Unexpected Surprise

12K 222 10
                                    

Good afternoon guys rest day and walang magawa wala pa kasing sahod kaya hindi makagala pero oh well update na lang hehehehe one of my favorite chapter na gusto ko nang isulat kaya siguro nagkaroon ako ng urge na magsulat hehehe

Warning this chapter content scenes not suitable for very young audiences

Song is My All by Mariah Carey

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 12

-=Ang's POV=-

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda hindi sa pagpasok ko sa opisina kung hindi maghanda para sa pagsasakatuparan ko ng plano ko para mapaghiwalay si Miranda and Anthony, there's not turning back, naalala ko pa ang naging pag-uusap namin ni Miranda nang makauwi na ito sa bahay.

Dumiretso ako sa garden matapos ang dinner nang pamilya at katulad ng inaasahan ay sumunod sa akin si Miranda na seryosong seryoso ang itsura, I didn't say a word waiting for her to talk first.

"Para saan ang bulaklak at sulat na iyon Ang?" ang walang emosyon nitong tanong sa akin.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko para pakalmahin ko ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, hindi ko pa din kasi makaila ang nararamdaman ko kay Miranda, I know I should hate her pero parang mas nanaig ang kagustuhan kong ikulong siya sa mga braso ko at mariin kong halikan ang mga mapupula niyang mga labi na minsan ko nang natikman, and to take her sa mismong kinatatayuan niya but I resist the temptation.

"Did you like the flowers?" imbes na sagutin ay iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Damn it Ang! Alam mo namang asawa ako ng kapatid mo!" ang galit nitong tinugon sa akin ngunit alam kong naguguluhan na din ito sa mga nangyayari.

"Akala mo ba madali sa akin ito Miranda? Iyon na nga ang problema mahal na mahal na kita pero hindi ko maisigaw sa buong mundo ang pagmamahal na iyon ng dahil sa kapatid ko! Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero hindi ko na kayang itago pa Miranda, mahal na kita." ang madamdamin kong sinabi nito nang lumapit ako dito.

Kitang kita ko ang pagkalito sa magagandang mga mata ni Miranda habang nakatingin ito ng diretso sa mga mata ko, ramdam kong may nararamdaman din ito sa akin at umaasa akong magiging enough na iyon para magpunta ito sa kuwarto ko.

"Ang..... I......" ramdam na ramdam kong may gusto itong sabihin at nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba nito ang bagay na iyon ngunit mas nanaig siguro ang kagustuhan nitong itago ang kung anumang sasabihin sana nito nang tumalikod ito para bumalik sa loob ng bahay.

"Miranda please think about it, katulad ng nabasa mo sa sulat ko maghihintay ako." ang sinabi ko dito.

Nang masiguradong nakalayo na ito ay isang tagumpay na ngiti ang nanilay sa mga labi ko dahil kahit nagdadalawang isip pa ito ngayon ay alam kong susunod din ito sa mga plano ko.

At ngayon nga ay naghihintay pa din ako dito, katulad ng plinano namin ni Tito Andres ay nagawan ng paraan ni Tito Andres na mawala sa bahay si Mommy ng araw na iyon kung hindi ako nagkakamali ay kinausap nito ang isa sa mga kaibigan ni Mommy na ayain ito para mamasyal at kung hindi ako nagkakamali ay bukas pa ito uuwi which gives me a lot of time para maisakatuparan ang plano ko.

"Good morning." ang matipid kong bati kay Miranda ng abutan ko itong kumakain mag-isa ng almusal.

"Good morning din." ang mahina naman nitong sagot sa akin, nararamdaman ko ang pagkailang nito sa akin which didn't really dampen my spirit.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon