7. In Private or Public?

238 16 4
                                    

In Private or In Public?

 

Isa rin 'to sa mga bagay bagay na pinaguusapan. Hindi lang basta pinaguusapan kundi pinagtatalunan nang karamihan. Tama ka sa narinig mo.. PINAGTATALUNAN! San nga ba mas okay? Sa public o sa private?

Para naman maging mas malawak tong usapan natin at maipasok padin natin ang Love Concept sa ganitong sitwasyon, simulant muna natin sa basic. San nga ba? Walang iba kundi sa school.

Madaming nagsasabing mas masarap mag-aral sa private. Oo nga naman kasi sa private, High Standard. Hindi lang yung turo kundi yung technologies or yung equipments na din. Kung may per aka, mas ppiliin mong mag-aral sa private para sa magandang kapakanan mo. Mas sosyal kang tignan sa mga tao at mas titingalain ka nang karamihan. Classy ika nga nila.. Sa private kasi kailangan mong gumastos nang malaking halaga. Sulit naman kasi yung ibabayad mo. Unlike pag public? Nganga! Hirap na hirap sa bulok na Sistema nang paraalan. Lowtek ang mga gadgets. Minsan nga sira-sira pa, or worst.. baka nga wala pa. Hustle mag-aral sa public. Madaming gangster. Madaming adik o loko-loko. Magkamali ka lang nang binangga, bbanatan ka na agad. Nakakawalan nang respeto at kahihiyan sa sarili Panget ehh.. Yung ambiance pa mainit, magulo, siksikan. Yung quality of teaching naman, hindi din msyadong okay dahil nga walang sapat na kakayahan ang school pra magpundar nang bagiong books o kung anu pa man. Ganun sa private at public diba? Physically yes..

So how can we connect those things in LOVE?

Siguro simulan muna natin sa simple thoughts na ganito..

"Ang relasyon, kapag madaming nakakaalam, madaming nangingialam."

 

Tama naman diba? Kapag pumasok ka sa isang relasyon na kung saan pribado, means walang ibang nakakaalam kundi kayong dalawa lang, edi walang kaso. Lahat nang problema, away, bati, galit, inis, tuwa, lambing, lahat yan.. Asi in Lahat yan kayong dalawa lang ang makikinabang. Kayong dalawa lang ang maapektuhan at kayong dalawa lang ang may concern sa isat isa. Hindi niyo kailangan humingi nang advice sa iba. Sariling desisyon. Saring pagtanggap nang pagkakamali at pag-ako nang kasalanan. Kung tama naman, edi mabuti, tuloy padin ang agos. Siguro kung malaman nang bespren mo at bespren niya, okay pa.. Malaman nang nanay at tatay mo and vice versa, siguro okay padin.. Siguro bumilang ka lang nang mga limang taong involve sa relasyon nyo na makakaalam nun, siguro wala pang magiging problema. Kailangan mo din naman kasi yun! Walang lihim na hindi nabubunyag, so darating padin ang araw na may makakaalam at may makaalam nang relasyon nyo. Kailangan nyo dun yun para kung sakali, may mag-aadvice sa inyong dalawa. Mas okay kung mas nakakatanda sa inyo at mas matured sa inyo para gumabay at maging saksi sa pagmamahalan niyo. Pero kapag yang mga tao nay an lumagpas na nang sampu? Hindi lang sampu kundi naging dalawangpu, tatlompu.. Ayy di na healthy yan! Mahirap na yan.. Bakit? Kasi nga madaming MANGINGIALAM!

Isipin mo kung madaming nakkaalam.. Halimbawa isang araw may nanligaw sayo, at dahil gusto mo at nangangati ka, sinagot mo.. Hindi lang basta sagot kundi ibi-broadcast mo.. Yung tipong makikita nang lahat sa facebook na..

Bh0sXz Mh4Ld!3+4h is now in a relationship with...

 

Ohh adiba ang taray! Luma-lovelife ang lola mo! So pano nga halimbawa kung ganyan? Malamang sa malamang madaming magla-likes nyan. Syempre feeling famous ka nyan kasi trending ka. Lagi kang laman nang news feed nila. Lalo na kung gwapo yung boyfriend mo tapos jeje din katulad mo..

Bh0sXz Mh4Ld!3+4h is now in a relationship with Bh0sXz Mh4fP4gM4H4L Un0hH.

Edi BOOM PANES! Ikaw na trending! Tipong magccomment sila sa status mo. Yung iba papaya. Yung iba matutuwa. Yung iba dededmahin lang, kung san ka masaya, suportahan ta ka. Yung iba magsasabi sayo na ilibre mo sila kasi para kang tumaya sa lotto at naka-jackpot ka! Pero yung iba lang yun.. Kasi mdami ding ibang tututol dyan. Yung mga babaeng insecure sayo tapos sasabihin sa lalaki na bakit pinatos mo yan? Tapos sisiraan ka kasi nga gusto din pala nila na sakanila mapunta. Yung mga lalaking sasabihin naman na adik yun, bakla yun, di nag-aaral orr whatsoever. Lahat din nang pagging bitter at paninira gagawin para lang hind imaging kayo.. Hindi lang sa comment. Even personally, pde mangyari yung ganun. Yung mangingielam sila sa buhay mo. Lalong lao na ang nanay mo, ang tatay mo, yung tita mong nagpapaaral sayo. Yung tito mong manyakis at minamanyak ka gabi-gabi, na nagsabing papatayin nya yung boypren mo. Gagatong pa yung mga tropa mo na sasabihin sayong di sila boto dun para sayo kasi mas bet nila yung lalaking bigtime na nakade kotse. Para sila din ang makinabang at the end of the day. Haha. Yan tayo ehh.. Manggamit. Hehe.. Tapos yung mga nasa lugar nyo pa, hindi mo alam kung magugustuhan ba kayo nang mga tao sa paligid mo na magkasama kayong dalawa, masayang nagmamahalan. Yun bang gusto mong matulog at isipin na walang problema sa relasyon nyong dalawa. Masaya lahat, lahat naayon sa kagustuhan nyong dalawa.. Pero HINDI ehh diba? Madami at madami padding makikialam lalo na pag may mga pagkakataon kayang kaya nang makagawa nang butas para tuluyan nang mawala at masira.

Tapos malalaman na lang naming isang araw sa Facebook yung status na..

Bh0sXz Mh4Ld!3+4h is now Single.

Tapos magpopost ka pa nang mga status na may kasamang hashtag tapos nakalagay Feeling BrokenHearted </////3

 

On the other hand, benefits din ang Public nu! Pag kayo nang jowa mo magkasama. San mo sya dadalhin? Alangan naman sa Private agad? AGAD-AGAD? Tsk tsk! Yan tayo ehh.. Kalibugan lang kasi pinapairal. Si Junior ba yung nainlove? Grabe naman kasi kung dadalhin moa gad siya sa Private na lugar tulad nang hotel, motel, rent house. Kung minsan oa nga sa pribado na kung saan madilim. Basta lang talaga mairaos lahat na papatusin, lahat na gagawin. Pero alam mo yung uso? Yung eksenang magakakasama kayong magttropa tapos gagawa ka nang sarili mong diskarte. Ppunta kasa kwarto kunwari lasing ka na, o kaya naman inaantok ka at gusto mong magpahinga... Tapos magpapasama ka sa jowa mo.. Then BOOM! SUDDENLY IT'S MAGIC! Hahahahahaha.. Tama naman ako diba boys? Landi nyo naman girls! Mga ganung galawan na paulit-ulit hindi nyo pa mabisto. O kaya hindi man lang tumanggi.. Syempre dahil malandi ka nga ateng, papatulan mo na at pagbibigyan mo jowa mo.. Diba?

Kaya hindi dapat sa Private place. Dapat sa public. Halimbawa sa park. Mamasyal kayo dun sa Luneta, magbilang kayo nang bituin sa langit. Kung ayaw mo naman, bilangin mo yung mga damong hinhigaan nyo. O kaya naman maglaro kayo dun kahit isama mo pa kaibigan mo, magsama din siya nang kaibigan niya para fair. O kaya naman kumaen sila sa mga resto. Magfoodtrip sila, magpakataba sila.. Pabilisan kumaen, ang sinong unang makaubos, siya ang libre at kung sinong mahuli, siya ang manglilibre at magbabayad nang kinainan ninyong dalawa. Sweet diba? Atleast may thrill! Dapat kasi ganun.. Lagi dapat may pakulo para di boring ang isang relasyon. Kung gusto mo naman, mag-mall kayo. Sabihin mo saknya samahan a niya magshopping. Kung may pera kayo.. Pero kung wala, edi window shopping. Hehe.. Tapos habang namimili ka nang gusto mong mga dmit, ibili mo din siya nang kanya. Ibili mo siya nang brief tapos sabihin mo gamiten niya yan kapag nagchukchakan chenes na kayo.. Hehe. Gets nyo ba?! Basta alam mo nay un! Greenminded ka naman kaya bawal slow. Hehe.. Pero joke lang yun! ERASE ERASE!

Pag halimbawa namang nagroromansahan kayo.. Halimbawa KISS. Dun lang tayo sa basic. I-kiss mo siya sa cheeks, sa forehead, sa arm, sa lips. Walang kaso dun! I-kiss mo siya sa mga public parts of the body, wag lang sa private part. Alam mo naman siguro yun! Para atleast nandun yung sign of respect at patunay na mahal mo siya at ginagalang mo ang buong pagkatao niya. Pwede nyo din naman yan gawin in public place pero wag naman yung to the point na may naiistorbo na kayong iba. Wag kaong pasakit at panira nang araw nang ibang tao. Baka mamaya naghalikan kayo nang jowa mo, tapos yung katapat nyo nakita yung ganun eksena.. Ehh broken hearted pala!? Kasi kakabreak lang nila at pinagpalit siya sa hipon? Edi nabadtrip lalo yun! Baka yung burden nadagdagan pa dahil sa lampungan nyong dalawa. Baka magbigti pa yun kasi namimiss nya na ginaganun siya. Ohh diba? Kaya careful din dapat.. Kung di ka makatiis edi dun sa private place. Maghanap ka.. Wag nyong masyadong ipangalandakan at proud na proud kayo.. Dahil una sa lahat, WALA NAMANG MAY PAKE.

Pangalawa, WALANG MAY PAKE!

At ang pangatlo...

WALA PADING MAY PAKE!!!

Alam mo na???

Pwede Pero DependeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz