097

246 6 0
                                    

"I swear, Paul, masasapak kita!" Sigaw ko kay Paul nang makita ko siya sa kitchen namin.

Gulat siyang tumingin sa 'kin habang may nakalagay pang pagkain sa bunganga n'ya. I saw Mom giggled at Paul.

"Nalaman na niya yatang anak n'yo ni Bianca ang bibinyagan ngayon," she even laughed!

"Mommy?! Alam mo?!" Tanong ko nang makalapit sa kanila. Paul froze on his place and looking at me like a kid who's scared.

Mommy chuckled. "Oo, surprise?" She even tapped my cheeks like it's just normal for me!

Bumaling ako kay Paul na ngayon ay kumalma na. Handa nang magpaliwanag kung ano man ang ipapaliwanag n'ya.

"Ganito kasi." He started. "Grade 11 ng bakasyon ka umalis, 'di ba?"

Tumango ako at hindi nagsalita. He sighed. Niyakap n'ya ako.

"Noong bakasyon na 'yon, nagyaya si Blue. Kasi aalis na nga siya. At ayon, lasing kaming lahat except kay Jun at Andrew. Pero, nauna na kaming umalis n'on ng isang babae. Pumunta kami sa hotel. Tapos hindi ko na alam nangyari. Nagulat na lang ako kinaumagahan, katabi ko na si Bianca. Pareho kaming hubad."

Hindi ako nagsalita, kasi para akong natatawa na ewan. 'Yung boses n'ya kasi hindi ko maintindihan. Para siyang naiiyak na bata o para siyang naiiyak kasi proud siya.

"Tapos bago pasukan, 2 months after mangyari n'on, pinuntahan n'ya ako, sabi n'ya nabuntis ko siya." At do'n na ako nagpigil ng tawa. Dahil para siyang bata talagang nagsusumbong. "Sinabi ko sa parents ko, hindi sila nagalit. Disappointed siguro? Tapos, sinabi ko kay Tita at sa mga friends natin. Except kay Zae. Sabi ko rin, huwag nang sabihin sa 'yo kasi baka umuwi ka bigla, e you're chasing your dreams."

"Tanga ka." Bulong ko.

Dapat tatapusin ko ang college ko roon sa abroad, pero hindi ko na tinuloy dahil sa mga nangyari sa 'kin doon. Kahit anong tiis ko, hindi ko kayang malayo sa pamilya at kaibigan ko. . . pati sa kaniya.

"Sorry na! I swear, hindi ko gustong itago sa 'yo!" Sabi ni Paul na nagpabalik sa 'kin sa huwisyo.

Inalis ko ang yakap n'ya sa 'kin at ngumiti. "It's okay."

Doon siya nakahinga nang maluwag. "Hay, mabuti na lang mabait ka." He chuckled. "Mabuti nga at umuwi ka rito, e."

I pursed my lips and looked away. Hindi naman talaga ako dapat uuwi kung hindi lang nangyari 'yon. Dapat nasa abroad pa rin ako, busy chasing my dreams, but that happened.

Sayang ang pangarap.

bahala na | ✓Where stories live. Discover now