Ika-anim na kabanata: Promise Tim..

38 1 0
                                    

Fudge! Ba’t di ako makabangon. Ambigaaaat ng katawan koo! Heck! Nagring na yung bell, hala si tsonggo tinatawag na ako. Waaaah! Nahihilo ako! Pinilit kong tumayo at maligo at pumunta sa kwarto ni tsonggo.

                “15 minutes late, minus fifteen thousand sa sweldo,” sabi niya pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Makikipagtalo na sana ako kung di lang sa lecheng trangkaso na to.

                “Magliligpit na po ako sir,” sabi ko kahit kita ko naman sa kwarto niya na walang maliligpit. Pero nagulat lang ako nung nakita ko yung boquet ng roses na nakalapag sa center piece ng kwarto niya, “Ano okasyon at may bulaklak kayo sir?” tanong ko sa kanya ng mahina.

                “Ah, birthday ni Elizabeth, gusto ko sana surpresahin,”  sabi niya habang nakatingin at nagtetext sa cellphone niya.

                “Ah…” sabi ko. Natapos ko na magwalis kaya punta na ako school, kaso kaya ko kaya? “Sir mauna na po ako sa school,”

                “Saglit lang, kasama ka sa mga magsosorpresa sa kanya ha,” sabi niya. “Mamayang lunch punta ka sa cafeteria,”

                “Ah sige” ang sabi ko nalang, wala rin naman ako ganang kumontra kaya gora na lang.

                Pagkalabas ko sa gate andun na si Herve, alam na alam niya talaga oras ng pagpasok ko at pag-uwi ko. Alam rin naman ng buong school na nakatira ako kila Tim at maid ako at iskolar na rin. Pero lagi nanga-nganib buhay ko pag masyado ako close kay Tim.

                “Oh, Herve, andito ka?”

                “Ay wala, anino ko to, anino” pagbibiro niya, “teka may sakit ka ba? Medyo matamlay yang mukha mo ah,” pinakiramdaman niya yung noo at leeg ko.

                “Hala wala, jusko, pagod lang at nagblower ako kanina eh,”

                “Teka mataas lagnat mo ah!”

                “OA ka naman, sabi ko sa iyo blower lang yan, okay na rin ako maya-maya,” sabat ko sa kanya.

                “Sure ka ah?”

                “Yeap sure na sure,”

                At buong kalahating araw eh hindi ako makapag-concentrate sa school. Nahihilo ako at nasusuka, tinatakasan ko nga si Herve pag magsusuka ako eh, tiyak papauwiin niya ako. Dumating na ang lunch at hindi na ako makatayo sa upuan, kahit kailangan ko pumunta sa surpresa ni Tim para kay Elizabeth, pero shocks. Hindi ko kaya tumayo at hindi ko kaya masaktan.

                Nagring yung cellphone ko.

Ako: Hello?

Siya: Asan ka na? Yung surprise ko remember?

Ako: ah papunta na sir

Siya: dalian mo

Ako: basta sir pag di ako natuloy o nalate ako gora parin

Siya: Whatever

                Saka pinatay yung phone. Asar ka na Timothy ka! Ish, pinilit kong tumayo, nasa may hallway na ako malapit sa canteen ng biglang nangingitim na yung paningin ko. Sheesh. Rinig ko na ang harana at kantsawan. Tae, mahihimatay na ako.

                Then…black nalang nakita ko.

                ***

                May malay na ako pero hindi ko parin kaya buksan yung mata ko. Narinig ko lang yung pagbukas ng pinto at pagsigaw ni Timothy.

                “Maid! Bakit hindi ka sumul…pot” nag-fade yung boses niya.

                “Sa susunod pwedeng alagaan mo naman si Jemimah, hindi mo man lang napansin na may sakit tong taong nag-aalaga sa iyo,” tekaa… si Herve yun ah. Asan ba ako? Asa mansyon na ba ako ulit? Sheesh. Ayaw magbukas nung mata ko.

                “Sorry,” rinig ko na sabi ni Tim, sincere ito at full of regret.

                “Sige bro, uwi na ako, alagaan mo siya, importante siya sa akin,” sabi ni Herve. Nagulat ako, the heck ano ibig sabihin niya dun?

                Naramdaman yung pag-upo ni Tim sa kama. “Sorry, hindi ko alam eh, masyado lang ako masaya kasi kaya nakalimutan kita. Sorry, rin kung nasigawan kita, siya nga pala, nakipag-hiwalay si Elizabeth sakin on the spot kanina. Biruin mo yun,” huminto siya magsalita, pero rinig ko yung hikbi niya, “dinump niya ako sa harap ng maraming tao para lang kay Xander,”

                Tekaa…si Xander yung prince ng school namin, mas sumikat lang naman yun dahil basketball player, tss..kung marunong siguro si Tim eh baka matalo niya yung pangit na yun. Sabi ko na nga ba na nasa loob ang kulo nung babaeng yun. Talagang ipagpalit pa si Tim sa mas mukhang tsonggo.

               “Ang sakit talaga, akala ko siya na eh. Langya ang gay man pakinggan pero nabiktima na ako ng FOREVER na yan. Hay, bat ba kasi si Xander, nagtotop naman ako sa school eh. Ang pinag-kaiba lang namin eh hindi ako basketball player, at sporty, at maangas.” Hinawakan niya yung kamay ko kaya tuloy napamulat ako ng mata bigla niyang binitawan.

                “ANO SABI MO! PINAGPALIT KA NI ELIZABETH SA ISANG MATAPOBRENG BASKETBALL JERK?” sigaw ko, nagulat ata siya sa reaksyon ko kasi halos hindi maipinta yung mukha niya. “WALANG HIYANG BABAE, MAS PINILI ANG TSONGGO NA YUN KAYSA SA UNGGOY NA ALAGA KO? PORKET MARUNONG MAGBASKETBALL YUNG TAO DUN AGAD?”

                “Chill,” tawa ni Tim, “Wag masyado mainit baka mas lalo ka lagnatin, pinagpustahan lang naman ako eh, at isa pa spoiled ako at ano panlaban ko? Yaman lang naman,”

                “THE FUDGEE BAR TIMOTHY! MAS POGI KA SA BAKULAW NA YUN AT MAS HOT KA..ESTE…MAS COOL KA SA BASKETBALL PLAYER NA YUN. PAG NAKITA KO YUN BUKAS, UUWI YUN NG DUGUAN.”

                “Jemimah, shhh…grabe ka naman,” tawa niya, “Priceless ka maka-react, at isa pa masyado lang ako nabighani kay Elizabeth, nakalimutan ko na siya ung dakilang manloloko ng school,”

                “Pero okay ka lang ba Tim?” tanong ko, nawala yung ngiti sa labi niya. Di ko napigilan yung sarili ko at hinagkan ko na lang siya ng mahigpit. “Sige lang, iiyak mo lang, ilabas mo lang” sabi ko.

                Amazingly, umiyak si Tim pero mahina lang. Ramdam ko yung sakit sa iyak niya at mas lalo na pag humihigpit yung yakap nya sa akin.

                Promise Tim….

                I’ll protect you with all my heart…

Sikretong MalupetWhere stories live. Discover now