121

225 4 1
                                    

After months of waiting on the case we filed for Zaeden, we were happy on the news that Lay won. There's many evidence that was sent on the court and everyone saw it.

"Are we okay?" I asked.

Tumango siya at ngumiti—ngiting umabot na sa mata n'ya. "Yes." She answered.

Nandito kami sa rooftop ng bahay nila, rito kami nag-dinner kasama si Paul at Bianca pati si Polly. Ang Mommy ni Lay ay pumanaw na habang nasa abroad si Lay. Ang Kuya naman ni Lay ay busy na sa trabaho n'ya at sa pamilya rin nito.

"Kapag nagkaroon tayo ng anak, ilan ang gusto mo?" She asked.

I looked at her and sighed. "Hindi ko alam. Depende siguro sa 'yo since ikaw naman ang magdadala ng bata, hindi ako." Sagot ko. "Okay na 'ko sa isa o dalawa. Pwede namang kambal."

"Bakit depende sa 'kin?"

"Kasi ikaw ang maghihirap. Nasa tabi mo lang ako, magbibigay lakas at suporta sa 'yo. Kaya depende sa 'yo kung ilan gusto mo."

She pouted making me laugh. Minsan napapatingin na lang ako sa kan'ya ng matagal dahil para siyang may kamukha na Kpop artist pero lalaki.

"You look like Jaehyun." Sabi ko habang nakatingin sa kan'ya.

"Hmm?" She looked at me.

"Jaehyun ng NCT. Search mo, para mong kamukha. Girl version ka n'ya."

"Mamaya."

Nabalot kaming muli sa katahimikan at sumandal na sa 'kin si Lay. Bumuntonghininga ako at niyakap siya.

"Kapag nakapagtapos na 'ko, tapos nakapasa ako sa boards, uunahin kong i-design bahay natin." Sabi ko habang yakap siya.

"Kaya mo ba akong hintayin?" She asked.

I chuckled. "Lay, nahintay kita ng isang taon, ano pa kaya kung sa pag-aaral mo." Sagot ko.

Tumawa siya at tumingin sa 'kin. I smiled at her and leaned in to kiss her lips. But before our lips touched, we heard someone cleared his throat.

"'Wag naman dito sa rooftop kung saan favorite place namin ng Mommy n'yo." Tito said that made Lay laugh.

Humiwalay kami sa isa't isa at tumayo na si Lay para lumapit sa Daddy n'ya. Tumayo na rin ako at pumunta sa gilid. Malawak naman ang rooftop nila kaya nasa dulo na ako para hindi ako maka-istorbo sa pag-uusap nilang dalawa.

If Lay's happy, Jushi's happy too.

bahala na | ✓Where stories live. Discover now