2. Crush and Love

613 39 16
                                    

What are the differences between Crush and Love?

 

Ano ba talagang pagkakaiba ng crush at love? Madami kasing naguguluhan kung ano ba ang pagkakaiba nang dalawang yun. Ikaw alam mo ba? Ano bang sabi nang nanay mo? Natanung mo na ba siya tungkol sa bagay na yan? Anong sabe nang kaibigan mo? Love na daw ba yang nararamdaman mo? Pero yung totoo? Hindi ka padin sigurado no? Well.. Kung di mo pa alam ang pagkakaiba nang dalawa, pagkatapos mong mabasa 'to.. tiyak na alam mo na ang kahulugan kung ano ba talaga?

Ohh ano? Game knb?

(Dapat ang sagot mo: GAME NA! *Itataas ang kanang kamay na prang sumusuntok sa ere*)

Simulan natin yan sa Crush. Crush crush crush.. PAGHANGA. Oo, ganun lang kasimple ang kahulugan nun sa tagalog. PAGHANGA. Eto yung bagay na nararanasan nang tao kapag may nagugustuhan sila. Nararamdaman nila na humahanga sila sa taong yun. Eto yung feeling na ang saya-saya kapag nakikita mo siya. Naa-amaze ka sa kanya. Napapa-wow ka sa ginagawa niya.. Eto yun ehh! Diba?

Usually elementary days pa lang nararanasan mo na yan. Lahat naman siguro tayo. Pero ikaw na lang ang gawin nating subject sa usapang ito. Nung elementary ka, sinong Crush mo? Tanda mo pa ba? Ayieeee... Ehemmm .. Ehemmm.. Sagutin mo muna yung tanong ko bago ka kiligin dyan. Wala pa nga ehh! Ano? Sino? Madami ba? Okay lang yannn.. Crush nga ehh! Pwede namang Crushes! Pwede kang mamili nang kahit sinong gusto mong hangaan. KAHIT SINO! Humahanga ka lang naman ehh..

Humahanga ka sa taong yun kasi... Kasi ano? Gwapo, maganda, matalino, sexy, macho, maporma. Magaling tumula, umawit, sumayaw at mag-gitara. Humahanga ka kasi lagi siyang nakakasagot sa Math. O kaya naman siya yung lagging tinatawag nang teacher niyo sa English. Humahanga ka kasi honor sya. O kaya naman ang galing niya magluto. Humahanga ka kasi ang bait nya, ang amo nang muka. Yung tipong walang gagawin masama. Kung minsan kahit badboy hinahangaan mo din. Gusto mo kapag maangas, malupet at sikat. Yung tipong sasabihin pa lang yung pangalan nya, iba na agad yung impression nila.

Yun lang naman ang definition nang crush diba? Kung di mo padin naiintindihan, eto yung tinatawag ding INFATUATION. English yan pero ganun padin yung kahulugan. Ang Ma-ATTRACT. Simple lang naman ang kahulugan ng Crush. Ang humanga.. Humanga ka lang nang humanga.. Humanga ka sa ugali, sa mukha, sa talent, kahit ano pa yan, walang pakelamanan! Humahanga ka lang nang humahanga.. Its either LUMALA. O kaya naman bigla kang MAGSAWA. Compliment ba sayo kung ang nararamdaman mong crush sa kanya ay lumala? Okay ba sayo yun!? Ehh pano kung magsawa ka na lang, ayaw mo din ba nun? Mas okay nga yun diba? Atleast wala na.. Tapos ang usapan. THE END!

Ehh pano nga kasi kung lumala? Sasabihin mo sakin na maganda kasi atleast mas masaya ka sa nararamdaman mo. Masaya nga ba? Okay lang ba sayo na ganun? Hindi ba mas okay at MAS MASAYA kung mutual ang nararamdaman nyo sa isa't-sa. Diba mas masaya kung crush ka din ng crush mo? Kaya nga nauso yung gawa ni Ramon Bautista ehh.. Na Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo? Bakit nga ba? Aware kaba dun?

Hindi ko na sasabihin at ieelaborate pa kung pano ka magiging crush nang crush mo. Dapat hindi lang puro landi, gamiten mo din yung utak mo para malaman at matuklasan ang sagot sa tanong mong yan! Bakit hindi ka crush nang crush mo? Simple lang.. Kasi wala siyang nakikitang KAHANGA-HANGA SAYO! Oo. WALA! Sad nu? So alam mo na kung pano gagawin mo ha pag nakita mo si crush? Pakitang gilas ka sa mga bagay na gusto nya at hinahangaan nya. Wag lang yung magmumukang TANGA Okie?

Ang nakakalungkot lang, bakit ganun? Nowadays, many teenagers were heart broken because of it. Yes! Crush pa lang nabbroken hearted na! Imagine that?! So pathetic! Tapos ang mas yuck pa dun, yung sasabihin nilang love na yung nararamdaman nila. Ikaw Gawain mo din yan dba? Yung may caption ka pa sa facebook mo na BHOSXZ MHAPAGMAHAL, ICKAO LHARN SXZAPHAT NUAH! ZHOLIDOH VHENTEH UNOH! Haha. Korni.. Pero sige.. Normal yan! Oo normal yan.. Lalo na sa mga batang nagbibinata at nagdadalaga. Hanggang sa tubuan kna lang nang buhok sa kahit saang parte nang katawan mo, tsaka mo lang marerealize na hindi pa nga love yun. Crush pa lang..

