Broken Man

26.5K 328 2
                                    

Magandang umaga ito na ang simula ng bagong story ko, this time subaybayan ang love story ni Angelo Rodriguez at Miranda Sandoval.....

Song is Broken Heart by Kaligta

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 1

-=Ang's POV=-

Isang buwan na pala ang nakalipas simula ng kinulong ko ang sarili ko sa kalungkutan ng dahil sa pagkawala ng babaeng minamahal ko, masakit man sa akin ay kailangan ko na siyang pakawalan para bumalik sa taong talagang laman ng puso niya.

Mabigat ang mga paa ko nang tumayo ako sa pagkakahiga sa kama ko, hindi naging hadlang sa akin ang kadiliman ng kuwarto ko dahil kabisado ko ang lahat ng sulok ng kuwartong iyon, pinili kong lumabas muna ng kuwarto at dumiretso sa wine cellar para kumuha ng alak mula doon dahil naubos na ang kinuha ko noong isang araw.

Nang lumabas ako ng kuwarto ay mabuti na lang at walang sumalubong sa akin na kahit na sino which suited me really well dahil ayokong makipag-usap sa kahit na kanino.

Pabalik na sana ako ng kuwarto ko nang bigla naman sumalubong sa akin ang nagulat na si Miranda, bihis na bihis ito at mukhang kakauwi lang galing sa kung saan.

"Well isn't it my beloved sister in law." punong puno nang sarcasm na sinabi ko dito at kita ko ang biglang pagtiim ng mukha nito sa narinig sa akin, hindi ko pa din kasi matanggap na pinakasalan ng nakakabata kong kapatid ang ganitong klase ng babae.

"I'm glad that you are out of your room Ang, you need to have a life." ang walang emosyon nitong sinabi, na sinuklian ko ng ismid dahil alam ko namang hindi ito sincere sa sinasabi.

"Saan ka naman galing?" tanong ko ngunit hindi ko na ito hinitay na sumagot ito at walang sabi sabi kong inagaw ang hawak nito, at nagitla ako nang makita kong invitation pala ang hawak nito kanina at biglang parang sinuntok ang puso ko ng makita ko ang nakasulat doon.


"You are cordially invited to the wedding of Romano Santiago and Atilla Cervantes."


Parang nablangko ang isip ko at basta ko na lang binitawan ang naturang invitation, hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Miranda.

Pagkapasok sa loob ay agad kong binuksan ang nakuha kong alak at diretsong nilagok ang kaya kong inuman ngunit hindi pa din napawi ng alak na iyon ang sakit na nararamdaman ko kaya naman marahas ko iyong binato sa kung saan na nagtulog ng ingay sa kuwarto ko.

"Atilla....." hindi ko maiwasang hindi magtangis dahil ngayon ay talagang wala na sa akin ang babaeng pinakamamamahal ko.

Buong puso ang naging pagmamahal ko sa kanya ngunit nabalewala ang lahat ng iyon dahil si Ram lang ang tanging minahal niya, pinilit kong magbulag bulagan at umasa akong makakalimutan nito ang dating karelasyon ngunit nagkamali ako dahil mula noon, at hanggang ngayon ay si Ram pa din ang mahal ni Atilla, kahit nobya ko ang dalaga ay hindi ko naramdaman na minahal ako nito, ako lang talaga ang nagmahal dito at mukhang kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

Nakatulog ako ng mga oras na iyon na si Atilla pa din ang nasa isip at ang katotohanang nauwi sa wala ang pagmamahal na meron ako sa dalaga.

Nagising na lang ako nang makaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman agad kong kinapa ang side table ko kung saan nakalagay ang pitchel ng tubig.

"Damn!" inis kong naibulalas nang mapansin kong walang laman ang naturang pitchel kaya naman kahit mabigat ang pakiramdam ko ay tumayo ako at naglakad patungo sa personal ref na nasa kuwarto ko ngunit panibagong mura ang namutawi sa mga labi ko ng makita kong wala din iyong laman.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon