Ikalawang Kabanata: Kwento ko, Kwento niya, Kwento naming dalawa :3

83 2 0
                                    

Siguro gusto niyo malaman ang buong kwento namin noh? Sure, nagsimula ang lahat lahat noong bata palang kami….

Eight years old ako nang namatay si mama, ibinilin sa akin ni mama na pumunta ako sa pinagtratrabahuan niya. Pumunta ako sa bahay na tinukoy ni mama. Noon una ayaw nila ako papasukin dahil gusgusing bata ako. Pumunta ako sa head ng mga katulong ng bahay.

                “Ikaw ang anak ni Rosalie?” tanong niya, tumango lang ako noon. “Ikaw ang papalit sa kanya sa kanyang pag-aalaga sa prinsipe, at magsisimula ang pagsasanay mo bukas. Maliwanag?”

                Tumango ulit ako. Takot ako magsalita at ayaw ko magsalita.

                Ihinampas ng boss ng nanay ko yung kamay niya sa lamesa at sumigaw, “Kung sasagot ka, hindi puros tango. Dapat ‘yes ma’am at yes sir’ ang isasagot mo. Iyan ang unang leksyon mo. Maliwanag?”

                “Y-y-yes ma’am” sabi ko na takot na takot. Sa murang edad ko ba naman kasi na walo eh sisigawan ako ng biglaan.

                “Erlinda, wag ka masyadong maging mahigpit sa bata, kamamatay lamang ng kanyang ina,” sabi ng isang napakatangkad na lalaki. Siya ata ang hari o mas kilala bilang pinakamayamang tao sa buong mundo, nakita ko na siya sa mga newspaper at mga palabas sa tv. “Halika, ipupunta kita sa anak ko,”

                Humawak ako sa kamay niya at tumungo kami sa kwarto na sobrang lawak. Unang tingin ko palang eh lumaki na agad ang mata ko. “Tim! Andito na ang bago mong kalaro,” sabi ng lalaki.

                Lumabas mula sa kabilang kwarto sa loob ng kwarto ang isang batang lalaki na mukhang mas matanda sa akin. “Tim, eto si ….ah…eh..anu ulit pangalan mo iha?”

                “Jemimah po,” sabi ko ng mahina. Tinigtignan ako nung batang lalaki ng masama.

                “Papa, bakit ang pangit po niya? At ang baho-baho niya?” sabi niya sa tatay niya.

                “Hoy, bata ka, hindi ako mabaho, sadyang nadumihan lang ako, at isa pa hindi ako pangit kaya wag kang maka-sabi ng pangit diyan,” oops… bata palang ako marunong na akong dumaldal noh.

                Nagulat silang dalawa sa naging asal ko. Tumahimik si Tim, tapos tumawa ng malakas yung tatay niya. “Maganda iyan Jem, napapatahimik mo pala ang walang galang na anak kong ito, you are officially hired.”

                “Huh?” ang tangi ko lang nasabi, hindi ko siya naintindihan eh. Ingles ata ang ginamit.

                “Maiwan ko na kayong dalawa, at magpakilala na kayo sa isat-isa,” sabi ng papa ni Tim habang papalabaas sa pintuan niya.

***

12 years old na ako at 13 na si Timothy

                “Sir Timothy! Sir Timothy! Maligo ka na ho, mainit na yung paligo ninyo!” sabi ng isang yaya pero si Timothy ayaw pumalag, takbo parin ng takbo.

                “Timothy!” sigaw ko ng malakas. Nakakaasar eh. “Tumino ka nga mas matanda ka sa akin pero asal bata ka parin!”

                “Wala kang pakiealam MAID!” sabi niya

                “Ah ganon? Eh ikaw baby damulag? Mas pangit pakinggan iyon diba?” biro ko, tumigil siya sa pagtakbo, “baby damulag! Baby damulag!” sabi ko habang inaasar siya. Nagulat lahat ng mga yaya niya sa ginawa ko.

Sikretong MalupetWhere stories live. Discover now