6. First love or True Love?

239 19 19
                                    

First Love? True Love?

 

Naranasan mo na bang mainlove?

Siguro naman OO ang sagot mo diyan diba?

So meron kang First Love?

Edi meron ka ding True Love?

Ano ba kasing pagkakaiba nun?

Hindi naging exciting ang love story mo kung di mo to napagdaanan nung elementary. Yung magsulat sa slumnote. Dati slumnote sya, pero tinatawag na din siyang slumbook kasi siguro dahil sa hirap nang Pilipinas, pati bata marunong nang dumiskarte.. Nilalagay na lang nila yung mga tanong sa notebook. Notebook na lang yung bibilhin nila. Atleast madami pang makasagot. Pag slumnote kasi pili lang.. As in mga super mega over hyper BESTFRIEND mo lang ang pwedeng magsulat dun. Yun nga lang, mas mganda kasi madaming designs yun kumpara sa kapirasong notebook na ginagawa ngang slumbook.

Ano??? Naransan mo ba yan?

Edi ibig sabihin, alam mo yung tinutukoy ko.. Yung part na may itatanong sayo na, "Who is your First Love?" Naalala mo pa ba kung sinong nilalagay mo sa ganyan?

Sino? SIGE NGA!

Kung matapang ka, i-post mo sa facebook yung ganyang tanong tapos i-tag mo siya. Dapat ALL CAPS para INTENSE ha? Haha. Pagkatapos i-printscreen mo at ipadala mo sakin sa Wattpad na @just4rap. Idededicate ko sayo ang next chapter kapag nagawa mo yan. Hehe..

Pero usually sa mga nababasa ko, lagi na lang Family, God, Friends.. Wala na bang iba? Puro na lang ganun? Maging specific ka naman.. Magmention ka nang pangalan..

Siguro pagdating sa First Love, masasabi ko na pwede mong ilagay dito yung Puppy Love mo. Sino bang una mong nagustuhan nung bata ka pa? Sino ba yung Childhood Sweetheart mo? Sino ba yung ka-loveteam mo sa school? Yan yung mga pwede mong ilagay dyan bukod sa binabanggit mong family, friends and etc. Yung first love mo yung taong mas malala pa sa pagkakacrush mo.. Pwedeng die-hard ka sa kanya. Pwedeng matagal mo nang crush, pwedeng ka-M.U mo noong unang-una. Pwede naman yun diba?

"First Love never dies."

 

Totoo o hindi?

Yes it is! Kung aalamin natin, ang mga bata, madali nilang naaalala at nadadala hanggang sa tumanda sila, kapag masaya sila. So ibig sabihin kapag may first love ka nung bataka pa lang, siguro elementary days.. Ibig sabihin masaya ka! At hinding-hindi yun mawawaglit sa isipan mo. Ohhhhh Amininnnnn? Mas naadopt nang bata ang mga good memories kesa bad memories. Yun naman kasi talaga dapat. Dapat mas dinadala natin ang good memories kesa bad. Yung mga bad dapat binabaon na sa limot.

Ngayon uulitin ko.. For sure makakapag-mention ka na nang Name.

 

 

Who is your FIRST LOVE?

Ayieeeeeee! Kilig pempem..

So let's now talk about True Love...

Anong nilalagay mo sa slumbook kapag tinanong sayo "Who is your True Love?"

 

Minsan nakakabanas na kasi parang paulit-ulit yung tanong diba? Ehh kasi paulit-ulit lang yung nilalagay mo. Kaya fore sure, kung ako yung reader nang slum note, hindi ko na babasahin yung sayo kasi alam ko na naman ang magiging sagot mo! Paulet-ulet lang.. Walang iba kundi Family, Friends and God. Walang katapusang FAMILY, FRIENDS AND GOD! Kalokaaaaaaaa! Wala bang iba? Wala ka bang maime-mention? O baka naman ang nilalagay mo MANY TO MENTION? Hahaha.. Juice Colored! (Dyus Ko Lerrrrd)

Sige para naman may mailagay ka sa tanong nay an.. Alamin natin ang dapat malaman sa TRUE LOVE.. True means? TOTOO. Exactly! Tumpak! Wlang palya.. Wlang tulak-kabigin.. Pag sinabing totoo, CREDIBLE at DETAILED dapat.. Halimbawa, anong pangalan mo.. Pag sinAbi mong POGI, madaling sabihin na nagjojoke ka.. Kasi hindi naman totoo. Bukod sa hindi kapani-paniwalang ganun ang pangalan mo, hindi rin lumalabas ang katotohanan sa mukha mo. Mapapahiya ka pa at sasabihan kang ambisyoso. Gusto mo ba nun? Ehh pag sinabi mong JAY, JORGE, RALPH, ZOE, o kung anu pa man, tapos dinugtungan mo pa nang apelyido mong TAPA, CULANGOT, TAE, MAVAHOW, edi yun ang totoo! Detalyado at kapani-paniwala.. Gets mo?

So sino bang True Love mo? Yan yung present mo! At dapat isa lang yan! Walang kahati.. Walang kaagaw sa puso mo.. Bukod sa pamilya at kaibigan mo at kay God. Pangalawa siya sa buhay mo dahil una si God dapat.. So pag sinabing True Love dapat siya agad ang maiisip mo.. Walang patumpik-tumpik. Hindi yung mahal mo lang kasi mayaman, maganda, maporma, sikat, kilala o kung anu pa mang reasons na napapakinabangan mo sa kanya.. Mali yun! Dapat yung totoong minahal mo.. Yung hindi mo idedeny kahit kanino. Kasi pag mahal mo, dapat Proud ka! Wala kang pakelam sa sasabihin nang iba. Handa kang harapin ang consequences na ibibgay sayo nang ibang tao. Mahal mo ehh.. Hindi lang basta mahal. MAHAL NA MAHAL.. Yung gagawin mo lahat. Magkamatayan na! Gumuho man ang mundo, masasabi mo sa kanyang, "Ick40 LhU4rNn Sx4pFH4+ Nu4Hh ZsXoBrU4hH FpU4Hh". NabaSA mo ba? Jejejeje..

Ngayon uulitin ko.. For the second time around..

For sure makakapag-mention ka na nang Name. Complete name dapat ahh?!

Tapos ganun din gawin mo, ipost mo yung tanong na "Who is your True Love?", tapos i-tag mo din siya. Pero this time ipopost mo na din yung picture niya.. Ibig sabihin pinagmamalaki mo siya. Hindi mo kinakahiya. No regrets! Mahal mo nga ehh diba? Tapos pasa mo ulit sa account ko. May surprise ka saken! Hehe.. Lakas makaartista no? Sorry naman..

Okay Ready?

 

Who is your TRUE LOVE?

Bawal ang SECRET!

Pwede Pero DependeWhere stories live. Discover now