19. Cool Off then Break!

347 11 0
                                    

Cool Off pero ending Break!

A cool off is a prelude to break-up!

 

Yes it's true! Kung bakit? Eto ie-explain ko sa inyo ang aking mga pananaw sa paksang 'yan.

Ano ba ang cool off? Break up na din bay un? Well parang.. Oo? Sort off? Ehh kasi naman. Sino bang nag-imbento ng salitang COOL OFF? Parang dati naman walang ganun diba? Pag hiwalay, hiwalay na agad. Pag nagkaayos, edi magkabalikan. Out of nowehere, bigla na lang pumasok ang salitang Cool Off at pinaniwala ang mga tao na pwede pala yung ganun!

Wag ka munang magalit

Ako sana'y pakinggan

Hindi ko balak ang ika'y saktan

Hindi ikaw ang problema,wala akong iba

Di tulad nang iyong hinala

 

Sarili ay di maintindihan

Hindi ko malaman,Ano ba ang dahilan

Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan

Minamahal kita,Pero kaylangan ko lang mag-isa

 

Wag mong isipin na hindi kana mahal

Sarili ko'y hahanapin ko lang

At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala

Ay para rin sa ating dalawa

Alam mo ba yang kantang Cool Off ni Yeng Constantino? Yung mensahe ng kanta nya, nanghihingi siya ng space. Bakit? Yun ang hindi natin alam! Madaming dahilan ehh.. Madaming pwedeng ireason out. At some point tama din naman.. hindi porket nakipag-Cool off or Break sayo ang isang taong mahal mo, hindi ibig sabihin na hindi ka niya mahal or hindi ka niya minahal. Mahal ka niya! Minahal ka niya! Yun nga lang.. heto na nga.. parang susuko na siya.. Kung bakit at kanino? Tanging siya lang ang may alam.. Hanggang kelan siya babalik? Wala din makapagsasabi. Or worst, baka HINDI NA SIYA BUMALIK! Which is mostly happened sa mga may karelasyon..

 

"Uhmmm.. Ano kasi ehh.. Cool off muna tayo.."

Technically, once na sinabi mong Cool off, it means BREAK NA KAYO! It's over! Totally end. Wala nang pero-pero, wala nang bakit-bakit. Yun na 'yun ehh! Bakit hindi mo masabi sa kanya? May mga tao kasing hindi naman talaga sanay nang nakikipag-break so ang tendency, dinadaan sa cool off. Mahirap kasi makasakit ng tao, lalo na kung minahal mo na din naman o naging parte na nang buhay mo. Pero bakit mo pa gagawing komplikado? Masasaktan at masasaktan mo din naman siya..

"I need space pero once na maging okay na lahat.. Let's fix it again."

 

Ganun ba kadali iyon? Para sa taong sasabihan mo? NAKAKAGAGO! Space? Ehh di sana sa outer space ka na lang tumira. Malawak dun! Makakapagisip-isip ka nang bongga. Bakit kailangan mo nang space? May problema kayong dalawa at malala na? Edi pag-usapan Kaya naman gawan nang paraan 'yan kung gugustuhin. O baka naman problema sa ibang bagay like studies, family, friends and so on? Kaya nga siya naging partner mo ehh, talk to him para matulungan ka niya. Partner na kayong dalawa ngayon, ang problema mo, problema na niya din. Wag mong solohin!

Bakit k aba nakikipag-cool off? Pressured ka na ba? Hindi mo na kaya? Masyado na bang mabigat at masakit ang nararamdaman mo? Kailangan mo bang hanapin ang sarili mo? Imposible namang nwawala ka sa sarili, or I mean hindi mo alam ang nagyayari sayo? Like DUHHHHH! Alam mo naman kung sino ka ehh, minsan in-denial ka lang talaga! O kung may problema sa sarili mo, bakit pati siya dinadamay mo? Yung relasyon na meron kayo? Hindi dapat makaapekto ang sarili mong problema or kahit na ano pa man sa relasyon ninyong dalawa. Pinasok ninyong dalawa 'yan kaya dapat pinagtutulungan ninyong i-work out.

COOL OFF IS THE NICEST WAY OF SAYING.. "BREAK NA TAYO!"

 

Oo tama ka, Pinagandang term lang yun ng salitang "BREAK UP!"

 

Isipin mo na lang, pano pag ikaw ang sinabihan nang ganyan? Baka daig mo pa si Xander nang Forevermore! Bigla mo na lang masasabing "Ang sakit.. Sobrang sakit na.. SANA PINATAY MO NA LANG AKO!"sabay walk-out! Edi ward for best actor ka!

Pag nakipag-Cool Off ka, para ka na din naging Playsafe. Parang ganito yung magiging eksena:

B: Uhmm.. Ano kasi ehh.. Cool off muna tayo pwede ba?

G: Bakit?

B: Para makapag-isip lang.. Mga ilang araw lang naman..

G: Pano na tayo?

B: Magiging okay din ang lahat satin.. Ayoko lang madamay ka pa sa problema ko..

 

Like HELLOOOOOOO! Girlfriend mo yun! Syempre problema mo, problema na din niya. Tulungan nga kayo diba? Makapag-isip? Ilang araw? Isa? Dalawa? Tatlo o higit pa? ILAN? Bakit kailangan madamay pati siya? O baka naman siya ang problema mo kaya tinatapos mo na? Sana inaayos niyong dalawa! AGAD AGAD! Pero kung wala na talaga, wala na tayong magagawa.. Kung siya talaga ang problema mo, ehh di BREAK na nga yung ending nun! Kunware ka pa, gusto mo lang maging good boy at gentle sa kanya on the other way. Pero ang totoo, ikaw 'tong gago na nagsisimula nang maghanap ng iba. Looking other girl. Find something more interesting! Lakas!

Ang COOL OFF kasi ganito..

 

"AYOKO NA! SUKO NA KO! PERO AYOKONG MAKIPAG-BREAK KASI GUSTO KO SAYO MANGGALING ANG SALITANG 'YAN.. NA SUMUSUKO KA NA.."

 

See how STUPID? Tsk!

Mabigat sa damdamin ang break-up.. Ang daming naka-hang up na questions. Ang hirap kaya nang ganun! Yung mag-iisip ka nang mag-iisip ng mga tanong. BAKIT? ANO? PANO? Nakakalokong mga tanong ang papasok sa utak mo. Para kang sira-ulo sa paningin ng ibang tao.

So kung makikipag-Cool Off ka sa partner mo, C'mon Dude! Makipag-break ka na lang.. Lalo mo lang pinahihirapan ang kalooban niya. Lalo mo lang siya sinasaktan sa ginagawa mo. Imbes na mas mabilis para sa kanya ang kalimutan ka, baka hindi mangyari.. Baka mas lalo lang siya mahirapan makapag-move on kasi umaasa pa siyang babalik ka. Pano kung babalik ka? Sigurado ka bang babalik ka? So paghihintayin mo siya ganun bay un? Habang nagpapakasaya ka o inaayos mo ang sarili mo, siya naman 'tong gulong gulo! Hindi lang ang puso at isip niya kundi ang buo niyang pagkatao! Hayaan mo na siyang maging masaya.. Wag kang selfish.. Makipag-break ka na lang tapos pag okay na lahat sayo tsaka ka bumalik. Mas okay yun! Yun ay kung talagang OKAY KA NA.. Yung wala ka nang irarason pa sa kanya pra makipaghiwala.. Mas formal pang tignan na maayos kayong naghiwalay at maayos mo din siyang babalikan. Kaysa naman sa iniwan mo siya na punong-puno ng katanungan at pangungulila dahil wala ka na, pero hindi naman niya alam kung babalik ka. At babalik ka sa kanya na parang Okay na ang lahat sayo pero sa kanya? Okay na ba? Ganun ba gad-agad iyon? Hindi naman diba?

And finally, bago mo gawin yan dude, COOL OFF MAN O BREAK, Pag-isipan mo muna! Kasi baka mamaya SIYA NA PALA..

Pwede Pero DependeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon