Ika-sampung Kabanata: Kabog ng dibdib

63 2 0
                                    

Balik tayo sa P.O.V. ni Jemimah

Tae, ang awkward ng atmosphere ngayon. Ang sikip na nga ng bahay tapos dumagdag pa itong kumag na ito. Tsk. Nakakasuffocate.

"Kuya sa iyo po ba yung kotse sa harap?" Tanong ni Lala yung bunso kong kapatid, limang taong gulang.

"Ah, oo," ngiti naman na sagot ni Tim. Tsk. Mukha tuloy abnoy yung kapatid ko.

"Kuya, naliligo ka ba lagi? Ang bango mo po eh," biglang sabi ni Angel ang isa ko pang kapatid na susunod kay Lala, pitong taong gulang.

"Ah eh.."

At bago pa man makasagot si Tim sumabat si Eric, ang susunod kay Angel, walong taong gulang "Kuya kayo ba ng ate ko?"

"Eric!" sabat ko.

Tumawa lang ng malakas si Tim. Inirapan ko lang siya.

"Eh kuya, hindi naman po siguro naglalandi ang ate ko?" at dinagdagan pa ng mokong na si Karlo ang pang-anim kong kapatid, susunod sa akin. Kinse anyos.

"Karlo, yang bibig mo!" pagkokontra ko.

Lalong lumakas yung tawa ni Tim. Tsk nakakhiya ish. Mga kapatid ko talaga kahit kalian hindi marunong tumikom ng bibig.

"Kuya Karlo, patulong naman oh," si Anna, ang pinaka-mabait sa amin pang apat, siyam na taong gulang, laging nag-aaral. "Ah, hello po pala kuya," sabi ni Anna saka nakipag-kamayan.

"Helloooooo! I'm back!!" At kilala ko na ang boses na kakapasok sa yerong pintuan namin. Si Shara, ang pinaka pasaway sa amin, pang-lima siya katorse ang taon. Lagi siya nag-iingles dahil sa mga kaklase niyang maarte.

"Oh, ate, nagbalik ka na? Asus nagdala ka pa talaga ng syota mo, ano to nagtanan kayo?" sabi niya sabay hagis ng kanyang sapatos kung saan-saan.

"Shara yang bibig mo, guguntingin ko na!" sabi ni Karlo.

"Psh, siya nga pala kanino yung magandang kotse sa labas?" tanong niya, pero iniiwasan pa rin ako at si Tim.

"Ate, kay kuya Tim yun, mayaman siya, anak siya nung amo ni ate," sabi ni Lala.

Tinignan ako ni Shara na nakakunot ang kilay, saka sinabi ng mapait, "Ganito ka na siguro kadesperada ate at pati anak na amo mo eh linalandi mo"sabi niya. Kinuyom ko ng palihim ang kamay ko, tsk kung di ko lang to kapatid malamang duguan na 'to ngayon. Uminom na lang ako ng tubig para maibsan ang aking galit. Naks.

"Kids! Lalabas tayo ngayon!" biglang sabi ni Timothy.

"Timothy!" pagkontra ko pero inirapan lang ako. Biruin mo yun lalaki iniirapan ako?

"Maghahanap tayo ng bahay!"

Muntik na akong malunod sa tubig na iniinom ko, "Tim! Seryoso ka? As in? Sure talaga?"

"Wag ka na nga makulit," sabi niya, saka tumingin sa mga bata na lubos na masaya, "Dali sakay na kayo sa kotse,"

"Yehey!" sabi nung apat na bunso.

Lumabas sila ng bahay saka tumungo agad sa kotse. Sinundan ko naman si Tim na masayang lumabas sa maliit kong bahay.

"Tim, sure ka ba?" tanong ko ulit sa kanya haban inaayos ko yung seatbelt ko,"

"Bingi ka ba Jemimah? Tsk sabi kong okay lang eh, at tinexan ko na si Tanda, and pumayag din si Old hag,"

Old hag? Tanda? Sino naman yun?

"Si dad," sabi ni Tim na para bang nabasa ang laman ng utak ko. Hinagis niya ang cellphone niya na nakabukas ang message ng tatay niya na "Ok son! Sure!"

"P-pero, makakgastos ka ng milyon pag bahay!"

"Okay sige condo na lang," sabi niya sabay nagdrive.

Ako: Facepalm -__-

***

Buong araw kami nag-hanap ng condo, mga hapon na kaming natapos. At saw akas nakahanap rin kami ng condo na kakasya ang mga bata, sa kasamaang palad, pag-aari ito nila Tim kaya naka-tawad siya ng malaki. Biruin mo, 1K per month lang.

Chuma-charity work din pala tong alien na ito, hay mas lalo tuloy ako nahuhulog.

AAAAAH! Ano ba! Erase! Erase! Ish.

Pinasyal din pala niya yung mga bata at pinakain sila sa Jollibee, masyado na siyang attach sa mga kapatid ko. Si Shara naman ganun parin, maarte at nang-hingi rin ng pera kay Tim ng walang hiya. Sasabatan ko sana pero itong si Tim naku, masayadong generous, binigyan ng limang libo.

Pauwi na kami ngayon at dead bat na ang mga bata, tulog na halos silang lahat, nasa tabi ako na upuan ng driver's seat.

"Tim salamat ha," sabi ko sa kanya ng mahina.

"Ha? Ano?" sabi niya,

"Sabi ko Thank you," mahina na tugon ko.

"Ano!?" tanong niya ulit.

"Thank you kako!" sigaw ko sa tenga niya.

"Oo na sorry," sabi niya sabay tawa. Nakarating na pala kami at tulog pa rin silang lahat, si Shara na ang unang lumabas at pumasok sa bahay. "Wake up sleepy heads! Andito na tayo,"

Pinagbuksan ni Tim ang mga bata ng pintuan. Pumasok silang lahat except si Lala, kasi bigla niyang yinakap si Tim sa paa.

"Kuya,tulog ka nalang dito"

"Lala," sabi ko sabay lumuhod para mapantayan ko siya, "Uuwi na si Kuya Tim, hinahanap na siya ng tatay niya,"

"P-pero," aakmang iiyak na si Lala.

"Lala!" pagbabanta ko,

"Kuyaaa" mas humigpit yung kapit niya sa paa ni Tim.

"Osige, dito na ako matutulog, pero maliligo ka, promise mo ha" sabi ni Tim habang binuhat si Lala 'saka inamoy amoy.

"Tim ano ka ba! Ui! Ibaba mo siya, mabaho iyan, nakakahiya, at isa pa baka hanapin ka na ng tatay mo,"

Bigla niya pinakita yung cellphone niya na may nakalagay na "MESSAGE SENT", "Natexan ko na si tanda, oh, matutulog na ako dito ha?" sabi niya sabay punta sa loob habang hinahagis si Lala sa ere.

Napangiti lang ako ng lihim.

Itong dibdib ko lumalakas tuloy ang kabog. Tsk.

Sikretong MalupetWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu