101

243 5 3
                                    

Sabay kaming bumaba ni Lay mula sa sasakyan ni Paul at 'yon agad ang napansin ng lahat. Nasa harap na kami ng simbahan at halos lahat ng Ninang, Ninong, kamag-anak, kaibigan at pamilya nina Paul at Bianca ay mayroon na.

"Oh, nagkabalikan kayo?" Tanong ng isa sa Tita nina Paul sa amin ni Lay nang makitang sabay kaming naglalakad palapit sa kanila.

Lay smiled shyly and shooked her head. "Hindi po." Sagot n'ya.

Paano po kami magkakabalikan, e hindi naman po naging kami? Paano po kami magkakabalikan, e ghinost nga ako ng pamangkin n'yo? At isa pa, wala namang kami. Paano kami magkakabalikan?

"Tara na sa loob. Magsisimula na," sabi ni Bianca. Nakangiti sa 'min habang buhat ang bata.

Huminga ako ng malalim at nauna nang maglakad. Saktong naglakad din si Lay kaya nagkabungguan kami.

"Sorry." She said in a small voice.

"Careful." I said in a low voice and proceed on walking.

Palihim akong sinisilip ni Paul at Bianca nang magsimula na ang misa. Kapag hindi sa 'kin tumitingin, kay Lay naman. Pabalik-balik ang tingin nila sa 'ming dalawa. Hindi kami magkatabi ni Lay sa upuan dahil katabi ko sina Gabriel at Andrew, saka si Lay. Bale nasa gitna namin si Gab at Drew.

"Napakasakit, Kuya Jushi." Bulong sa 'kin ni Drew, pinaparinggan si Gab.

"Kung hindi ka ba naman torpe, e 'di sana walang Paul at Bianca." Sabi ko kay Gab, nasa kalagitnaan kami ng misa.

Tinignan ako ni Gab at tumawa. "Grabe ka naman, retsam. Ikaw nga 'di umamin, e. Ano ka ngayon? Naunahan."

Tumawa si Andrew. "Magtigil nga kayo, e pareho lang naman kayong torpe." Sabi n'ya na nagpatahimik sa 'kin.

Totoo naman 'yon. Hindi ko na 'yon ikakaila pa. Pero maraming what ifs sa 'kin. What if umamin kaagad ako? What if nasabi ko 'yung nararamdaman ko?

Sa dami kong what if, hindi ko alam kung masasagot pa ba 'yon, ngayon na mayroon na siyang boyfriend.

Sayang.

bahala na | ✓Where stories live. Discover now