Chapter 5:Nahulog ako Bigla

50 2 0
                                    

Chapter 5

                “Jemimah?”

                “Herve?” ah classmate ko lang pala. “Ikaw lang pala, akala ko kung sino na,”

                “Dito ka dumadaan pauwi?” tanong niya, “Sabay nalang tayo, hatid narin kita,”

                “Sige salamat,” sabi ko naman.

                At dito nagsimula ang friendship namin ng crush ko. Oh diba? Bongga? Lagi kami umuuwi ng sabay at lahat lahat. Crush ko si Herve kasi sobrang talino niya, pero hindi siya nerd manamit. Mabait din siya kasi hindi siya umaalis sa harap ng gate ng mansyon nila tsonggo hannggat di ako nakakapasok. Aww sweet diba? Hindi tulad nung unggoy na yun, lagi na lang ako nilalait at minsan no pansin.

                “Sino naman yung kasabay mong lalaki kanina?” tanong ni gurang bigla habang nag-aayos ako. Aba’t after how many years, kinausap niya ako. Nasa kwarto niya ako at inaayos yung mga kalat niyang papel.

                “Ah, si Herve, yung classmate ko,” sabi ko.

                “Ah, ampangit naman niya,” sabi niya sa akin. Ay wow, nang-iinis talaga to ah. Kapal niyang sabihin yun ah.

                “Mas gwapo siya kaysa sayo noh?” sabi ko sa kanya. “Crush na crush ko nga siya eh, ikaw ah yang mukha mo parang ibinabad sa imburnal,”

                “Ano sabi mo?” sabi niya.

                “Ah…ang sabi ko yung mukha mo parang ibinabad sa imburnal in short pangit ka,” sagot ko ng may nakakalokong ngiti.

                “Ah so ganon?” sabi niya. Tapos bigla niya ko yinakap saka kiniliti sa tagiliran.

                “Timothy! Tama na! Hahahaha! Bitawan mo ako!” tawa ko. Patuloy parin siya sa pangingiliti sa akin. Tapos bigla kaming natumba. Nasa ibabaw niya ako. Lalayo na sana ako ng bigla niya hinawakan yung baywang ko.

                “Bawiin mo sinabi ko, sabihin mong gwapo ako,” sabi niya habang naka-titig ng diretso. Shet wag mo ako titigan ng ganyan, mas naiinlababu ako sayo eh.

                “ A-a-ayaw ko nga!” sabi ko sabay sampal at takbo papalayo sa kanya. “Mauna na ako,” sabi ko habang nakadumog.

                Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ish…namumula ako, ramdam ko yung pagtaas ng dugo ko. Nakakatakot, ish, may girlfriend na si Tim. Humarap ako sa salamin saka sinabi paulit-ulit na “may girlfriend na si Tim”

                Humiga ako sa kama sabay takip sa mukha. No doubt….

                In love ako kay tsonggo…

Sikretong MalupetWhere stories live. Discover now