Ikapitong Kabanata: Move on...

52 0 0
                                    

Tatlong araw na rin ang nakalipas matapos yung break up ni Tim sa ex nya, nagsubside na rin yung chismis na walang kwenta si Tim. Syempre umuwing duguan si Xander matapos ko kausapin, hahah de joke lang yun..

Sinigawan ko lang naman si Xander ng "Bro bukas zipper mo," at yun na ang bagong tawag sa kanya, "Zipper King,"

At si Elizabeth naman eh, siyempre nagkalat ako ng rumor na hindi na siya virgin at nagparetoke siya, mga ganun. Hay lumabas nanaman ang mala-aramalite kong ugali. Siyempre hanggang ngayon wala parin silang clue kung sino talaga ang nagkalat. This is what I call SWEET REVENGE.

"Jemimah," tawag bigla sa akin ni Tim, "Samahan mo naman ako magpraktis oh,"

"ng alin?"

"Basketball, sige na please,"

"Ha? Eh bakit mo ba gusto magpraktis ng basketball? At bakit mo ba gustong matutunan?" tanong ko sa kanya habang nasa may classroom kami.

"Para kasi kay ano..."

"Para kanino nga!?" tanong ko tapos binulong niya.

"Para kay Elizabeth, ayaw ko sumuko sakanya eh,"

Muntik ko nang malunok ng buo yung candy ko kaya napaubo ako. "GRABE NAMAN TIM! INIWAN KA NA NGA AT IPINAGPALIT KA PA TAPOS IPAGSISIKSIKAN MO SARILI MO? MAAWA KA NAMAN SA SARILI MO!" sigaw ko, nagtinginan yung mga tao sa paligid namin. Nabwibwisit na ako sa tsonggo na ito eh.

"PAKIALAM MO BA HA? EH MAHAL KO NGA YUNG TAO EH! HINDI AKO SUSUKO! GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA BUMALIK SIYA SA AKIN!" sigaw ni Tim, eh mas lalo talaga ako nainis.

"NAPAKA-UNREASONABLE MO! PWEDE BA WAG KANG DESPERADO!" sabat ko, nakita kong kinuyom niya yung kamao niya. Aba't mas mabilis ako, ang ginawa ko eh inunahan ko siya, sinuntok ko yung pisngi nya ng malakas. "IMULAT MO MATA MO G*GO, HINDI LAHAT UMIIKOT SA PALAD MO! MOVE ON DUDE!"

At saka ako nag-walk out, tsk buti nga sakanya, mamatay siya sa kahihiyan. Tsk grabeng desperado niyang tignan. Napamura tuloy ako ng di oras.

"Jem, ui, Jem"

"Herve wala ako sa mood para kulitin mo, go away," sabi ko.

"Jem narinig ko yung away niyo ni Timothy, boss mo yun baka sisantihin ka," sabi niya.

"Hindi niya ako masisisante, yung papa niya ang naghire sa akin at sa mama ko, eh sa sumobra na siya eh," sabi ko kay Herve.

"Jemimah, sana inintindi mo, siyempre mahal niya yung tao, ayaw niyang mapunta nalang kung kani-kanino," sabi naman ni Herve ng mahinahon. Aba't kinakampihan si Tim, nakak-umay na ah.

"Ish, ano bang problema niyong mga lalaki at ba't ayaw niyo mag let go? Mahirap ba masyado?" sabi ko kay Herve. Nakarating an gaming paglalakad sa school garden, since break time pa lang naman eh dun ako tumatambay. "Oh ba't natahimik ka?"

"Siyempre,yung mga tulad naming ni Timothy na loyal eh rare lang, sadyang ayaw namin sumuko hangga't may nakikita kaming chance, at gagawin naming ang lahat para mapamahal yung babae sa amin" tapos humina yung boses niya, "parang sa iyo, gagawin ko ang lahat"

"Ano may sinabi ka?" sabi ko na para bang wala akong narinig.

"Wala!" sabi niya habang ginulo yung buhok ko.

"Tsss," tapos bigla nag-ring yung bell, "Tara pasok na tayo," Weird talaga ni Herve kung ano-ano pinagsasabi.

Sikretong MalupetWhere stories live. Discover now