Kabanata 3

4 1 0
                                    

Mabagal kong binuksan ang mga mata ko, ang init na nararamdaman ay nagbibigay ng kagalakan sa buo kong pagkatao ngunit natatako rin ako na lahat ng nangyari nitong nakaraang araw ay muli na namang gawa ng aking isipan.

Bumungad sa aking paningin ang payapang natutulog na si Miro, nawala agad ang pagdududa sa aking puso. Totoo siya, at nasa harapan ko. Humigpit muli ang yakap ko sa kaniya, maging ang wolf ko ay tumahimik at kuntento lamang sa loob ko.

Ang tulog ko ay mahaba at walang masamang bangungot, marahil ay sadyang nakatulong talaga ang presensiya ni Miro sa akin. May lamyos sa aking mga mata na muling hinaplos ang kaniyang mga buhok, sa nararamdaman ko ay naiintidihan ko na rin kung bakit nahihirapan ang aking beta na malayo sa buntis na asawa.

Ngayon na may mate na rin ako, lahat ng bagay ay biglang nagkaroon ng kulay. Sa paninitig ko sa kaniya ay unti namang nagmulat na rin ang mga mata ni Miro hanggang sa magkatitigan na kami, lalong lumalim ang paninitig ko sa kaniya.

I really want to kiss him, so badly.

Walang nagsalita sa amin at nanatili ang mga mata sa isa't isa. Makalipas ang ilang segundo ay napangiti na ako at ang mga kamay na nakayakap pa rin sa kaniya ay humigpit.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" paunang tanong ko, mahina at malambing ang boses. Tumango si Miro, hindi ininda ang ginawa ko maging ang posisyon namin, animo'y natural lamang ito sa pagitan naming dalawa.

In a way, it could be from the werewolf's perspective, but it would be a little strange for humans. I wonder what he thinks of me or the strange connection between us, when will he ask me about it?

"You're warm," he begun, hands reaching out to touch my face. "And smell nice, too. Nagamit ka ba ng perfume?" napatagilid ang kaniyang ulo, ang mukha ay puno ng kuryosidad.

Napakagat ako sa labi ko, pinipigilan ang sarili na mahalikan na talaga siya. Bakit ba ang cute ng mate ko? Alam kong ang pheromones ang naamoy niya, napangiti na ako hanggang sa lumawak at nagpakawala na ako ng natutuwang tawa.

Humilig ako upang medyo maglapit ang aming mga mukha, maging ang pagyakap ko sa kaniya ay humigpit at nailapit ko ang aming mga katawan. Ang kaniyang natural na bango ay sadyang nakakapagbaliw muli sa akin. I can smell it forever and I won't get tired of it.

"You too, you smell nice too... Miro." saad kong nakatingin ng diretso sa kaniyang mga buhing mga mata. Hindi ko man masabi ang tunay kong nararamdaman, ang makita at makasama ko lamang siya ay ayos na muna sa akin.

We didn't talk after that, yet Miro seemed to feel it too, as his eyes never left mine since then.

-

-

-

Gustuhin ko man na manatili lamang kami sa kama at matulog maghapon ay hindi maaari. Hindi lang dahil sa responsibilidad ko bilang Alpha kundi mas lalo na at kailangan ng kumain ni Miro.

Humupa na ng panandalian ang pag-ulan ng niyebe, ang maputing tanawin muli ang bumungad sa amin. Nakatayong muli si Miro sa tapat ng bintana at tinitingnan ang labas, tahimik at kalmado.

"Can I draw it?" mahinang tanong niya, ang mga mata ay bumaling na sa akin, nagniningning ang mga ito.

Napatigil ako, wari bang siya na lamang ang nasa paningin ko.

Tumango ako. "Hmm... of course, you can." Anything, Miro, you can do anything you want.

Sa sagot ko ay isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi, ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti. And at that moment, I knew... I can even give him my life if he so desires.

Nanatili ang titig sa amin sa isa't isa na naudlot lamang nang may tumawag sa akin.

"Alpha," may hingal at pag-aalala sa boses nito, napatingin kami ni Miro sa may pintuan, sarado pa ito ngunit ilang beses na may kumatok dito matapos ng makailang tawag pa.

Lumapit na ako at pinagbuksan, bumungad sa akin si Berriston.

"Bakit?" agad kong tanong, seryoso ang tono.

"Alpha, manganganak na si Anallee." direstso niyang sagot.

Natigilan ako, napatingin sa tabi ko kung saan nakatayo na rin si Miro. Bilang isang Alpha at lalo pa na at mate ng beta ko ang manganaganak, kailangan ko rin na pumunta lalo pa at maselan ang pagbubuntis nito.

Hindi pa nga ako nakakapagtanong sa kaniya ay naunahan na ako ni Miro. "Pwede ba akong sumama?" saad niya sa mahinang boses.

At hindi na nga ako nakatanggi, kahit na ayaw ko talaga na ipakilala muna si Miro sa pack lalo pa nga na malamig sa labas. Ngunit hindi ko rin naman maipagkakait sa kaniya na makisalamuha sa iba.

"Kailangan ba talaga na ganito kakapal ang suot kong jacket?" kalmadong tanong ni Miro, ang mga mga kamay ay itinaas ngunit hindi niya masyado magawa dahil sa makapal na suot. Naglalakad kami papunta sa bahay nila Greil.

Sumulyap ako sa kaniya, napangiti at hinigpitan ang hawak sa kaniyang baywang. Hindi ko rin alintana na makita ng iba ang ekspresiyon ko na malayo sa nakasanayang seryoso. I never thought of actually masking my own expression in front of my mate as I always did before.

"Siyempre, sobrang lamig ngayon at baka magkasakit ka." Inayos ko pa ang suot niya at itinabon sa kaniya.

Hindi rin naman nagtagal at nakarating na kami sa bahay, may mga packmates na rin sa labas na agad namang nagtahimikan nang dumating kami ni Miro. Yumuko sila sa amin na tinanguan ko lamang bago dumiretso na para pumasok kasama ang mate ko.

Sumulyap muna nga ako sa kaniya, agad kaming nagkatinginan. Ginawaran ko naman agad siya ng ngiti at inayos ang jacket bago bumaling na muli sa unahan ang tingin. Nang makapasok sa bahay ay tumambad sa amin ang aking gamma at ang magulang ko.

Natigilan ako, bahagya pang hinigit si Miro at mas mapalapit sa akin, isang aksiyon ng pagprotekta. Halos sabay naman silang napatingin sa direksiyon sa aming direksiyon. Napaglapat ko ang mga labi ko nang makitang lumandas ang mga mata ng aking ina kay Miro bago ito bumaling sa akin at ngumiti, ang ngiti na may tamis at lambing... ang pekeng ngiti niya.

"Oh, anak nandito ka na. Ito ba si... Miro?" nangunang umpisahan ng aking ina ang usapan, ang boses ay malumanay at may magiliw na ngiti sa labi. Ngunit gayunpaman, hindi ko inalis ang mga kamay kong mahigpit na nakapulupot kay Miro.

"Mom," bati ko sa kaniya, "Yes, siya si Miro." tumingin ako kay Miro, napawi ang tensiyonadong ekspresiyon ko, "Miro, ang parents ko." simpleng pakilala ko sa kanila.

Napatango si Miro at bahagyang yumuko sa mga magulang ko, kalmado pa rin siya kahit medyo lumapit sa akin halatang hindi kumportable. "Uhm, hello po." tanging saad niya lamang.

"Aww, you're so cute. You also look so small, so delicate and-what?" ang may tamis na boses ng aking ina ay naputol ng hawakan ang aking ama ang kaniyang braso.

"Miro, huwag kang mahihiya, you can stay in our camp and treat it like your home." matapos ay yumakap na rin siya kay mom at hinala para makaupo sa sala, kahit bakas ang pagtutol ay walang nagawa ito kundi magpahila na lamang.

Nang makalayo na sila sa amin ay ibinalik ko na ang tingin ko kay Miro, "I'm sorry." alam ko na hindi gusto ni Miro na tinatrato siyang mahina. Tumingala rin siya sa akin, may dilim ang mga mata.

"Bakit ka nagsosorry? She's not wrong... I do look small compared to all of you." kalmado lamang ang tono niya, halos walang pinagkaiba sa madalas niyang tono ngunit hindi ko alam, may kung anong kirot ang pumisil sa puso ko. Lalo pa ang makita na walang kinang ang kaniyang mga mata, halos blangko.

Pinaglandas ko ang mga kamay ko sa kaniyang likod hanggang sa naging magkayap na kami, ang kaibahan ng aming katawan ay mas lalo pang nadepina. Tumingin ako sa kaniya ng diretso na agad naman niyang sinalubong ng walang takot.

"We're different, so mali na ikumpara mo." saad kong hindi inaalis ang titig sa kaniya. Nagdikit ang kaniyang mga kilay, ang pagtataka ay nakasulat sa kaniyang mukha.

"What do you mean?"

Hindi muna ako nakasagot, ngunit makaraan ay may ngisi na sumilay sa mga labi ko.

"Miro, do you believe that werewolves exist?"

A Rare Kind of PairWhere stories live. Discover now