10. Pride Over Love

1.4K 18 9
                                    

Pride over Love

This time let's talk about Pride. But ofcourse it is not an ordinary pride, it's pride over love.

"Bakit ako magsosorry?"

"Bakit ako makikipagbati sa kanya?"

Yan ang kadalasang linya nang mga taong matataa ang pride. Akala nila okay lang yun. Akala nila tama yung ginagawa nila. Pero tama nga ba? Tama nga bang hindi ka humingi nang sorry sa nagawan mo nang mali? Ehh pano kung di ka naman mali? Kailangan mo padin bang magsorry sa taong yun? Malamng ang sagot dyan ay OO!

"PRIDE, PRIDE PRIDE! Lintek na PRIDE yan! Nang dahil dyan, nagbreak kami nang girlfriend ko. Nang dahil diyan iniwan ako nang taong mahal ko. Nang dahil dyan wala na kong kasama. nang dahil mamumuhay ako nang SINGLE.. Kung di ko lang sana pinairal ang PRIDE ko.. edi sana KAMI pa!"

 

Tsk tsk tsk! Ang saklap noh!? Ikaw kasi ehh.. Kailangan ba talaga nang PRIDE sa LOVE?

So now, you'll asking me again... Dapat ba talagang mag-sorry?

Oo, kailangang magsorry ka. Tama ka man o mali, dapat marunong ka ding humingi nang sorry. Sometimes we figure out na lahat nang bagay kailangan maging okay sayo. Lahat nang mga pangangailangan mo dapat nakukiha mo. At lahat nang tao dedepende sa kung ano at kung pano mo sila pakikisamahan. Kung yun ang akala mo, pwes! Nagkakamali ka! Hindi lahat nang bagay makukuha mo, at hindi lahat nang taong nasa paligid mo ay dedepende sayo. Hindi! At HINDING HINDI..

"Ayoko na! Ang taas taas nang pride niya! Hindi ko na kaya.. Lagi na lang akong nagpapakumbaba.. Pero wala padin. Kulang na lang matapakan na yung pagkatao ko sa kanya. Kulang na lang umiyak ako nang dugo sa harapan niya! Mukha na nga akong tanga ehh.. Tama nang isa.. Ayoko na..."

 

Naka-encounter ka na ba nang ganitong eksena? Sumuko na dahil sa PRIDE...

 

Sa sobrang taas nang pride natin, hindi natin alam na maraming nasasayang. Oo madami. Ano-ano? Isa-isahin natin. Unang nawawala dyan ay yung panahon. Panahon na dapat magkasama kayo nang mahal mo. Panahon na dapat ang sweet sweet nyo sa isa't-isa. Panahon na dapat bumubuo kayo nang magagandang memories kung hindi lang talaga umiral yang pride mo. Madami kang nasasayang.. Nasasayang yung effort na nilalaan sayo nang taong mahal mo para suyuin ka. Hello! Mahirap kaya manuyo. Mahirap lalo na kung alam mong mataas yung pride nang sinusuyo. Mahirap kasi hindi moa lam kung pinapatawad ka na nya o talaga okay na kayo. Walang assurance. Baka mamaya pakitang tao lang o kaya naman napilitan lang.. Masisiguro mo lang siguro na okay na talaga, kapag bumalik na sa dati yung magandang treatment na meron sa inyong dalawa. At alam mo yung higit na nakakapanghinayang sa lahat, yung mapagod na yung taong yun dahil sa sobrang taas mo. Yung bigla na lang siyang magsasabi nang, "I Quit!"¸Kasi ginagawa na nya lahat. Lahat-lahat.. masuyo at maging okay lang.. Kahit ikaw mismo alam mo na sa sarili mong effort na effort yung tao. Pero wala. Alam mong umiiral? PRIDE! Tsk! Tsk!

Sino bang mas mataas ang pride? Base sa pagsusuri ko, at sa sarili kong opinion, mas matas ang pride nang lalake. Tama ka, lalake nga.. Bakit kaya?

Ang mga lalakae kasi ayaw na ayaw nilang minamaliit sila. Hanggat maari bilang partner, dapat malaman niya at nararamdaman niyang proud ka sa kanya. Ayaw iya kasing nababalewala ang mga efforts niya. Parang nakakaliit kasi talaga yun sa pagkatao nang lalake. Kumpara sa girls, mas madali kasi ninyong mailabas yung feelings ninyo. Mas madali kayong magalit kesa sa mga lalake. Pero kasi ang lalaki pag nagalit, BOOOOOOOOOOOMMMMM! SABOG!!! Oo sobra sobra... Hanggat kayang magtimpi nyan, magtitimpi yan, pero pag hindi na talaga kinaya, ehh wala na.. Dedma na kayo at all.. Mahirap na. Kung anong napagdesisyunan, yun na talaga. It's final! Though madali lang suyuin ang mga lalaki, pero pag wala na talaga, he mean it. Wala ka nang magagawa dun.. Gusto kasi nang mga lalake, nakikita nang ibang tao na sila yung boss. Yung sila yung mas nakakaangat at sila yung nagpapaandar nang relasyon ninyong dalawa bilang mag-partner. Nakakahiya kasi sa part nang lalake kapag wala silang nagagawa para sa taong mahal nila. Lalo na kung wala silang trabaho, wala silang pinag-aralan, wala silang kayang gawin.. Kunwari lang sila at pakitang tao lang yung ginagawa nila. Kunwari cool, maporma, astig, pero deep inside, nanliliit sila para sa taong mahal nila. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ayaw din nang lalaking sinisigawan sila nang mahal nila sa madaming tao. Lalo na sa kalsada. Lalo na pag kasama niya ang mga kabarkada niya. For sure na mag-aaway kayo, kaya girls, beware of it!

Going back on pride, kaya mo bang alisin o kahit na bawasan man lang yun, para sa taong minamahal mo? Well I guess, you can! Pero kung di mo gagawin, it's up to you.. Hindi naman ako yung mawawalan nang taong minamahal pag nagkataon. Hehe.. Kahit gano pa yan kakomplikado, kahit anuman ang mangyari, kahit anong sitwasyon o problema pa man yang dumarating sa relasyon nyong dalawa, dapat hindi pinapairal ang pride. Yan ang makakasira sa relasyon. Isa sa mga madalas makapagpasira nang relasyon. Yung simpleng bagay lang, palalakihin pa. Pag-aawayan hanggang sa lumala na lang nang lumala. Hindi na dapat ehh.. Okay na agad sana ehh.. Kaso pinalaki mo pa! Umiral na naman si PRIDE.

Sabi nga nila, "Ang Pride, ginagamet yan panglaba, hindi sa relasyon" . Totoo naman diba? Uuulitin ko sayo. Nakakasira yun sa relasyon. Hindi lang basta sira. Nakakahawa pa. Minsan imbes na kayong dalawa lang ang magkaaway, madami pang nadadamay. Hindi dapat ganun.. Dapat pag-usapan agad. Oo, marahil hindi natin maiiwasan na maging ma-pride, pero tulad nga nang sinasabe ko kanina, pwede naman bawasan. Let's try not to do it to the person whom we really love.

Meron pa ngang kasabihan na, "Ang Pride ay parang panty, kapag hindi binaba, walang mangyayari". Funny isn't it? But definitely, that's true! Kelan ka ba nakakita na magkarelasyon na may magandang samahan at may matibay na pundasyon kung parehong nagpapatasan nang pride. Yung tipong "Bahala ka nga dyan!" o kaya naman "Ayoko nga!" tapos may mga kasunod pang lines yan.. Blahhh.. Blahhh.. Blahhh.. Nakakahiya lang sa ibang nakakakita o nakakapansin. Para kayong aso at pusa na lagging nag-aaway at mukhang kahit kelan, hindi magkakasundo. Naging mag-partner pa kayo kung ganun din lang. Hindi ba pwedeng magkasama kayong dalawa na namumuhay nang masaya? Kasama nang kaibigan at mga pamilya? Pwede naman yun ehh.. Kung kaya mo lang bawasan ang PRIDE na meron ka.

Siguro it takes time para bumaba ang dating mataas mong pride. But ofcourse, you have to try. You have to control your emotions not to do that things. Hindi naman kasi porket mataas ang pride mo, akala mo ikaw na ang nakakaangat. Maling pananaw yan! Yung iba ksi kaya nakikipagmataasan, kasi gusto nila yung sila yung sinusyo. At gusto nilang nakikita na yung partner nila nagpapakahirap habang sinusuyo sila. Makonsensya ka naman kahit konti lang..

Limatahan ang pag-iinarte girls. May binabagayan yan. Sabi nga diba? Umarte nang naayon sa ganda. Kaya kung di ka maganda, wag kang umarte! Pero hindi naman  talaga as in wag ka nang umarte. Ofcourse that's the nature of girls, to be maarte. Kaya lang kasi minsan OA na. Hindi na tama. Hindi na dapat. Nakakairita na. Kasi kapag sinusuyo kayo nang lalaki at sobrang arte nyo padin, ewan ko na lang kung suyuin ka pa. Wag masyadong maPRIDE. Magsorry ka din sa inasta mo. Minsan kasi kahit mali na, pinipilit padin nila nay un yung tama at yung partner nila ang mali.

Yung pride naman, hindi lang naman yan tungkol sa committed as girlfriend or boyfriend or as couple. Pwede din yan sa kaibigan, sa kakilala o kaya kamag-anak. Basta ang sinasabi ko lang... Yang PRIDE na yan, lason yannnn! LASON na pwedeng makapatay nang magandang RELASYON.

Kung mahal mo ang isang tao, dapat una pa lang inaalis mo nay an. Kinkondisyon mo na sa isip mo na di dapat kasali ang PRIDE. Hindi kayo maglalaba o kaya naman maghuhugas. Basta mahal mo kaya mong magsorry agad-agad. No ifs, no buts.. Dapat gawin mo yun! Kung mahal mo dapat mahaba din ang pasensya mo kung sakaling siya naman ang sinumpong at naging mataas ang pride. Then talk to each other kapag medyo nahimasmasan na kayo. Hindi kasi kayo makakapagusap nang maayos kapag parehong mainit ang ulo niyong dalawa. Magusap nang masinsinan. Pagkatapos pag okay na, magsimula ulit. Wag na iungkat ang nakaraan. Wag magpakabossy. Hindi ka naghanap nang jojowain mo para lang may utusan ka at ikaw ang masunod sa lahat nang bagay. Give and take. Kung anong meron siya, dapat meron ka din and vice versa. Mas magandang tignan ang couple na madaming pangarap sa buhay. Yung naglu-looking forward sa future nila. Unlke dun sa puro bangayan pagkatapos hindi magpapansinan nang mga ilang araw, kasi nga maPRIDE. Walang masamang magpakababa, try mo!

So para sa mga taken dyan...

May GOD bless your relationship with your partner.

Stay inlove! Yieeeeee! <3

Pwede Pero DependeWhere stories live. Discover now