18. Hurt Hurt not Heart heart

157 11 0
                                    

Heart diba? Bakit Hurt?

Kung ako ang papipiliin, gusto ko yung masaya lang, walang ending. Yung walang sakit na nararanasan. Yung hindi ka nahihirapan. Alama ko lahat tayo naghahangad nang ganun. Kaso pwede ba yun? Kailangan makaramdam din tayo nang sakit at pagkabigo. Pwedeng pisikal, o kaya naman emosyonal.

Sa ganitong panahon, ang dami na yatang iba't ibang masasakit na karanasan ang nangyayari sa mga tao. Masyadong masalimuot. Minsan nga may mga pagkakataon na titingin sila sa langit tapos biglang sisigaw nang ganito..

 

"Do I deserved this? Do I really deserved this? Why I'm hurting right now? It's seems like I'm dying!!"

 

Minsan mapapa-WOW ka kasi napapa-English kapag broken hearted. Pero pwede namang Tagalog kaso nga lang mas brutal pakinggan.

"Tangnaaaaaaaaa! Bakit gantooooo? Dapat bang mangyari sakin 'to! AYOKO NAAAAAAAA! GUSTO KO NANG MAGPAKAMATAYYYYY!"

 

Tsk tsk! Nakaka-depress no?! May kilala ka bang ganyan? Tapos ikaw, wala ka namang magawa para matulungan siya. Lalo na kung kaibigan ka, parang napakawala mong kwenta!

Pero sure ako, napagdaanan mo din yan! Yung masaktan, mabigo, mwalan nang pag-asa. Bakit ba kasi kailangan nating masaktan? Hindi ba pwedeng MAGMAHAL na lang?

Bakit ba tayo nasasaktan?

Kasi siguro umaasa ka. Umaasa kang magkakabalikan kayo. Umaasa kang mamahalin ka ulit ng taong mahal mo. Umaasa kang magmamahalan parin kayo tulad nang dati. Umaasa ka sa mga bagay na alam mo namang hindi darating. Yannnn! Yang pag-asa asa mo sa mga bagay-bagay. Yan ang isang dahilan kung bakit ka nasasaktan.

Pwede din namang pisikal. Sinaktan ka ng boyfriend mo. Sinampal ka ng girlfriend mo. Inaway mo siya kaya inaway ka din niya. Literal! Pero ano bang mas masakit? Emosyonal o pisikal? Kung ako ang tatanungin, parehas padding masakit yun ehh..  GUSTO MO BA NANG NASASAKTAN?

Pero bakit ba kailangan nating masaktan?

Siguro para sa susunod matuto ka na. Yun naman talaga ehh.. Para kapag nangyari sayo ang bagay na iyan, aware ka na diba? Kasi kung hindi, paulit-ulit lang yung ganyang eksena sa buhay mo. Paulit-ulit lang yan manyayari. Kailangan mo ding magpaka-matured. Hindi pwedeng pairalin mo lang yung gusto mo, o yung mga bagay na nakasanayan mo.

Kailangan mong masaktan para sa susunod matuto ka na din lumaban. Hindi yung palagi ka na lang walang kibo. Palagi ka na lang walang imik. Palagi ka na lang nakayuko at nagmumukmok sa isang sulok. Hindi naman kasi panghabangbuhay ganun ang gagawin mo. Oo siguro mahina ka, pero hindi ka talunan. Maaaring talo ka sa una, pero 'yun ang magiging pundasyon mo para lumaban. Wag kang panghinaan ng loob. Tiwala lang sa sarili.

Dapat kang makaranas nang ganyang sakit lalo na kung karapat-dapat yan para sayo! Alam mo na. KARMA. Oo may karma. Yung mga ginawa mong kalokohan dati kailangan mong pagbayaran. Minsan nga doble pa. Kaya bago mo gawin ang isang bagay, pag-isipan mo muna. Kung walang mabuting maidudulot sayo, wag mo nang ipagpatuloy.

HEART NA EHH.. Alam mo yung HEAVEN. Yung masaya lang. Nagmamahal lang kayong dalawa. Walang problema. Kung meron man, sisw lang para sa inyong dalawa. Hindi mo kailangang mag-isip nang sobra. Hindi mo kailangang mastress ng bongga. Masaya ka lang. Lalo na pag nakikita mo siya. At mas lalo pa kung nakakasama mo siya.

HEART NA EHH.. Okay kayo sa tropa, aprprove na approve ang relasyon ninyong dalawa Tapos legal naman kayo sa isa't isa. Masaya kayo sa pamilya ng bwat isa. Nagmamahalan kayo. Masaya. Walang tumututol. Kung meron man, hindi na para pansinin pa. Hindi naman sila ang magsasama diba? Basta ang importante, kayong DALAWA.

HEART NA EHH. Nakakapglakbay na kayo kung saan saan. Yung tipong bawat pupuntahan nyo, punong-puno ng magagandang memories. Tapos lagi kayong magkasama. Hindi hadlang kahit medyo napalayo kayo nang konti sa isa't isa. Iisipin nyo, may text, call at chat naman. Very easy na mag-access para hindi mangulila kay mahal. Ang saya diba?

Pero bakit ganun?

HEART NA EHH.. TAPOS NAGING HURT PA!

Bakit kailangan masaktan? Nagmahal ka lang naman ehh.. NAGMAHAL KA LANG NAMAN NG BUONG BUO. Ang gusto mo lang din naman ay mahalin ka din diba? Yung may mag-aalala sayo palagi. Yung may mag-aalaga sayo at hindi ka iiwan. Yung pakiramdam na safe ka sa mga bisig niya. Yung mga halik at yakap na talagang pananabikan mo sa kaya. Lahat! Lahat nang kasiyahang ndarama mo dahil sakanya. Pero habang tumutagal bakit ka nasasaktan?

Hindi ba dapat okay na pag matagal na kayo. Alam nyo na mga flaws nang bawat isa. Pero bakit hindi mo padin maiwasan na hindi yun maramdaman? Ang hirap lang isipin na nagmamahal ka, pero heto ka ngayon, naghihinagpis. Umiiyak na naman at halos maubos mo na ang luha mo para lang mawala yung bigat na dala ng iyong kalooban. Pabalik balik yung sakit. Susuko ka na ba?

Tanungin mo nga yung sarili mo nang ganyan.. "Dapat na ba akong sumuko?"

 

Matapos ang lahat? Susuko ka na lang? Edi parang pinatunayan mo na lang din sa kanila na talunan ka. Diba sabe nila WINNERS NEVER QUIT!? Ehh bakit biglang susuko ka na? Hindi mo bna ba talaga kaya? Baka magawan pa ng paraan. Baka maremedyuhan pa. Ibig sabihin ba nun aasa ka pa? Well.. Pwedeng hindi. Pwedeng oo.. Ikaw naman ang higit na makakasagot niyan ehh.. Kasi ikaw ang nakakaramdam. Pagisipan mo muna kung ititigil mo na o hindi.

Sabe nila, gumagaan sa pakiramdam ang isang bagay kapag binibitawan.

 

Tama naman talaga yun!

Pero dahan-dahan ka muna.. Baka mamaya yung bagay na bibitawan mo, may halaga pa pala. May saysay pa at pwede pang magpabago sa buhay mo. Who knows? Pagsubok lang naman yan ehh.. Malay mo naman, bukas masaya ka na ulet. Kasama sa paglaki yan!

Kung nasaktan ka man, OKAY LANG YAN! Laban lang..

Kung hindi mo pa naranasan, Ehh di mas maganda. MAS OKAY!

Gusto ko lang malaman mo ang isang bagay..

Kapag nasaktan ka, hindi naman yung dami nang sakit na naramdaman ang binibilang diba? As long as masaya ka at KAYA MO PA!

At.. HINDI PORKET PUMASOK KA SA ISANG RELASYON, MASASAKTAN KA LANG NANG MASASAKTAN!

 

MASARAP MAGMAHAL! PROMISE! <3

Pwede Pero DependeWhere stories live. Discover now