Ika-siyam na Kabanata: Huli ka!

38 0 0
                                    

Still Unknown Person’s P.O.V.

                Napa-mura ng di oras si Timothy. Linoko siya ng tatay niya, pati si Jemimah linoko siya. Nasa kwarto siya ngayon at naglalakad ng pabalik-balik.

                “Tsk, damn them,”  bulong niya.              

                Biglang naka-isip ng paraan si Timothy at agad siyang kumuha ng jacket na may hood at lumabas ng mansyon. Gusto sana niyang puntahan si Jemimah, kaso hindi nito alam ang pupuntahan. Babalik na sana siya sa mansyon ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. May nagmessage sa kanya.

From: Old Hag

Subject:  Good luck son!

To: Timothy Handsome

Message:

Hi son! I just thought that maybe you needed some info about your girl. Here’s her address. You can use the car. (House No., Barangay,)

P.S.

Wag kang magpapagabi baka may mangyari.. *insert evil laughter*

                Sinara ni Timothy cellphone niya. Inis na inis siya sa tatay niya dahil pinagloloko siya. Pati si Jemimah, linoko siya. Napailing nalang siya saka ngumiti. After all hindi aalis si Jemimah sa tabi niya.

                Kumunot bigla yung noo niya, “The heck ano ba pinagsasabi mo ha utak?” bulong niya sa sarili. Huminga siya ng malalim saka binuksan ulit ang phone niya, he went inside the mansion para kunin ang kanilang kotse.

***

                Nasa harap na siya ng bahay nila Jemimah, pero hindi niya inaasahan na ganito ang hitsura. Pinagtitinginan siya ng mga tao, dahil syempre, hindi din nila inaasahan na may  mayaman na taong paparada ng kotse niya sa harap ng isang bahay na pinagtagpi-tagpi na yero at plywood.

                Mas lalo siyang nagulat ng lumabas si Jemimah kasama ang anim pa niyang mga kapatid. Pito sila pero iniwan na sila ng mga magulang nila, naramdaman naman ni Timothy ang awa para sa kanila. Masaya yung mukha ni Jemimah, na para bang walang problema.

                “Ate! May kotse oh! Ang ganda!” sabi nung kapatid niya na mga anim na taong gulang.

                Tumingin si Jemimah sa kinaroroonan ni Timothy, agad naman nitong ibinaling ang atensyon sa harap. Ramdam ni Timothy na papalapit na si Jemimah sa kotse.

                “Hoy, Timothy buksan mo nga, nagtatago ka pa eh obvious namang ikaw iyan,”  binuksan ni Timothy ang bintana ng kotse. “Tignan mo tong sticker sa kotse mo,”

                Lumabas si Timothy at biglang nag-init yung mukha niya dahil sa sobrang galit. Napamura nanaman siya ng mahina.

                Ang nakalagay na sticker ay:

TIMOTHY REALONDA OWNS THIS CAR

Meanwhile sa mansyon ng Realonda…

                “Ahahahhahahhahah” tawa ni Matthew Realonda, ang tatay ni Timothy Realonda. “I’m so witty, ahahaha I bet he’s bursting with anger right at this moment,”

                “Sir, medyo nakokonsensya nga po ako eh,” sabi ni Mark, isang trabahador ng mansyon nila. Siya kasi yung inutusan na magdikit ng sticker.

                “No, don’t be, aakuin ko naman ang kasalanan. But I bet he is really bursting with anger na, he is my son, I know him very well”

                “Sir, bigla po pala tumawag si Ma’am Hannah, tinatanong po kung kailan kayo pwede maka-usap,” singit bigla nung secretary niya

                Biglang nagdilim ang paningin ni Matthew, “don’t dare to mention that name again!” pagbabanta niya sa sekretarya niya. He hates her, he really does hate her. The reason why Timothy’s mom died was because of her.

Sikretong MalupetWhere stories live. Discover now