9. Forgive and Forget

316 16 4
                                    

Forgive and Forget

Kapag may nagawa ang iba sayo, na hindi maganda, madali mo bang napapatawad?

Kano kabilis? Isang araw? Dalawa? Tatlo o higit pa?

Gaano nga ba kahirap magpatawad?

Eh ang makalimot mahirap din ba?

Kasabay ba nang pagpapatawad ang paglimot?

Naranasan mo na bang magpatawad sa isang tao? Kung oo, paano? Ang paagbibigay ba nang kapatawaran ay nakadepende sa kung gaano kabigat ang nagawa niyang kasalanan? Palagay ko hindi naman.. Maliit man o malaking pagkakamali, kasalanan padding matatawag yun! At syempre kahit anuman ang mangyari, kailangan nating magpatawad.

"Hindi tayo bati..."

Tanda mo pa ba yung ganyang linya/ Haha. Nakakatuwang balikan ang nakaraan. Ang sarap ulit bumalik sa pagkabata. Tanda mo pa ba? Yan ang sinasabi mo sa mga kalaro mo tapos nakakaaway mo dahil lang sa mga maliit na bagay na hindi napagkakasunduan. Tapos pag sinabi mo yan, mahahanap ka nang kakampi. Kung minsan pa nga hahawakan mo yung kamay nung nauto mong kaibigan sabay aalis kayong dalawa, at doon maiiwan ang inaway mong kalaro na kaibigan mo din naman. Tapos mapapansin mo, kalaro nyo na ulit yung batang sinabihan mo nun..

Simple lang diba? Ganun lang kasi dapat. Gawin lang nating simple ang bawat bagay. Wag natin masyadong pahirapan ang ating sarili. Sino bang naninikip ang may dibdib kapag merong kaaway? Sino bang umiiwas kapag nakita mong kasama nang kaibigan mo yung taong nakagawa nang pagkakamali sayo? Yung tipong ang lapit lapit nyo lang sa isat isa pero ang laki nang pader na nakaharang sa inyong dalawa. Mahirap gumalaw diba? Mahirap huminga nang maluwag sa kalooban. Kasi nga hindi mo pa siya napapatawad. Kung sinuman yun..

May naiisip ka no?! Bakit? May kaaway ka ba ngayon???

O meron ka bang hindi pa napapatawad?

Patawarin mo na.. Tapos kalimutan mo na din.. Para tapos na diba? Para di ka na din mahihirapan. Magsimula Kang muli. Wag mo nang  balikan ang nakalipas. Nakalipas nay un ehh! Diba sabi nga nila, Past is past cannot be back. Pero pano nga ba kung mabigat yung kasalanang ginawa nya sayo? Uhmm pano nga ba?

Una, isipin mo muna kung ano bang nararamdaman mo matapos ang pangyayari.  Natutuwa ka ba? Galit ka ba? Naiinis o nagtatampo lang? Hayaan mo munang dumaloy at mangingibabaw ang emosyong naidulot sayo nang pangyayari. Wag mong pigilan. Mas mahirap kasi pag pinipigilan Niloloko mo lang sarili mo pag ganun! Parang ganito, sinasabi mong hindi mo na siya mahal pero deep inside, inlove ka padin. Sinasabi mong ayaw mo na, pero sa totoo lang umaasa ka padin. Hindi daoat ganun.. Magpakatotoo ka, pagkatapos tsaka mo sabihin sa mapagkakatiwalaang tao yung naararamdaman mo, Mapagkakatiwalaan ahh?? Yung hindi ka ilalaglag.. Pwedeng kapamilya mo, o kaya kaibigan mo. Gawin mo yug mga bagay na magpapakasaya sayo. Magwala ka kung gusto mo. Hamunin mo siya nang one-on-one kung gusto mo, magtiis ka kung gusto mo, kahit anu pa yan. Basta makakapagsatisfied nang kalooban mo. Magpakabusy ka, para makalimutan mo kahit papaano yung sakit na naidulot nang pangyayari.

Hindi naman porket nagpapatawad ka o kaya humihingi ka nang kapatawaran, ehh ibig sabihin din na nakakapagbati ka. Hindi din ibig sabihin na nangpapatawad ka, kailangan mo nang makipagkasundo sa kanya. Forgiveness defined as peace and understanding that come from blaming that which hurt you more or less. Para lang mawala yung sisihan. Baka mamaya pati pala sasrili mo sinisisi mo na din. Mahirap yan! Baka magulat na lang ako one day, nagpakamatay ka na dahil di mo na nakayanan. Para di ka mastress, wag mo na isipin yung mga bagay na nagpapasakit sa kalooban mo.

At the moment you feel upset, pag-aralan mo din kung pano mo yun makokontrol. Pag-aralan mo kung paano mawawala yung stress. Kasi baka mamaya imbes na nakakalimot ka na at nagagawa mo nang patawarin ang isang bagay nang dahan dahan, baka manumbalik na naman dahil galit ka o kaya naman badtrip. Para din wala ka nang madamay na ibang tao. Para hindi ka na madagdagan pa nang problema.

Wag ka na ding umasa sa mga bagay na gustong gusto mong makuha o magawa sayo nang ibang tao. Dahil for sure, kapag hindi nila nagawa yun sayo, magagalit ka sa kanila. Magagalit ka kasi pinangakuan ka nila. Magagalit ka kasi hindi nila ginawa yung bagay na gustong gusto mo. Ipagpipilitan mo sa kanila tapos syempre magkakaroon na naman nang misunderstanding. Hanggang BOOM! Sabog na naman. Labo-labo na naman imbes na okay ka na.

Gawin mo yung mga bagay na gusto mo. Yung ikaw lang mag-isa. Yung hindi ka umaasa sa tulong nang iba. Isipin mo na kaya mong gawin lahat yan. Punan mo nang maganda at positibong pananaw ang kokote mo. Gumawa ka nang bagay na ikasisiya mo. Hindi yung maghihiganti ka. Wag kang maghiganti sa taong nakagawa nang pagkakamali sayo. Hayaan mo na.. Bakit? Kapag naghiganti k aba may maganda bang mangyayari? Wala naman ehh.. Kasi kapag ginawa mo yun, maghihiganti din sila. Magkakaroon lang nang gyera at malamang sa malamang, baka magkaron nang EDSA REVOLUTION version 5.0. Remember that a life well lived is your best revenge. Instead of focusing on your wounded feelings and giving the person who caused you pain power over you, learn to look for the love, beauty and kindness around you. Nasa sarili mo lang yan kung pano mo sila magagawang patawarin.

Yung nangyari sayo, past na yun! Hayaan mo na.. Siguro maging halimbawa na lang yun sayo. And then forgive. Pag nagawa mo na naman yung mga yun, sunod-sunod nay an. Hanggang sa di mo namamalayan na nagkakapagpatawad ka na. At sa mga susunod pang panahon, hindi mo din mamalayan ang mga dating pangyayari dahil kinalimutan mo na.

Lahat naman nang sugat naghihilom.

Lahat nang sakit napapawi.

Lahat nang hirap at pighati, nawawala.

Lahat nang iyan may hangganan. Kaya wag mong baunin hanggang kamatayan! Sige ka, ikaw den.. Maging masaya ka lang sa buhay. Parang isang bata na walang problema. Walang pakelam sa nangyayari sa paligid nila. Basta ang alam lang ay yung mga bagay na makakapagpapasaya sa kanya na walang natatapakang karapatan nang iba, at yung mga bagay na makakapagkumpleto nang isang buong araw niya.

Maliit lang ang chance nating mabuhay sa mundo, kaya maging masaya ka!

YOLO!!!

Pwede Pero DependeWhere stories live. Discover now