Kabanata 4

5 1 0
                                    


Hindi muna nakasagot si Miro habang nakatingin sa akin. Sa totoo lamang, nang masabi ko na ay saka ko pa lang naisip na mukhang sobrang mabilis pala na sinabi ko agad.

Ilang araw pa lamang si Miro na nakakasama ko at hindi pa siya masiyadong nakaka-adjust sa buhay sa bundok. Paano na lamang kung malaman na hindi pala niya mga kauri ang mga nakakasama niya sa lugar na ito?

Sandali ay nakaramdam ako ng matinding kaba at napawi ang ngisi ko sa mga labi. Paano na lamang kung matakot siya sa akin? Hindi ko kakayananin ang makita ang mga mata niyang natatakot habang nakatingin sa akin.

Habang natatalo na ang isip ko ay nag-iisip na ako ng mga masasamang pangyayari sa utak ko. Si Miro ay tumango, kalamado lamang at walang kung anumang bakas ng takot sa kaniyang mukha.

Napamaang naman ako sa kaniya, tila ako naman ang hindi makapaniwala.

"Naniniwala ka?" bakas sa tono ko ang gulat, bakit parang normal lamang sa kaniya na maniwala sa uri namin?

This time, tumango muli si Miro at nagsalita na. "Oo, naniniwala ako na totoo ang werewolves." sagot niyang muli, matiim ang paninitig sa akin, may halong kuryosidad. At muling nagsalita ay nagdagdag na muling nagpagulat sa akin.

"Aren't you one too... Dominique?"

Napakurap-kurap ako sa kaniya habang tinanong niya ito sa akin. Tiningnan ko siya ng matiim at inobserbahan ang ekspresiyon ngunit wala naman akong ibang nakikita bukod sa kaniyang normal na kalamadong ekspresiyon.

"Paano mo nalaman?" naibulalas kong tanong, sadyang nagtataka at dinagdagan, "Nakakita ka na ba dati ng werewolf?"

Ang isang posibleng rason kung bakit hindi siya nagugulat ay dati niya pang alam na may mga werewolves talaga. Ngunit kailan? Kahit anong tingin ko kay Miro ay isa lang talaga siyang normal na tao.

Tumango muli siya, may pagka-inosente pa rin sa kaniyang mukha. Hindi ko tinuloy maiwasan na haplusin ang kaniyang pisngi na hindi naman niya inilagan.

Nag-uusap na kami sa may harapan ng pintuan habang halos na magkalapit ang mga katawan.

"Kahapon lang," sagot niya, kalmado pa rin talaga ang tono at mukhang inaantok pa nga. Sa totoo lang ay nassasanay na rin ako sa medyo tahimik at matamlay na personalidad ng aking mate.

Nagdikit ang aking mga kilay muli sa kaniyang sagot.

"Anong ibig sabihin mo na kahapon lang?" Inilipat ko ang aking mga kamay sa paghapos sa kaniyang buhok. Nakatitig pa rin sa kaniya, ang tono ng boses ko ay malumanay na tanging kay Miro ko lamang ginamit.

"Kahapon lang ako nakakita ng werewolf... sa labas ng bahay mo." saad niya at bahagya pang kuminang ang mga mata habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Kabaliktaran ng umaasim ng ekspresiyon ko.

Sa labas ng bahay ko? Mukhang naiinitindihan ko na at lalo namang naiinis ako. Sinabihan ko na habang hindi ko sinasabi ay walang magpapalit bilang lobo sa periphery ng camp in case na makita sila ni Miro.

May sumuway ng utos ko?

Ngunit kahit nabubuo na ang galit ko sa mga pasaway na hindi sumunod sa utos ko, hindi ko rin magawang maipakita ang galit sa mukha ko lalo pa na nang ang kalmadong mukha ni Miro ay muling nagliwanag katulad na lamang ng makita ko kahapon ng nagpaalam siya sa akin na iguguhit ang view mula sa bintana.

Nawala bigla ang ibang iniisip ko at tanging kay Miro muli ang aking atensiyon.

"Habang nakatingin ako sa bintana, nakakita ko kung paano naging lobo ang isang tao. Hindi ba werewolf iyon?" hinilig niya ang ulo sa gilid ang tinanong, wala na nga akong nagawa at tumango na lamang.

Nais ko pa naman na unti=unti na sabhin sa kaniya ang uri ko, ngunit nalaman niya na gad at hindi pa inaasahan!

Pinagmasdan ko siya na may kakaiba talagang liwanag sa mga mata habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga werewolves.

"Hindi ka ba...natatakot?" Hindi ko na napigilan na maitanong sa kaniya.

I mean, masaya ako na tanggap niya agad na totoo ang werewolves at may posibilidad na kapag sinabi ko na sa kaniya kung ano ang konesksiyon naming dalawa, baka maging kalmado lang rin siya katulad ngayon. Kaya lamang gusto ko rin malaman kung bakit kalmado lamang siya sa impormasiyon na ito.

Hindi ba isang normal na reaksiyon lamang na magulat at matakot ang isang tao kapag nalaman ang existence namin. Ngunit si Miro ay parang wala lamag at mukhang masaya pa siya? Hindi ko na naman maintindihan ang aking mate.

Umiling si Miro. "Hindi, bakit ako matatakot? Sa totoo lang ng makita ko kahapon may isang bagay lang ang pumasok sa isip ko," ani Miro bago niya pinutol at tumingin sa akin sa lalong kumikinang na mga mata.

"Ano?" naitanong ko na lamang, mukhang mula talaga ngayon ay hawak na ako ni Miro sa mga palad niya. Makita ko pa lamang ang ekspresioyon na ito ay nais ko na lamang ibigay sa kaniya ang mg agusto niya.

I really want to spoil and indulge him as much as he want. Miro now holds my whole existence in his hands.

Lalo pang naglaro ang daliri ko sa kaniyang buhok habang ang isang kamay ay ipinulupot sa kaniyang baywang para lalong paglapitin ang aming katawan. Sa totoo lamang ay nakalimutan ko na nga rin ang tunay na dahilan kung bakit kami nandito sa bahay ng aking beta.

"Dominique... can I draw you?" tanong niya na medyo mas mahina sa normal at mukhang nahihiya pa nga, "your wolf... I want to draw a werewolf."

Pagkalabas pa lamang ng mga salita sa bibig ni Miro ay mukhang nagkagulo na sa aking kalooban-looban, habang ang wolf ko ay naging active bigla at gustong lumabas na agad para mameet si Miro.

Haang ako naman ay bumilis nag tibok ng puso, ang malaman na gustong makita ng mate ko ang aking wolf ay nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa kaniya, habang pinapanood ako ni Miro at naghihintay sa aking sagot. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi at tumango.

"Of course, you can. My wolf will gladly meet you." sagot ko.

And I think it's so worth it, seeing the delighted smile on my mate's face, I can do everything to always make him happy. Being so calm despite knowing our existence, My Miro is indeed extraordinary.

Natigil lang ang moment namin ni Miro nang nagagalak na sigaw ang umugong sa loob ng bahay. At saka ko lang naalala na sadya nga pala namin ay dahil manganganak ang mate ng aking beta.

"The pup is out! A new blessing for our pack!" ang sigaw ay dalawang boses na umgong matapos ay natanaw ko na ang ibang nasa sala na nagsitayuan para sumulyap sa bagong anak.

"Kapag ba ang baby werewolf, human baby o wolf?" out of the blue na bulong ni Miro habang nakingin na rin sa may hindi kalayuan na kwarto kung saan pumasok ang mga magulang ko at ibang members ng pack.

I let out a chuckle and bowed my head to look at him closely. A cute, curious expression is written on his face. My heart is fully satisfied that he is already in my arms.

"Are you curious?" nakataas na kilay na tanong ko sa kaniya, mapaglaro ang mga ngiti sa labi.

Tumango muli siya ng bahagya. Isang napansin ko rin kay Miro ay ang pagiging straightforward niya sa mga gusto niya maliban sa kaniyang pagiging kalmado. At marami pa akong malalaman patungkol sa kaniya. Marami pa kaming oras na makilala ang isa't isa.

"Then let's see if a baby werewolf is a baby human or a baby wolf?" I poke his nose and gently drag him along as we enter the room where the newborn baby is.

Madali lang naman kaming nakadaan, dahil pinauna nila kami. Hawak ko sa baywang si Miro at ginabayan papasok, naging tahimik ng makapasok kami ngunit wala akong pinansin at tangin kay Miro lamang ang atensiyon.

Pinagmamasdan ko lamang siya at nang tingnan niya ang nakaupo sa kama, si Annallee habang buhat ang bagong silang na sanggol.

"It's a wolf," rinig kong bulong ni Miro habang nakatingin sa mag-ina. Ngumiti rin ako at niyakap siya mula sa likod.

"Yes, it's a baby pup." pagkumpirma ko. 

A Rare Kind of PairWhere stories live. Discover now