Ika-walong kabanata: Ang tatay niyang cool

38 1 0
                                    

                Tatlong linggo na ang nakalipas pero wala pa rin kaming kibuan ni Tim, pag inuutusan naman niya ako, gagawin ko lang nang hindi nagsasalita o nangu-ngulit. Wala na rin kaming away at bangayan. Nakahalata nga yung papa niya eh pero ang lagi kong rason, eh may problema siya.

                “Ahm, sir, pwede po ba magrequest?” sabi ko sa tatay ni Tim, ngayon lang ako maka-tiyempo, kakauwi lang kasi ni Sir na galing France last week. May business ulit na inasikaso doon.

                “Ano yun Jemimah?” tanong niya.

                “Pwede po bang humingi ng kahit 1 week po na vacation magsimula po bukas, gusto ko po sana bisitahin yung mga kapatid ko po eh, at bisitahin si mama,” grabe katapang ko naman humingi ng favour.

                “Sure, since matagal mo na rin naman silang hindi nakikita, pero 1 week lang ha?”

                The heck ang saya ko sa mga narinig ko, “Opo sir! Thank you po! Thank you!”

                Saka masayang umalis ako sa office. Dire-diretso agad ako sa kwarto ko sabay kuha ng malaking bag at nag-ayos ng mga damit.

                “And where do you think you’re going?” biglang sulpot ni bakulaw, naka sandal siya sa may gilid ng pintuan. Wow, after 300000000000 centuries bigla ako kinausap. “May klase pa bukas, and to think na aalis ka?”

                “Tsk, wala ka na paki dun, tsupi tsupi, nag-aayos ako ng gamit,” sabi ko na lang.

                “I said, where do you think you’re going?” bigla niyang tinaasan boses niya tapos hinawakan yung wrist ko ng mahigpit. “Hindi ka aalis at bawal ka umalis! Sino na lang magiging maid ko ngayon?”

                “Tsk, bitawan mo ako, ano ba!” sabi ko sa kanya, “Si ma’am Erlinda na ang mag-aalaga sa iyo! Iiwan na kita! Ayaw ko na mag-alaga ng isang spoiled brat na tulad mo! Isang tao na ayaw mag-move on at pilit isinisiksik ang sarili sa taong ayaw sa kanya!”

                Natahimik siya bigla, may point naman ako eh, tss yan kasi mananakit pa.

                Nung na ayos ko na yung mga gamit ko, sabi ko “Sorry aalis na ako, nag-paalam na ako sa tatay mo,”

                Pagkalabas ko sa kwarto, saka ako tumawa ng mahina, “Tae ang galing ko umakting,” bulong ko sa sarili ko.

Unknown Person’s P.O.V.

                Natulala lang si Tim sa narinig niya. Mga ilang minuto din siyang hindi kumibo. Tapos naalala niya si dad niya. Lumabas siya ng kwarto ni Jemimah saka tumakbo sa office ng dad niya.

                “Hi son!” bati ng tatay niya habang naka-tingin sa kanyang anak na hinihingal.

                “Don’t hi me tanda! Ba’t aalis si Jemimah? Hindi man lang ako nasabihan? What is wrong with you people? Hiding things!” sabi niya habang nakakuyom yung mga kamao niya,

                Napangiti yung tatay niya sa kalooblooban nito. Sasakyan muna niya itong pag-iinarte ng anak niya hanggang malaman niya ang totoong nararamdaman nito.

                “Why are you mad? Since hindi ko na nakikitang nag-uusap kayo, what’s the point of letting her stay here?”

                “What!? What kind of reason is that!? Did you even ask me if I wanted her to leave?” sigaw ni Tim sa kanyang ama na natutuwa sa ekspresyon ng anak. “Oo hindi kami nag-usap ng ilang araw—“

                “Linggo,” pag-tatama ng tatay niya.

                “Fine, basta, ako ang may kasalanan hindi siya,” sigaw ni Tim

                “So what do you want?” tanong ng tatay nito

                “I want her back,” sabi ni Tim ng may matigas ng boses. Hindi na napigilan ng tatay niya ang kinikimkim na kasiyahan. Tumawa ang tatay ni Tim.

                “What’s funny old hag?”

                “Congratulations son! I am so proud of you!” sabi nung tatay niya.

                “What?”

                “Nagbakasyon lang si Jemimah, babalik din siya after a week, oh, that was sweet son, para sa iyo, hindi ko siya tatanggalin sa trabaho,”

                “Damn you Old man!” sigaw ni Tim sa tatay sabay labas sa opisina.

                “This is getting quite interesting,” bulong ng tatay niya sa sarili sabay ngiti ng napaka-pilyo.

Sikretong MalupetWhere stories live. Discover now