Kabanata 8

4 2 0
                                    


Mahigpit kong niyakap si Miro, ang takot ay mabilis na sumusukob sa buo kong sistema. Maging ang tibok ng puso ko ay sayang bumibilis. Nagising na lamang ako nang tawagin na ni Miro ang aking pangalan.

"Dominique... hindi na ako makahinga," saad niya, ngunit hindi naman niya ako tinutulak mula sa pagkakadagan sa kaniya.

Ganunpaman ay parang natauhan akong bigla at dagling umalis sa pagkakadagan sa kaniya ngunit yakap ko pa rin si Miro sa aking mga bisig.

"Sorry, hindi ko sinasadya." mahina kong paumanhin, ngunit lalo ko lamang nahigpitan ang aking yakap, natatakot na kapag binitawan ko na siya ay bigla na lamang siyang mawawala sa piling ko.

"It's okay. Pero, uh, Dominique... wala kang saplot." muling turan ni Miro at sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses niyang ito na wari'y may kaunting hiya.

Sa narinig ay saka ko lamang napagtanto na dahil sa bigla na lamang akong nag-aniyong tao ay niyakap ko si Miro nang hubo't hubad!

Bilang isang werewolf, hindi na bago sa akin na magpalit ng anyo sa harap ng iba. Ngunit si Miro ay isang tao, hindi siya sanay na bigla na lamang makakita ng hubad na katawan lalo pa nang magkaibang kasarian.

Sa hindi malamang dahilan ay nanginit ang aking pisngi, sa unang pagkakataon ay naging conscious ako sa aking katawan. Matatawag na ba itong sexual harrasment sa mundo ng mga tao? We are mates, but Miro doesn't of it yet!

Ano na lamang ang iisipin niya sa akin?

"Uh... sorry. Hindi ko sinasadya, ang ibig kong sabihin ay---" hindi ko naman malaman ang sasabihin ko kaya lamang hindi ko rin natapos nang may mahinang tawa ang pinakawalan ni Miro.

"Okay lang, pero mas mabuti siguro munang magdamit ka? Mukha lang akong mahina pero Dominique... lalaki pa rin ako." saad niyang may nais ipahiwatig.

Lalo namang nanginit muli ang pisngi maging ang tainga ko, alam ko ang nais sabihin ni Miro. Mukhang sa sobrang pag-iingat ko kay Miro ay nakakaligtaan ko na nga ang bagay na ito.

Kahit saang lahi, ang pride ng mga lalaki ay hindi mawawala. Hindi ko naman gustong ma-overlook ito.

"Sorry, mag-dadamit na ako ngayon." paalam ko sa kaniya na nagdulot muli ng kaunting halakhak mula sa kaniya. Hindi ko alam, ngunit naibsan ng bahagya ang pag-kahiya ko nang marinig ko ang tawa niya.

I think it's worth it. Ang marinig ang tawa ni Miro sa unang pagkakataon ay naapektuhan na rin ako at natawa na rin. Pakiramdam ko mas napalapit na kaming dalawa lalo sa mga oras na ito.

Hindi mo na kailangang magpaalam," saad niya na may bahid pa rin ng ngiti sa boses. Nang itaas ko ang paningin ko kay Miro ay nakita ko na nakapikit na siya ngunit may guhit ng ngiti sa mga labi.

Ako naman ang natawa sa kaniya.

"Bakit ka nakapikit?" tanong ko sa kaniya, may tonong nag-aasar. Alam ko naman kung bakit gusto ko lang malaman ang reaksiyon niya.

Lumawak ang ngiti niya sa labi, hindi nagpadala sa aking tanong.

"Akala ko ba mag-dadamit ka na?" sa halip na sagutin ang mapanukso kong tanong ay binalikan niya ako ng tanong.

Napailing na lang ako at hindi na nga pinilit si Miro, saglit lamang ay sinuot ko na ang damit kong nakakalat sa sahig. Mabilis ang aking mga kilos at ayaw ko namang paghintayin pa si Miro.

"Pwede mo nang imulat ang mata mo," saad ko at naupo sa tabi niya, magkalapit ang aming mga katawan. Sa tuwing nasa harapan ko lamang siya ay hindi ko maiwasan na gustuhin na magkalapit kami at nararamdaman ko ang natural na init ng kaniyang katawan.

Nakatuon lamang ang paningin ko sa mukha ni Miro kaya naman nang maimulat niya na ang mata niya ay madaling nagtapo ang aming mga mata. Napangiti ako at nag-uumapaw ang nararamdaman ko. Kakaibang satisfaction habang kasama mo pala talaga ang mate mo, para bang lahat ng problema ay kayang lagpasan habang kasama mo sila.

Iyan ang mismong nararamdaman ko, siguro maaaring isa lamang itong ilusyon na hatid ng mating bond ngunit para sa aming mga werewolves ay totoong sensayon ito na walang kapantay.

"Gusto mo bang makita?" tanong niya, may halong excitement sa kaniyang tono para bang hindi makapaghintay na ipakita sa akin ang kaniyang obra. Napatawa na lamang ako pero tumango ako sa kaniya at ibinaling ang tingin sa kaniyang sketch pad.

Agad naman na ipinakita sa akin ni Miro at pinagmasdan ko ang ginuhit niya na lobo ko. Mabilis lamang na iginuhit ni miro ito kaya naman hindi siya masyadong pulido ngunit malinaw na agad ang imahe.

Tinitigan ko ang aking drawing, ang bawat guhit at maging ang aking ekspresiyon. Para bang sa aking mga mata ay bigla itong naging buhay at tila ba nakita ko ang aking sarili na nakatingin kay Miro habang ako ay kaniyang ginuguhit. kalmado ngunit nanatiling alerto, isang representasyon ng aking pagkatao.

"Ang ganda," naibulong ko, ngunit tama lamang para marinig ni Miro.

"Talaga?" rinig kong tanong niya at may kasiyahan at pride sa kaniyang tono, agad kong napansin na nagustuhan na talaga niya ang pagguhit.

Nanatili sa papel ang aking tingin, tila ba nais kong itatak ang larawan sa aking isip kahit na ito naman ang lobo ko. Hindi ko namalayan na napahigpit na pala ang hawak ko sa sketch pad at sa area kung saan ako nakawak ay nagusot na.

"Dominique?" ang mahinang pagtawag sa akin ni Miro, kasabay ng paghawak niya sa aking likod at paghaplos.

Napakurap naman ako at parang nagising sa ilusyong dala ng larawan.

"Okay ka lang ba?" tanong muli ni Miro at may halo na ring pag-aalala sa kaniyang tono. Agad kong inalis ang tingin sa papel at tumingin kay Miro na nakatingin sa aking seryoso.

Umiling ako at ngumiti, "Sorry, okay lang ako." pagpanatag kong saad sa kaniya. Ngunit nanatili pa rin siyang seryoso na nakatingin sa akin at mukhang hinahanap kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo.

Npabuntong-hininga na lamang ako at pinilit na ngumiti sa aking mate kahit na hindi ito umabot hanggang sa aking mata. ibinalik kong muli ang tingin ko sa papel kung saan nakaghit ang larawan ng aking wolf.

Ang mga mata ko ay lumamlam at tumitig dito.

"Ito ang unang beses na nakita ko siya," saad ko. Maging ang wolf ko sa loob ko ay mukhang naramdaman ang komplikadong emosyon ko at biglang naging aktibo.

Hindi sumagot si Miro sa akin, ngunit alam ko na nakikinig siya sa bawat kong sasabihin. Naalala ko nga pala, mate ko si Miro at kaya naman ay maaari ko rin sabihin sa kaniya kung ano ang nasa loob ko, maging ang nakaraan na nais kong kalimutan ngunit nanatiling nagpapabigat ng aking loob.

Katulad na lamang ng pagbabahagi sa akin ni Miro kanina.

"Hindi ko pa siya nakikita. Kahit na ang tingnan siya sa repleksiyon ng tubig ay hindi ko magawa. Alam ko ang kulay ng aking wolf, pero ang buong hitsura niya...kailanman ay hindi ko pa nakita." pag-amin ko, mabigat ang aking boses.

Itinaas ko ang tingin ko kay Miro. "There are times when I really hate my form. Iniisip ko, bakit ako? Bakit nga ba ako ang naging alpha? Ang dami kong mga tanong, na kalaunan bigla na lamang wala akong lakas loob na tingnan ang tunay kong anyo bilang lobo." pagpapatuloy ko, ngayon na nailabas ko na ang gusto kong sabihin ay parang hindi ko naman mapigilan ang sarili ko.

Para bang sa ilang taon kong kinimkim sa loob ko, ganon rin naman ang pag-apaw nila ng tuloy-tuloy.

Napailing ako at bahagyang natawa na may panunuya, maging ang panlasa ko ay muling naging mapait.

"No, alam ko. Alam ko ang dahilan. Dahil... nawala siya." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Rare Kind of PairWhere stories live. Discover now