya at tumango, matapos ay tumingin sa pup na nakapikit pa lamang. Ang panibagong dagdag sa pack, matiim ko itong pinagmasdan bago inilahad ang aking kamay upang hawakan ang noo nito, ang aking mga mata ay may lumanay.

"Anong ipapangalan niyo sa kaniya?" ang tanong ko ng makailang segundo, at itinaas ang tingin para maglandas sa dalawa. Ang mga kamay ay hindi iniaalis sa pup na, mukhang nagugustuhan ang aking presensiya at may lambing na humihilig sa aking kamay.

"Greian Blue Moon," sagot ni Greil at buong pagmamahal na tiningnan ang kaniyang mag-ina.

Natigilan ako at hindi mapigilan na panoorin muli sila, matapos ay tumingin kay Miro na kuryoso pa rin ang mga mata na pinagmamasdan ang pup, walang bakas ng kung ano sa mukha bukod sa interes at kuryosidad.

Napangiti ako, ngayon ay nararamdaman ko na rin ang pakiramdam ng may mate. Muli ay ibinalik sa dalawa at sa pup. Hinaplos ko muli ang malambot na balahibo ng pup.

"Greian Blue Moon, it suits him." a smile appears on my lips as my blue eyes suddenly flashed with a golden hue, and everyone in the room became solemn in an instant.

Ito ang isang rason kung bakit dapat present ako nang maipanganak na ang bagong silang na pup bilang Alpha.

"Ikaw ay opisyal na miyembro ng BLue Moon Pack." ang deklara ko at sa hinahawakan ko na noo ng pup ay biglang may simbolo ng blue moon sa kaniyang noo na lumitaw bago ito nawala at tila pumasok sa kaniyang noo.

Ang marka ng Blue Moon Pack na tanging ako na Alpha lamang ang makakapagbigay. Bilang isang opisyal na miyembro ay parte na rin siya sa Pack Link kung saan konektado ang buong pack. Maging ang ibang miyembro ng pack ay mararamdaman rin na may nadagdag sa pack link.

Habang buhay na dadalhin ng isang miyembro ang pack mark, kaya naman madaling nalalaman kung sino ang mga rogue werewolves dahil wala silang pack mark.

"Salamat, Alpha." buong respeto na saad ni Greil habang inalis ko na ang kamay ko sa noo ng pup na agad namang hinalikan ng banayad ni Annallee.

Bilang mga miyembro ng pack, ang maging parte ng pack ang kanilang anak ay isang sagradong okasyon. Katulad ng pagrehistro sa mga anak sa mga tao.

Nanatili lamang kami ng saglit bago iniwan na ang pamilya para na rin makapagpahinga si Anallee. Hawak ko pa rin si Miro habang palabas ng bahay at muli naming nakasalubong ang mga magulang ko.

Napatigil ako at ang kamay ay napahigpit ang kapit kay Miro, napalingon tuloy siya sa akin bago tumingon sa harapan.

"Dad... Mom," bati kong muli. Sa tuwing makikita sila, lalo na ang aking ina ay hindi na agad ako nagiging kumportable. Lalo na ngayon na kasama ko si Miro, ayaw ko man na magkita sila ay hindi maaari.

Bukod sa nasa iisang pack lamang kami, sila pa rin ang magulang ko. Ano pa man ang problema ko sa kanila ay ayaw ko nang madamay pa ang mate ko dahil walang kinalaman si Miro rito.

Ngunit bukod sa inaasahan ko, tumango lamang sila sa amin at walang sinabi. Kahit na mukhang may sasabihan ang aking ina ay ngumiti lamang ito kay Miro bago nagpahila na sa asawa.

Napabuntong hininga ako at lumingon na kay Miro, na agad naman kaming nagkatinginan. Nawala ang kulimlim sa aking mga mata at napalitan muli ng lambing bago ko inayos ang suot na makapal na sweater ni Miro.

"Anong gusto mong gawin?" mahinahon kong tanong sa kaniya, na agad rin naman niyang sinagot.

Ang mga mata niyang kumikinang ay tumitig sa akin.

"Pwede ko na bang makita ang wolf mo?" diretsiyong tanong niya, na mukhang natural lamang na sabihin kahit kamailan niya lamang nalaman na totoo ang mga werewolves, napailing ako at ngumiti.

Siyempre, bukod sa hindi na mapakali ang aking wolf, sino ba naman ako para tanggihan ang mate ko na napaka-cute? Tumango na lamang ako at hinila na siya para makauwi sa bahay.

Dahil sa malamig na panahon, karamihan ng mga pack members ay nasa kani-kanilang nest at minsan lang lumabas. Hindi man naghahybernate ang mga wolves, ang malamig na klima ay nakakaapekto pa rin sa amin kahit paano.

Ramdam ko na rin ang pangininginig ni Miro sa lamig na nakakadagdag nsa desisyon ko na hangga't maaari ay manatili muna siya sa loob ng bahay.

"Dominique, tinatawag ka nilang Alpha, ibig ba sabihin ba ay ikaw ang pinuno nila?" puno na naman ng kuryosidad na tanong ng aking mate habang tinutulungan ko siyang alisin ang makapal na jacket sa kaniyang katawan ngunit may naiwan pa rin na sweater siyang suot.

Napangiti ako, mas gusto ko ang personalidad niya ito. Ang palaging nagtatanong sa tungkol sa akin ay tanda ng pagiging intresado niya. Ang pag-asa ko na magiging kalmado rin siya kapag sinabi ko sa kaniya kung ano siya sa akin ay muling tumataas.

Tumango ako, at inayos ang kaniyang buhok na nagulo. "Oo, bilang isang Alpha, ako ang leader ng pack." sagot ko, handang sagutin ang kung ano man ang gusto niyang itanong.

Umayos si Miro sa pagkakaupo sa sofa, habang nakatingin sa akin na bahagyang nakaluhod sa kaniyang harapan habang inaalis naman ang kaniyang sapatos.

"Then, paano nalalaman kung sino ang magiging Alpha?" tanong niyang muli, isang kumportableng paligid ang pumalibot sa amin. Pagkatapos kung igilid ang sapatos niya ay tumayo naman ako para kuhanin ang kumot, nagsisimula na naman kasing umulan ng niyebe at pagtaas ng temperatura.

"Ang pagiging alpha ng isang pack ay namamana sa magulang na alpha rin. Halimbawa kung anak ka ng isang Alpha, may posibilidad rin na maging Alpha ka." buong pasensiya kong sagot sa kaniya at ipinalibot sa kaniya ang kumot na agad naman niyang tinanggap na walang angal.

Para bang ang pag-aalaga ko sa kaniya ay normal lamang para sa kaniya at hindi siya nailag sa kung ano mang lambing at skinship na ginagawa ko. Napangiti ako sa naiisip.

"Paano kung may dalawa ang anak ng Alpha?" tanong niyang muli, ngunit sa tanong na ito ay napatigil ako.

Napawi ang ngiti sa aking labi at napakurap. Mukhang nakita ni Miro ang reaksiyon ko kaya naman natahimik rin siya.

"Sorry, hindi mo kailangan na sagutin." ani niya, at ang kumportableng sitwasyon ay napalitan ng katahimikan.

Tila nagising naman ako dahil dito at umiling.

"Hindi mo kailangang magsorry," tumabi na rin ako sa kaniya at humilig sa sofa rin habang ang isang kamay ay pinagpahinga sa kaniyang mga hita.

"Ang panganay ang nagiging alpha, at ang pangalawa ang magiging ordinaryong miyembro." sagot ko, mas mahina lamang sa nakaraan. Napansin ito ni Miro, dahil alam ko rin naman na mas madali siyang makahinuha sa mga nararamdaman ng nasa paligid niya.

Hindi ko pa siya matagal na nakikilala ngunit pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala. Medyo magulo, pero baka dahil mates kami kaya ko ito nararamdaman.  

A Rare Kind of PairWhere stories live. Discover now