17. Yes You're Jealous!

213 10 1
                                    

Nahhh! You're JEALOUS!

Isa sa mga madalas i-deny sa lahat ay yung pagkakataon na nagseselos ka. Mahirap nga naman aminin. Minsan nga kahit sa sarili mo hindi mo din maamin na nagseselos ka. Bakit ka nga ba nagseselos? KANINO?

Usually, kapag kasi nagseselos ka, it means naiingget ka din. May halong inggit sa puso mo. Halos kakambal na kasi ng salitang "selos" ang inggit". Bakit? Kasi kinukumpara mo yung mga bagay-bagay sa paligid mo. Bakit ganto? Bakit ganyan? Hindi ba pwedeng ganto? Hindi ba pwedeng ganyan?

Bukod pa dito, kapag nagseselos ang isang tao, nagiging pla-bintangin. Masyadong mapaghinala. Yung tipong isang galaw mo lang, kailangan malaman nya na agad ang buong detalye dahil kundi, sandamakmak na naman ang maririnig mo sakanya. Mahirap pag inatake ng selos, parag nakakapraning. Nakakasira ng utak!

Eto din ang madalas na dahilan kung bakit nasisira ang isang relasyon.

Madalas tayong magselos kapag nakikita at naiisip natin na parang mas masaya pa yung taong mahal mo sa iba. Pwedeng sa kaibigan niya, o kaya sa pamilya niya. O di kaya naman nagseselos ka kasi buti pa yung Dota lagi niyang kasama, samantalang ikaw na girlfriend, hindi man lang niya mabigyan ng oras. Nagseselos ka kapag may mga babaeng lumalandi sa kanya, tapos yung boyfriend mo naman ine-entetain. Nagseselos ka kapag yung ibang tao, kinakausap niya ng maayos pero pag kayo magkausap, lagi na lang kayong nagsisigawan. Nagseselos ka kasi feeling mo hindi ka na niya maha, o di kaya naman feeling mo hindi ikaw ang priority niya. Nagseselos ka sa mga taong nakapaligid sa kanya, gusto mo ikaw lang yung laging kasama niya.

In short nagseselos ka kasi gusto mo ikaw ang BIDA para sakanya. Yung atensyon na dapat ibibigay nya sayo, gusto mo laging buo. Minsan hindi mo napapansin na bukod sa nararamdaman mong selos, at nararamdaman mong inggit, nagiging MAKASARILI ka na din.

 

"Hindi ako nagseselos. Okay lang sakin.."

Pinaka nakakagagong salita!

Kung nagseselos ka, WAG KANG DENIAL! Normal lang naman yun. Tao ka at normal lang na maramdaman mo yan. Ang punto dito ay tama ban a magselos ka. Baka kasi pinapairal mo lang yang kakitaran ng ulo mo at palagi ka na lang nagseselos. Magmasid ka muna. Alamin mo muna kung tama ba o mali na magselos ka. Baka kasi mamaya makasakit ka na lang ng damdamin din ng iba. Buti sana kung ikaw lang ang nasasaktan, pero hindi tama na may masasaktan ka nang iba. Baka mamaya pati yung taong pinagseselosan mo, masaktan mo din. Edi lagot na!

Mag-isip ka! Baka mamaya kaibigan lang naman talaga yun. O kaya naman baka kamag-anak, pwedeng tita, lolo, pinsan, o kahit pa nga kaklase lang niya. Kung sa tingin mo naman wala namang dapat ikaselos at hindi naman foul yung ginagawa nila. WAG KANG OA!

Pero ang selos ba para lang sa magkarelasyon?

Minsan pwede din sa magkaibigan.

Yung kaibigan mong akala mo kaibigan lang talaga turing sayo. Pero hindi na pala! May nararamdaman na pala sayo. Pero syempre ikaw hindi ka naman ayware sa nararamdaman niya kasi hindi niya sinsabi

Masakit magselos lao na pag alam mo namang wala kang karapatan. Hindi ikaw ang nagmamay-ari. Hindi ikaw ang karelasyon. Hindi ikaw ang minamahal niya kaya wala kang magagawa. No choice kundi tanggapin ang sakit. Yung nagseselos ka kasi lagi silang magkasama, magkatabi, nagsusubuan pa sa tuwing kumakain, maglalakad ng magka-holding hands.

MASAKIT! GUSTONG GUSTO MONG SABIHIN NA NAGSESELOS KA!

Pero at the end of the day, maiisip mo.. "Tangnaaa! Bakit ako nasasaktan ng ganito, ehhh KAIBIGAN LANG NAMAN AKO!"

Tatawanan mo yung sarili mo. Mg-iisip nang kung ano-ano. Para kang gago sa isang sulok. Minsan nga naisip mo.. "Hindi ba pwedeng tayong dalawa na lang? Bakit kailangan may sumingit pa?"

Tapos pag kinausap ka na niya ulit, ayan ka na naman. Feeling!

Wala naman ibang makakapagpawala nang selos mo kundi yung taong naging dahilan din kung bakit ka nagseselos. Pwede mo siyang kausapin at sabihin mo na nagseselos ka. Kung magsyota kayo, okay lang na sabihin mo. Para atleast alam niya. Para sa susunod hindi na niya gawin yun. Tapos sunod na niya, yayakapin ka, magso-sorry, susuyuin ka, lalambingin ka. Ohh diba ang sweet? Ang selos kasi, kasama na siguro yun sa pagpapatibay ng isang relasyon.

Ehh pano kung kaibigan ka lang? Sasabihin mo din ban a nagseselos ka? Oo. Pwede Pero kasi may limitasyon ehh. Hindi ka naman pwedeng umasa na susuyuin ka niya. Hindi ka pwedeg umasa na lalambingin ka niya. Maaaring mag-sorry siya sayo pero hanggang dun na lang yun!

Masarap magselos lalo na kung may pakielam sayo yung taong pinagseselosan mo. Pero hindi ko sinabing nakakahealthy yun. Basta nasa tama lang. Timbangin mo kung dapat ka bang magselos. Ang nakakatakot kapag hinayaan mo lang yung nararamdaman mong selos.. Pwede ring pinigilan mo. Hinayaan mo lang siyang makipagusap sa iba lalo na sa mga malalanding nakapaligid sa kanya. Baka kasi one of these days, wala na siya sayo. Napunta na sa iba. I think pag nagselos ka, hindi naman basta-basta kawalan yun nang tiwala. Dalawa lang yan, wala kang tiwala sa partner mo o wala kang tiwala sa kausap niya? Alinman sa dalawa, isipin mo.. Ok lang magselos.

Agapan mo lang para di lumala.

Pwede Pero DependeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