1. Babae at Lalaki

1.9K 46 26
                                    

Ano bang pagkakaiba ng BABAE at LALAKI?

Marahil napaka-basic na lang nito para sa inyo. Pero dito ko muna sisimulan ang simpleng usapan natin bago tayo lumalim nang lumalim. Sabi nga nila, mas mdaling magsimula muna tayo sa basic o dun sa pinakamadaling paraan para sa mga susunod na mangyayari, hindi na tayo mahihirapan. Kung sa umpisa pa lang naboboring ka nang basahin to. Malaya ka namang itigil yang ginagawa mo. Wag lang akong makarinig nang bad complain galing sayo!

Eto na nga.. Ano bang pagkakaiba nang lalaki sa babae? May pagkakaiba ba? Aba oo! At malaking Malaki ang pinagkaiba nanglalaki sa babae. Maraming aspeto ehh.. May pisikal, may ispiritwal, may intelektwal, may pisiyolohikal at may emosyonal. Kapag alam mo ang katangian ng babae at lalaki sa bawat aspetong yan, masusuri mong Malaki nga ang pagkakaiba nang lalake at babae.

Dun muna tayo sa pisikal. Madaling makita sa tao kung ito ay lalake o babae. Sa uri pa lang ng pananamit malalaman mo na. Ehh pano kung bakla o tomboy o transgender? Malalaman mo padin yan! Kaso ingat ka nga lang.. Madami nang naloloko ngayon dahil sa modernong teknolohiya na dulot nang modernong mundo. Ano bang itsura ng lalaki? Syempre may mata, may ilong, may bibig, may tenga, kamay at paa. Ganun din naman ang babae. Hehe. Pero seryoso tayo.. Malalaman mong babae ang taong yun, kapag napansin mong maliit ang bewang, ang balakang, ang mga kamay at ang mga paa. Ehh pano kung unano lang? Syempre hindi ka nman bobo diba? Kaya alam mo padin ang sagot. Babae yan kapag hindi masyadong tinutubuan ng buhok ang balat. Hindi katulad nang lalaki, mas makapal at mas mabalbon. Usully pag mahaba buhok at nakatali, ehh babae yan! Pag lalaki kasi maigsi lang at kung minsan kalbo pa nga. Kung may hikaw babae yan kung dlwa. Kung isa lang, edi lalake. Pero may mga lalake na din nagsusuot nang magkabilaang hikaw. Ewan ko ba! Pero Walang basagan ng trip! Hehe.. Babae yan kapag nakita mong nakaumbok yung Malaki nyang Boobs. Ehh pano pag flat chested? Malalaman mo padin.. Gamitin mo lang yung 3D Vision mo. Kung naka-bra, sando bra o anu pa man na pwede ilagay sa dibdib, ehh surebol ngang babae yan! Para mas makatiyak ka, silipin mo yung keps nya kung papayag siya. Haha. Sabihin mo walang malisya. Ewan ko lang kung di ka masampal! Haha. Lalaki yan pag makisig ang pangangatawan. Lalo na kung mahilig mag-gym. Ehh pano kung adik? Edi lalake padin kasi bihira lang ang babaeng nag-aadik. Tama ba ko? Hehe. Gusto mo silipin mo din yung pototoy niya, sabihin mo "Boss, paisa lang!" Ohh diba? Ano sa tingen mo? Pero make sure na papakita mo din yung iyo.

Pag dating naman sa isipiritwal. Mas malakas ang pananampalataya nang mga babae. Tipong magsisimba yan tuwing Linggo. Kung kinakailangang araw-araw gagawin nyan. Kayang mag-stay nang babae sa simbahan nang matagal. Lumuhod kung kinakailangan. Magtawag nang santo, magdasal nang singkwentang Ama Namin at isang daang Aba Ginoong Marya at sampung Luwalhati. Kaya yan nang mga babae. Kung mapapansin mo, mas aktib pa sila sa simbahan mag-volunteer. Kahit walang bayad, kahit mahirap kaya niyan gawin basta kay Bro. Pero ang lalaki.. HINDI. Mainipin sila. Mas gustonilang tumambay, maglaklak ng Empi o kaya RedHorse. Mas gusto nila yung mag Mahjong at mag-Tong Its sa labas kasama nang mga tropa niyang nakahubad sa lansangan. Siguro nagdadasal din naman sila. Hindi nga lang halata. At kung minsan, depende lang sa mood nila. At depende yun kung may kailangan din sila. Dahil lalaki sila, alam nilang kaya na nila lahat nang bagay. Kaya kapag walang wala na at tipong gumagapang na sa kahirapan tsaka lang sila lalapit. Hindi naman sa unfair ako sa mga lalaki ha? Tulad nga nang sabe ko, base lang yun sa aking pananaw at obserbasyon. Pero kung hindi, edi hindi! Yun nga.. Pag babae kasi, mas mapagbigay, mas matulungin at mas may malasakit sa kapwa. Siguro likas lang sa lalaki yung hind imaging soft-hearted pero hindi ibig sabhin nun hindi na sila marunong magmalasakit. Pero alam mo kung ano yung nakakapagtaka? Bakit palaging pari yung nagsasalita sa altar? Hindi ba pwede yung madre naman? Kawawa naman si Father. Hehe.. Sabagay nakasanayan na kasi yun talaga simula pa nung panahon nang mga Kastila. Na kailangan lalaki lang palagi ang mga gumagawa ng trabaho at babae ang nasa bahay lang. Ohh hayan ha? Atleast may napulot kang aral sakin kahit papano. Sinabi lang yan ng teacher ko sa AP dati...

Pwede Pero DependeWhere stories live. Discover now