So kelan ba dumarating sa puntong Love na yang nararamdaman mo? Kelan mob a masasabi sa kaibigan mo na "Ohh yes! Im INLOVE.. Deeply INLOVE!" Ang baduy diba? Ehh ganun talaga.. LOVE nga ehh..

Pag dumating na si LOVE sa buhay mo. Lahat nang kabaduyan sa bibig mo lalabas. Lahat nang kakornihan na tinatawanan mo lang dati sa mga barkada mo, magagawa mo na. Pero syempre, minsan kasi inaakala nating Love na kahit crush pa lang. Kaya di parin yun ang full definition nang LOVE. Mahirap kasi iexplain ang LOVE. Napakadaming proseso. Napakadaming sangay. Para yang SCIENCE, ang daming branches. Kung may course lang talaga tungkol sa love, baka isa ako sa mga kumuha nyan para maipaliwanag sayo nang mas bonggang bongga at mas klaro.

Love is PAGMAMAHAL. Tandang tanda ko yan lagi ang nilalagay pag sulatan sa Slum Book. Elementary and High School Days? Yahh! But guess what? Nakakita din ako nang Slum Book during my College Days. Ohh lupet diba? Kalandian ang pinagaaralan! Okay so at this point, you will be my subject again. Natatandaan mob a kung sinong First Love mo? Eh hang Last Love? Meron ba nun? Sino ba ang first Love mo? Except sa family and friends. Pano mo nasabing love na nga yun? Nakita mob a si kupido na pinana ka? And then BOOOOM! Suddenly its magic! Ganun ba?

Pag nagmahal ka, sobrang lalim mo nang tao. Tipong nagagawa mo na yung mga effort na hindi mo akalain. Yung tipong Ohh really? Is this me? Tipong of all this time, bakit ngayon pa? Of all other people, bakit siya pa? Yung kaya mo nang ilaan ang buong araw mo sakanya. Yung kaya mo nang magsakripisyo para lang sa kanya. Yung tipong kaya mo ibigay lahat wag lang siya mawala. Yung tipong kaya mong masaktan wag lang siya ang makita mong nasasaktan. Ganun ang feeling PAG INLOVE.

Sabi nila may spark daw kapag inlove. Tipong dinikit ka sa poste nang Meralco tapos magkikislapan yung kuryente. Haha. Di man literal pero ganun kalakas! Yung koneksyon kapag nakikita mo siya, hinahawakan, niyayakap at kung anu pa man. Yung tipong hindi mo din sukat akalain na mabibigay mo na yung LAHAT sa kanya. Yung hiyas na pinagkatago-tago mo. Yung sandata na ikaw lang dati ang nagpapatalas. Berde na kung berde pero totoo! Kumpleto na naman buhok mo sa katawan kaya wala nang paligoy-ligoy..

Pero yun nga ang usapan pagdating sa LOVE. Lahat nang IMPOSIBLE, nagiging POSIBLE. Bakit? Kasi gingawa mo lahat ehh. Hindi lang para sumaya siya, kundi para sumaya ka din. Oo! Mutual yung award na natatangap pag ginagawa mo yun. Pero ang tanong, mutual ba yung feelings? Katulad nang sinabi ko kanina, kung nakita mong pinana ka ni Kupido para sa kanya, nakita mo bang pinana ni kupido ang puso niya para sayo?

Yun yung masakit sa LOVE. Yung ginawa mo na lahat pero di padin sapat. Dyan ka mabroken hearted. Hind yung Crush lang nabbroken hearted na. Yung puro ka na lang Give, wala ka namang nate-take sa kanya. Pero ganun naman talaga ang Love. Dapat give ka lang nang give. Don't expect that he or she will give you back. Kung nag-give back edi Thank you. Kung hindi, mag-Thank you padin. Bakit? Kasi by that time, you will LEARN. Sa lahat nang pagkakamali, natututo tayo. Kaya okay lang yan..

Kasi ang love, darating na lang yan nang di mo inaasahan. Kaya hindi ka handa sa bawat ginagawa mo.. Oo, magiging aware ka dahil nasaktan ka na dati at alam mong may chance ulit na masaktan ka ngayon, pero hindi mo naman alam ang eksaktong mangyayari kaya mahirap padin. Sa tingen mob a yung nangyari sayo dati, ganung-ganun padin sa susunod na panahon? Like hello! Ibang tao po yan! Ibang araw, ibang panahon.. Ibang lugar.. We cant predict the future..

Kapag nasaktan ka, edi masasaktan. Let the wound heal. Dahan-dahan lang. Wala namang sugat na hindi naghihilom. Pero hindi naman ibig sabihin na nasaktan ka, ehh magpapakamnhid at lulubusin mo na.. No! Ipagpasalamat mo na lang! REMEMBER: Laging may mas magandang pagkakataong naghihintay!

Masyadong makahulugan ang LOVE. Higit pasa tagalog nang pagmamahal. Masyadong malawak. Depende sa opinion mo, niya at nang taong naniniwala dito..

Basta eto lang yan..

ANG CRUSH parang lotto, pwede kang mamili nang madaming numbers. Depende sa trip mo!

At...

Ang LOVE parang Lotto, madaming tumataya paero bihira ang nakaka-JACKPOT..

Gets mo na? kung hindi padin.. Di ko na kasalanan yan!

Basta ako nasabi ko na.. Yun na! J

Pwede Pero DependeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon