Ikaapat na Kabanata: Ang Pinsan bow

58 2 1
                                    

Ako 17 na si Tim 18 na

                Gagraduate na si sir Timothy, international school kasi siya kaya iba ung takbo ng eskwelahan nila. Lagi parin niya akong tinuturuan pagkatapos ng pasok niya. Kaya lang the same parin ang pakikitungo naming sa isa’t-isa. Magaling na ako mag-ingles ngayon, dahil na rin siguro kay sir Timothy. Pero ung heart damage ko ata hindi parin magaling.

                “Timothy,” biglang tinawag si Timothy ng tatay niya. Asa kwarto naman niya ako noon at naglilinis siya naman nag-babasa.

                “Dad? Bakit?” tanong niya sa akin.

                “I have a surprise guest for you,” sabi ng papa niya. Well, nagets ko naman sinabi niya. Aba’t lumelevel-up na ako, magaling na ako. “Iha, andito siya,”

                “Tim?” may babaeng napakaganda at may mahabang buhok ang pumasok sa kwarto ni Timothy sabay yakap sa kanya ng mahigpit. “Waaah! Miss na kita! Ang laki-laki mo na”

                “hahha…sige maiwan ko muna kayo,”

                “Cass? Teka-teka andito ka sa Pinas? Kailan pa?” tanong ni Tim na gulat-na gulat

                “Just now, kararating ko lang actually, and I came straight here! Marry me now Tim! Marrigeable age na tayo ah!” sabi niya. Ay wow, so kasalan agad? Kakikita lang nila ah.

                “Cass, hindi pwede mag-memedisina pa ako, marami pa akong pangarap sa buhay ko,” sabi ni Tim, mah mautak tong alaga ko ha, “At isa pa, hindi kita gusto,”

                “Mean! Mean ka parin kahit kailan!” sabi ni Cass habang tumatayo ng maayos. Nakiki-Cass narin ako ah, kahit hindi kami close. Bigla niya ata ako nahalatang naglilinis. “At sino naman iyan? Oh…Maid mo?”

                “Ah, opo,” sabi ko.

                “Ba’t ikaw ang sumasagot? Hindi ikaw ang tinatanong ko?” sabi niya sa akin. Aysus, timpi-timpi nalang Jem, kaya mo yan! FIGHTING!

                “Cass, pwede ba, umuwi ka na sa inyo?”

                “Tim naman eh, let me stay here please?” sabi niya

                “Fine, I’ll call Erlinda, she will take you to your room.” Sabi ni Timothy, nag-pout lang si Cass.

***

                Binata na si Timothy, sabi ko sa inyo magkaka-lovelife din siya ng matino. Kaso hindi kay Cassandra kundi sa ibang girl. Si Cassandra eh pinsan lang niya at playmate niya. She always loves joking with Timothy. Ah, umuwi na pala siya sa Spain, dalawang araw lang pala dito sa Pinas akala ko forever na siya dito.

                Yung girlfriend ni Timothy ay si Elizabeth, classmate namin. Yeap you heard it right. Classmate NAMIN! Nag-aaral na ako noh. Gagraduate na ako ng hayskul next year. Accelerated ako, at mag-totop ako ngayon. Ish. Bunga lang naman ito ng sipag at tiyaga.

                Back to his girlfriend. So ayun nga, si Elizabeth ang pinaka-mabait at mahinhin na babae na kakilala ko. Complete opposite ko siya. Kaso may rumors na manloloko daw siya, oh well, rumors are rumors.

                Maganda rin siya, sexy,mabait,tahimik, at iba pa. Pero matalino siya tulad ko.

                “Sir, uuwi na ho ako,” pag-papaalam ko kay Tim. “May date pa ho kayo diba?”

                “Ah..okay sige ingat ka nalang,” sabi niya habang tumitingin sa cellphone niya, since nung nagkagirlfriend siya eh minsan ko nalang siya nakaka-away. Hindi narin kami masyado nag-uusap. Masakit kaya.

                Kami nalang nasa school, may tinapos kasi kaming project, at isa pa late na ako umuuwi. Lumabas na ako sa school. Naglalakad ako pauwi kasi mas maganda, nakakatipid ako. At medyo safe naman sa mga linalakaran ko.

                Hay, may girlfriend na si Tim, hindi na kami nag-uusap, hindi narin niya ako tinuturuan. Awtsuu.Teka ba’t ba ako affected? Hala! No way!

                “In love ka sa pinsan ko,” Waaah! Naalala ko nanaman ung sinabi ni Cassandra! Long story na yun, kaya ayaw ko na ulitin pa.

                Okay, uulitin ko na nga para sa inyo…

Flashback

                “Jemimah, pinapatawag ka ni ma’am Cassandra,” sabi bigla ng isang maid sa akin. Sabado nun kaya medyo free ako sa utos ni bakulaw. Pumunta na agad ako sa kwarto niya at kumatok.

                “Ma’am pinapatawag niyo daw po ako?”

                Walang sumagot…

                Silence…

                Let us all pray…

                Ayan bigla na rin nagbukas yung pintuan. Lumaki yung mata ko sa suot ni ma’am Cass. Naka sleeveless ‘tas walang bra ang loka, at naka-mini shorts. “Oh, here you are honey,” sabi niya sa akin saka hinila yung kamay ko.

                “Ah..ma’am ano…eh..” tapos pinaupo ako sa mini sofa niya.

                “Cut some slack will you? Hindi ka maid ngayon,at isa pa, marami akong gustong malaman tungkol sa pinsan ko,” she said sweetly.

                “T-tungkol saan naman po ma’am?” tanong ko

                “Oh please, quit addressing me as ‘ma’am’, just call me Cass,” sabi niya.

                “Pipe it down please!” biglang may nagsalita sa kama. Hullo, sino naman yun? Oh shoot! Lalaki! Tae, naka-istorbo ata ako. Hala, wrong timing, oh my gulay!

                “Get out of here Tim, go back to your room, tapos na ang oras natin,” sabi ni Cass

                T-tim????? Si Timothy andito sa kwarto at-at-at kasama si…. CASS!

                “Ugh, fine!,” sabi niya na parang nabitin sa tulog, hawak hawak niya yung unan niya na parang bata at hinila niya to saka umalis. Pshhhh di man lang ako pinansin, kaya pala wala akong natanggap na utos sa kanya kaninang umaga kasi nandito pala siya kay Cass. Tsss…

                “Hahahahahahahaha,” tumawa bigla si Cass, nagulat ako.

                “A-ano nakakatawa ma-ahm..Cass?” hay nakaka-ilang naman na tawagin yung amo mo sa kanyang pangalan.

                “Kasi, your reaction when you saw Tim was priceless!” tumawa ulit siya, then smirk, “You know what? I like you, I like you for Tim, so tell me, nakita mo na ba yung abs niya? Hot ba pinsan ko?” tanong niya na may sabik na sabik na mga mata.

                “Ah…eh…” nauutal ako, ish, oo nakita ko na kaso hindi matagal.

                “Hmmmm… In love ka sa pinsan ko noh?,”

END OF FLASHBACK

                “NO WAY!!!” sabi ko tuloy. Sana walang nakarinig.

                “Miss,” biglang may nagsalita sa likod ko. Mga gang ba ito? Patuloy lang ako sa paglalakad. “Miss, nahulog mo yung wallet mo,” sabi niya. Lumingon ako, at nagulat ako sa nakita ko.

another chapter... hihiihih :)

Sikretong MalupetWhere stories live. Discover now