Ika-12 na Kabanata

25 0 1
                                    


"Ate...ate...ate...gising ka ate," yinugyug ni Lala yung likuran ko. Binuksan ko yung mata ko, halos wala ng tao sa papag na pinagtulugan namin.


"Ate umuwi na si Kuya....um...Papa Tim, kanina, sabi niya tatawag daw siya sa yo,"

"Ano oras na!"bigla ako bumangon, tapos nauntog yung ulo ko sa kahoy na bubong. "Owww," sabi ko habang hinimas yung ulo ko.


"Late ka na ate, 7:30 na,"


"Late na ako sa school, sheesh, asar naman," sigaw ko habang dali daling bumaba at naligo at kumain at nagbihis. After 15 min, okay na ako bilis ko noh?


Nagpara ako ng taxi tapos ayan nakarating din ako. Sa kasamaang palad, ako ay 30 minutes late na. Fudge! Darn it! Malas naman oh!


"San ka nanggaling?" tanong ni Herve habang lumapit sa akin. Tapos na yung first subject, di ko na pinasukan, late lang naman din ako eh.


"ah..eh.." ano nga ba pwede kong rason sa mokong na ito?


"Okay cla-" biglang naputol yung sasabihin nung teacher nang biglang magsalita si Timothy


"Ma'am pwede mo po ba kami iexcuse ni Jemimah mamaya, pakisabi na lang din sa principal, may kailangan kaming puntahan eh,"


"Teka Tim-"


"Ma'am?"

"Okay sige Timothy, ako na magsasabi sa principal" sabi nung teacher.


Ako?


Nga-nga..


Tae...pinakamatigas na tae..


"Anong meron?" biglang bulungan nung mga kaklase ko. Pati si Herve iba yung tingin sa akin. Aish... Issue nanaman ituu..bigtii naaa...


After 12345678910


"Jemimah, tara na, maglilipat na kayo ng mga kapatid mo sa condo," nagulat ako, agad-agad? Tas biglang nagbulungan mga kaklase ko.


"Condo daw oh,"

"Nagtatanan sila?"

"Ewww..bakit pa si Jemimah,"

Nakakainis na ah, ayaw nila manahimik. Mga chismoso at chismosang palaka ng eskwelahan na ito. Wala na nga ako ginagawang kababalaghan tas ganyan pa sasabihin nila.


Hinila na lang bigla ni Tim kamay ko bago ako makapag-salita.


"T-teka Tim, san mo ako dadalhin? May klase pa ah." Sabi ko habang naglalakad at sinusubukang tanggalin yung pagkakahawan ni Tim sa kamay ko. "Tim ano ba,"


"Will you just shut up?" sabi niya na naiirita.


"Eh, may-"


"Ano ba gusto mo gawin ko para tumahimik ka? Gusto mo mahalikan?" sabi niya sabay harap sakin.


"Ops! Oo na po sasama na okay? Ayan na sasama na," sabi ko.

Nakarating kami sa condo na paglilipatan naming. Halos andun na lahat ng gamit ng mga kapatid ko tas may mga paperbags na madami.


"Ate!" sigaw ng mga kapatid ko. Bago lahat ng suot nilang damit.


"Did you like it?" bulong ni Timothy.


"Ha? Eh...Tim sobra naman yata tong ginagawa mo," nanahimik siya ng ilang Segundo at ang sumunod niyang sinabi ay hindi ko talaga inaasahan.


"Nope, hindi yan sobra. It's all for you Jemimah,"


DI NANAMAN AKO MAKAKATULOG NETOOOOO...

Sikretong MalupetOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz