A Child

9.6K 156 6
                                    

Maulang hapon guys, isang araw na lang at rest day na finally pero ang masama one day off pa din ako pero ok lang hehe malapit na ang pasko, kaya advance Merry Christmas sa lahat :)

By the way guys, ipafast forward na natin siya after two years ha hehehe.

Song is Cry by Rihanna

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 26

-=Miranda's POV=-

"Mommy Mira!" ang narinig kong sigaw nang maliit na boses sa labas ng opisina ko, at kahit hindi ko tignan ay alam ko kung kaninong boses na iyon at maliban pa doon ay isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Mommy, isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko bago ko tuluyan itong tignan.

"Angeline...." ang nakangiti kong bati dito, habang ito naman ay nagmamadalimng tumakbo palapit sa akin hanggang sa makakaya ng maliliit niyang mga paa, nakangiti naman na nakatingin lang sa amin si Ate Lita.

"Kamusta naman ang baby ko?" tanong ko dito.

"Mabuti po." ang matatas nitong sagot, sa edad nitong dalawang taon ay matatas na itong magsalita, sandali kong tinigil ang ginagawa ko para makipag kuwentuhan dito, sa tuwing kausap ko kasi ito o kahit na pinagmamasdan ito ay labis na nagpapagaan ng loob ko.

"Tara Angeline laro tayo!" ilang sandali ay inaya na din ito ng mga batang kalaro nito sa Bahay Lingap.

Nakangiti naman ako habang pinagmamasdan ito sa pagtakbo hanggang tuluyang makalayo si Angeline.

"Can't you believe Ate Lita, dalawang taon na pala si Angeline?" tanong ko dito, nagdecide akong sandaling iwan ang ginagawa ko.

"Mabilis na lumipas ang dalawang taon Mira, at mabilis na lumalaki si Angeline baka tuluyan na siyang maniwala na ikaw nga ang ina niya." narinig kong sinabi nito.

"Balak ko naman talaga siyang ampunin para maging tunay kong anak." ang nakangiti kong sinabi dito, hindi na ito umimik at ilang sandali lang ay hinayaan na nito akong magpatuloy sa ginagawa ko, ngunit imbes na bumalik sa trabaho ay minabuti kong lumabas kung saan naabutan ko ang mga bata sa Gawad Kalinga na kalaro si Angeline.

"Dalawang taon......" ang wala sa sarili kong namutawi sa bibig ko.

Dalawang taon na pala ang nakakalipas simula ng pakiusapan ko si Ang na bumalik na ng Australia at mula nga noon ay hindi ko na ito nakita, nakakarinig ako ng mga balita mula kay Ram dito at base sa mga naririnig ko ay mukhang naging matagumpay ang binata sa pagpapatakbo ng mga negosyo ni Henry Cervantes.

Hanggang ngayon ay umaasa ako na sa nalalapit na pagbabalik ni Ang ay pareho pa din ang nararamdaman nito sa akin na totoong mahal ako nito at hindi lang guilt ang nararamdaman nito para sa akin.

Two years have passed madaming mga nagbago ngunit hindi ang nararamdaman ko dito, sa totoo lang hindi ko alam kung paano ba ako nakakapagpatuloy habang ang puso ko ay punong puno ng labis na pananabik sa binata, siguro nakatulong na din ng dumating sa buhay ko si Angeline.

Hindi ko maiwasang hindi maalala ang nangyari ng araw na umalis Ang pabalik ng Australia para na din sundin ang kagustuhan ko.

I was so devastated that day, halos isang oras din siguro ako nagtagal sa lugar na iyon na para bang umaasa akong muli kong makikita si Ang ngunit matapos ang kulang kulang isang oras ay minabuti ko nang umuwi para makapagpahinga ngunit kahit ganoon ang balak ko ay parang hindi naman maubos ubos ang luha ko na awtomatikong tumulo ng mapag-isa ako sa kuwarto, nakatulugan ko na lang ang pag-iyak but woke up that almost shattered every hope in me.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon