A Big Opportunity

8.7K 176 6
                                    

Gandang gabi guys trying to draft kahit medyo lutang pa din ang isip ko hehehe pero kailangan na talaga, and by the way malapit ng matapos ang story na to but please don't expect a spectacular ending dahil naisip ko lang gawin siyang simple dahil hindi naman kailangan na sobrang pasabog hehehe and I don't want to go to the same thing which is iyong may naaksidente mga ganoon ba ^^

Song is Sayo by Silent Sanctuary

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 23

-=Ang's POV=-

Sinabi kong hindi ako magpapakita dito at tanging sa malayo ko lang siya titignan pero nang makita ko at marinig ang ginagawang pagpapahiya ng naturang matandang babae kay Miranda ay hindi ko natiis na basta na lang manood sa ginagawa nito.

Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa dalawa lalo na't nakikita ko ang paghihirap ng loob ng dalaga.

"That's enough!" hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa nakikita kong paghihirap nito ay mas lalo ako ang nasasaktan dahil walang karapatan ang matandang babaeng iyon na pagsalitaan ng masama ang dalaga.

"And who the hell are you para patigilin ako?! Don't you know this girl is a gold digger bitch!" matapang na sinabi nito sa akin.

"Nagkakamali kayo ang babaeng inaalipusta ninyo ay isang babaeng may mabuting puso at ang babaeng labis kong minamahal." ang nasambit ko kasabay ng pagtingin sa mga mata ng dalaga.

Kitang kita ko ang emosyong nabuo sa mga mata nito habang nakatingin sa akin, kita ko din ang pangingilid ng luha sa magkabila nitong mga mata.

Nanatili kami sa ganoong posisyon, completely ignoring the people around us, ni hindi na nga namin napansin na wala na pala ang matandang babae.

"Ang......" ang narinig kong sinabi nito, bigla kong naramdaman ang mabilis ng pagkabog ng dibdib ko sa paraan ng pagkakasabi niya ng pangalan ko, never thought that just hearing my name can bring so much emotion inside me.

Nagising na lang kami sa trance na iyon ng marinig namin ang boses ni Ram.

"Miranda, ok ka lang ba? I'm so sorry, hindi ko naman kasi akalain na pupunta ang Mama ni Leonard." paghingi nito ng paumanhin, kita ko pa ang pagkagulat nito ng magawi ang tingin nito sa akin.

Dali dali akong umalis sa lugar na iyon knowing that Miranda is going to be safe, now that Ram is here, mabigat sa akin ang lumayo dito pero alam kong iyon ang kailangan nito ngayon, umaasa na lang ako na sana ay tuluyan nitong matanggap na totoo ang nararamdaman ko sa kanya, na mahal na mahal ko siya.

-=Miranda's POV=-  

"Miranda, ok ka lang ba? I'm sorry, hindi ko naman kasi akalain na pupunta ang Mama ni Leonard." narinig kong sinabi ni Ram ngunit sa totoo lang ay hindi ko masyado iyong naintindihan dahil ang buong isip ko ay nasa lalaking nagligtas sa akin mula sa naturang ginang. 

Labis ang kagustuhan kong sumunod dito nang magdesisyon itong lumayo at iwan ako kay Ram, sobrang sakit ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang likuran nito, pilit na nagsusumigaw ang puso ko na sundan ko siya at sabihin dito ang nararamdaman kong pagmamahal para dito ngunit nanatili lang na nakapako ang mga paa ko hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

"I just want to go home Ram." ang parang nahahapo kong sinabi nito, sandali lang itong nagpaalam at inakay na ako hanggang sa makarating na kami sa kotse nito at hanggang sa umandar na ang kotse nito ay nanatiling nakapinid ang bibig ko at nagpapasalamat na lang ako na ginagalang ni Ram ang kagustuhan kong manahimik.

"Can't you give Ang another chance?" narinig kong sinabi ng makarating na kami sa condo unit na tinutuluyan ko, nanatili itong tahimik until now.

"Good night Ram." ang tanging sinabi ko dito, dinig ko pa tuloy ang malalim na paghinga nito bago ako tuluyang nakababa ng kotse nito.

Hindi ko na hinintay na makaalis ito at dali dali akong dumiretso sa elevator at dali daling pinindot ang floor ng unit ko at ng makarating sa naturang floor ay lakad takbo ang ginawa ko hanggang makarating ako sa unit ko.

Pagkasaradong pagkasarado pa lang ng pinto ay para naman akong nanghihinang napaupo doon, hinayaan kong lumabas ang kanina ko pa pinipigilang luha.

"Nagkakamali kayo ang babaeng inaalipusta ninyo ay isang babaeng may mabuting puso at ang babaeng labis kong minamahal."

Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang huling bagay na sinabi ni Ang, ang puso ko ay nais magtiwala at sumugal ngunit hindi pa din mawala sa isip ko na kaya niya ginagawa ang bagay na ito ay dahil hindi sa pagmamahal kung hindi sa guilt na nasa dibdib nito at ayokong ikulong si Ang sa isang relasyon na ang pundasyon ay guilt.

Hindi ako agad pinatulog ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko kaya naman mga bandang alas tres na ng tuluyan akong talunin ng antok at hanggang sa panaginip ay si Ang pa din.

Mga bandang pasado alas diyes na ng magising ako at nang tignan ko ang phone ko ay nakita ko ang mga messages ni Ram na patuloy pa din sa paghingi sa akin ng tawad ng dahil sa nangyari ngunit imbes na sagutin ito ay naisipan kong puntahan na lang ito sa opisina nito para maaya na din kumain ng lunch.

Kaya naman dali dali akong naligo at nag-ayos para magtungo sa opisina ni Ram, nang matapos ay agad akong bumaba at sakto naman na may dumating na taxi na nagbaba ng pasahero nito kaya naman nagpahatid na ako dito.

Inabot din siguro ako ng kulang kulang isang oras at gaya ng dati kahit na alam kong nababadtrip ito ay ginamit ko ang private elevator nito.

Pagkababa ko ng elevator ay sakto naman na nakita ako ng secretary nito and I hushed her para hindi malaman ni Ram na nandito ako na sinagot naman nito ng matipid na ngiti.

Maingat akong dumiretso sa mismong opisina nito at maingat na binuksan ang pinto nito, sakto naman na nakatalikod ito sa mga pintuan at mukhang may kausap itong importante sa kabilang linya kaya hindi nito ako napansin.

"Are you really sure na gusto mong ipamahala kay Ang ang lahat ng negosyo mo sa Australia?" bigla akong natigilan ng marinig ko ang bagay na iyon.

Biglang napako ang mga paa ko habang wala pa din kaalam alam si Ram na nasa loob na ako ng opisina nito at naririnig ko ang mga sinasabi nito.

Nalaman kong ang kausap nito ay ang kapatid ni Atilla na si Henry, nanatili lang akong tahimik hanggang sa tuluyang natapos ang pakikipag-usap nito sa telephone.

"What the......" ang nagulat na sinabi ni Ram ng tuluyan na itong humarap sa puwesto ko, may pahawak hawak pa ito sa dibdib na para bang aatakihin ito sa puso anumang oras nito.

"Is it true na binibigay na ni Henry ang buong pamamahala ng mga negosyo nito sa Australia?" tanong ko dito at kita ko naman ang pagseseryoso sa mukha nito ng marinig iyon sa kin.

"Totoo Miranda, but Ang already declined." ang sagot nito at kahit hindi nito sabihin sa akin ang dahilan ng pagtanggi ni Ang ay alam kong ako ang dahilan non.

"Mukhang hindi ko na kailangan sabihin sa iyo kung anong naging dahilan ni Ang para tanggihan ang ganitong kalaking opportunity, di ba Miranda?" narinig kong tanong nito ng nanatiling nakapinid ang mga labi ko. 

"Sorry Ram, I need to go." ang tanging nasabi ko bago ako tuluyang umalis sa opisina nito, dali dali ko naman kinuha ang phone ko sa loob ng purse na dala ko.

Ang bilis bilis ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.

"Hello......" ang narinig ko sa kabilang linya.

"Hello Ang, we need to talk." sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ito kakausapin pero nararamdaman kong kailangan kong gawin iyon para sa aming dalawa.


His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon