Kabanata 1

9 8 0
                                    

Kabanata 1




Ang mga kulay pilak niyang buhok, maging ang maputi niyang kutis ng balat, at lalo na ang naghahalina niyang natural na bango... gustong-gusto ko ang lahat sa kaniya. Ang mate ko. Malamyos ang mga mata kong tinitigan ang wala pa ring malay kong mate, tila ba ay mahimbing lamang siya na natutulog.

Hawak ng isa kong kamay ang kaniyang kanang kamay habang ang kanang kamay ko rin ay banayad na humahaplos sa pisngi ng aking mate. Hinding hindi ako magsasawa na pagmasdan siya. Walang ngiti sa aking mga labi ngunit sa kinang ng aking mga mata ay makikita na ang kagalakan sa aking puso.

"Kailan ka magigising?" muli ay pagka-usap ko sa aking natutulog na mate, mahinahon ang mga tono.

Tatlong araw na ang nakakaraan nang matagpuan namin siya na walang malay at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang aking mate kahit sabi ng pack doctor na wala naman siyang lagnat o anumang sugat.

Hindi ko inaalis ang paningin sa kaniya, ano ang pangalan mo? Gusto kong marinig ang boses mo, gusto kitang makausap. Nais kong malaman ang dahilan kung bakit ka nag-iisa sa bundok? Inilapat ko ang aking mga labi sa kaniyang mga kamay, marahan lamang at bahagya ko pang isinara ang aking mga mata.

Nang maimulat ko na ang aking mga mata ay dagling nagtapo ang kulay asul kong mga mata sa kulay abuhin na mga mata. Kalmado lamang rin itong nakatitig sa akin, ganoon rin naman ako. Ngunit may sumilay na ngiti sa aking mga labi.

"Gising ka na?" panguna ko, hindi ko inalis ang hawak ko sa kaniyang kamay.

Hindi muna siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin, hindi alintana na hawak ko ang kaniyang kamay. Ngumiti muli ako at nagpatuloy. "Nakita ka namin na walang malay kaya dinala ka muna namin sa pa--- sa camp namin. May masakit ba sa' yo?" may pag-aalala sa aking tono. Bakit hindi nagsasalita ang aking mate?

Matapos ang deliberasiyon ko nang mga nakaraan na araw, napag-desisyunan ko na hindi ko muna sasabihin sa kaniya ang tunay naming uri. Hahayaan ko muna na maging kumportable siya sa pack bago ko paunti-unti na ipapaalam sa kaniya ang lahat, maging ang koneksiyon naming dalawa.

"You... smell nice." Ang unang mga salita ng aking mate. Nagulat pa ako ngunit makaraan lamang din ay ngumiti, ang puso ay sadyang nagagalak. "You smell nice too."

***

"Pwede ka munang mahiga at magpahinga." Inabot ko ang hawak na basong may laman ng tsokolate, hindi muna niya ito inabot at nanatili ang tingin sa labas ng bintana, ang niyebe ay nagsisimula ng bumagsak at ang magandang senaryo ay bumungad sa akin.

Hindi bago sa akin ngunit kay Miro ay maaring oo. "Uminom ka muna ng mainit na tsokolate," hinaplos ko ang kaniyang buhok. Saglit siyang lumingon sa akin matapos ay sa inabot kong baso at kinuha iyon ng walang imik.

Umupo rin ako sa kaniyang tabi, malapit ang aming mga katawan. Sa ilang araw na nakilala ko ang aking mate ay hindi ko pa nakakaya na matagal mawalay sa kaniya. Hindi ko man masabi pa sa kaniya ang aming tunay na koneksiyon, ayos na muna sa akin na makasama siya.

Makaraan lamang ang ilang segundo na saad ni Miro at muling ibinalik sa akin ang kaniyang paningin, ang mga abuhing mga mata ay tumitig sa akin. "Tatlong araw na akong nakahiga, hindi pa ba mahabang pahinga iyon?" ang kaniyang saad sa mahina at kalmadong tono. Ang boses ni Miro ay hindi kalaliman at masasabing malumanay tugma sa kaniyang may kaliitang pangangatawan.

Napangisi ako, ilang oras na ang nakakaran ng magising si Miro at ilang beses ko pa lang siyang naririnig na nagsalita. "Pero kagagaling mo lang rin sa tatlong araw na coma? So, kailangan mo pa rin na magpahinga," tumigil ako at tumingin sa labas na lumalakas ang pagbagsak ng mga niyebe, "malamig dito sa harapan ng bintana, baka lalo kang magkasakit." paliwanag ko sa boses na puno ng pasensiya at lambing.

Ilang segundo pa munang naglandas sa akin ang kaniyang paningin bago iniiwas iyon at ibinalik ang tingin sa labas, kalamado pa rin ang ekspresiyon ngunit may bahid ng pait na dumaan sa kaniyang mga mata.

"I hate being treated as delicate." mahinang tugon niya matapos ay uminom sa hawak na baso.

Napawi ang mga ngiti ko at pinagmasdan si Miro, hindi ko alam kung bakit kahit na ang lapit niya lamang sa akin ay pakiramdam ko na ang layo niya? Para bang sa mga oras na iyon, ilang bloke na ng pader ang itinayo niya sa pagitan naming dalawa.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." sa katunayan ay inaamin ko rin naman na gusto ko talaga na alagaan si Miro, ang i-spoil siya sa mga gusto niya at iparamdam kung paano ako kasaya na nakatagpo ko siya.

Siguro isa na rin iyon sa mga instinct ko bilang alpha sa kaniyang mate, ang alagaan at mahalin ito. Kaya lamang naalala ko rin na isang tao si Miro at hindi niya pa alam kung ano kami maging kung sino siya sa buhay ko. Para sa kaniya ay isa lamang ako sa nagligtas sa kaniya. Napaglapat ko ang mga labi ko sa napagtanto.

Napayuko si Miro, humigpit ang hawak sa baso. "No, hindi mo kailangan na magsorry. I'm sorry for... being rude."

Muli akong napangiti, madami pa naman kaming oras para makilala ang isa't isa. Kailangan ko lang na maghintay pa ng tamang oras, ang mahalaga ay kapiling ko na siya. Hindi ko napigilan na paglandasin muli ang mga kamay sa kaniyang mga buhok dahilan para siya ay mapatingala at lingon sa akin.

His handsome and yet delicate face stared at me, his eyes filled with confusion. Although, he didn't actually stop my actions. My smile instantly brightened up, I know for sure that deep inside my mate, he is aware of my identity just he hasn't discovered it yet.

"You're not rude at all, so don't say sorry." banayad akong humilig sa kaniya, ngunit malaki pa rin ang space sa pagitan namin, "Alam ko na wala hindi ka pa gaanong kumportable sa akin, o sa camp dahil bagong environment. So, how about we get to know each other from now on?"

"From now on? Ilang araw ba akong mags-stay rito?" inosente niyang tanong, ang cute na tono ay lalong nagpapakiliti sa aking puso.

"Iba ang ulan ng niyebe sa bundok, kaya matatagalan pa. Maybe, one month?" sagot ko, pero sa totoo lang kung nanaisin ko ay makakaya ko na ihatid si Miro sa siyudad. Kaya lamang ay siyempre ay hindi ko iyon gagawin, mabuti na lamang at magandang rason ang niyebe.

"One month?" he pursed his lips, and I tried so hard to not kiss those lips and I force myself to focus on his eyes instead. "Hindi ba ako makakaabala?" may bahid ng pag-aalala sa kaniyang tono.

Umiling ako, "Hinding hindi ka makakaalaba. Welcome na welcome ka sa camp, since, matagal na rin mula ng may bumisita sa amin. So, feel free to treat this place as your home." because it will be your home in the future, ang dugtong ko sa aking isipan.

Tumango siya, tumitig sa akin at matapos ay nagsalita. "Bakit... bakit mabait ang trato niyo sa akin? Hindi mo naman ako lubusang kilala? Lalo ka na. Napansin ko na nirerespeto ka nilang lahat, pero bakit ang maalaga mo sa akin?" Diretso niyang tanong, bakas ang pagtataka sa mukha.

Hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa kaniya, sa katunayan ay hindi ko kailanman inalis ang tingin ko kay Miro. "Kailangan ba na lubusan kitang kilala para maging mabait ako sa' yo?" tumawa ako at inalis ang kamay sa kaniyang buhok, bago inalis ang tingin sa kaniya. Kung tatagalan ko pa ang paninitig ay baka mahalikan ko na talaga siya, kanina pang ang wolf ko ay umuungot sa isipan ko.

Ang pangungulila ko at ng aking wolf ay sadyang hindi ko na mapigilan, ngunit hindi maaari. Hindi ko kauri si Miro, kailangan na paunti-unti ko lamang na ipamulat sa kaniya. Hindi dapat magmadali, ang paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili.

Tumayo ako sa upuan, pinilit na binago ang usapan. "Huwag kang magtatagal sa tapat ng bintana, hmm? Malamig at kakagising mo pa lang."

Hindi siya sumagot at nanatili ang tingin sa akin, kalmado lamang. Napangiti akong muli bago pinilit ang sarili na lumabas na ng kwarto. Nang makalabas na ay nawalang muli ang ngiti sa aking mga labi ay napalitan ng seryosong ekspresiyon. Ang responsibilidad ko bilang Alpha ay mananatili kahit nahanap ko na ang nakatadhana sa akin. Isang bagay na hindi magbabago. 

A Rare Kind of PairTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang