One Difficult Request

8.5K 178 4
                                    

Gandang gabi guys finally rest day one day rest day nga lang pero at least happy dahil nanalo ang Ginebra!!! Neversaydie spirit is still alive :)

Song is Hiling by Silent Sanctuary

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 24

-=Ang's POV=-

"Hello......" ang naalimpungata kong sagot sa phone ko ng magising ako sa ring niyon, ni hindi ko nga nagawang tignan muna kung sino ang tumatawag, medyo masakit ang ulo ko ng mga oras na iyon dahil naisipan kong uminom ng alak para kahit paano ay mawala panandalian ang sakit na nararamdaman ko.

"Hello Ang, we need to talk." biglang nawala ang hangover ko at tuluyan akong nagising ng marinig ko ang boses na iyon, hindi ako makapaniwala na tatawagan ako nito kaya naman bigla ang pagkabuhay ng pag-asa sa dibdib ko ng mga oras na iyon.

Matapos malaman kung saan kami magkikita ay dali dali akong naligo at nag-ayos at matapos lang ang mahigit trenta minutos ay palabas na ako ng kuwarto ko.

"Good morning Ang, mukhang may lakad ka ata ngayon?" narinig kong tanong ni Anthony habang nakasakay ng wheelchair nito na tulak tulak naman ni George, sa paglipas ng mga araw ay nakita ko kung gaano kamahal ni George ang kapatid ko dangan nga lang at hindi pa din tuluyang matanggap ni Tito Andres ang katotohanang iyon.

"Miranda called, gusto daw niyang makipag -usap sa akin." sagot ko dito without even bothering to stop at nagpatuloy na ako sa parking lot kung nasaan ang kotse ko.

Agad kong pinaharurot ang kotse ko at kasabay ng pag-alburota ng makina ng kotse ay ang bilis ng tibok ng puso ko, bigla ko kasing naisip na baka nakatulong ang nangyari kagabi para na din matanggap ako nito.

Hindi ko mapigilan mapangiti habang iniisip ko ang magiging pagkikita namin ni Miranda umaasa ako na sana ay mauwi sa maayos ang magiging pag-uusap namin na iyon.

Halos bente minutos na ako nagdadrive patungo sa meeting place namin ni Miranda nang marinig ko ang pagriring ng phone ko at sa pag-aakalang si Miranda ang tumatawa na iyon ay agad ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon ko ngunit labis akong nadismaya ng makita ko ang pangalan ni Henry na nakaregister sa caller id ng phone ko.

I tried to ignore his calls for the past days dahil alam ko na naman ang gusto nitong sabihin na ako na ang mamahala ng mga negosyo nito sa Australia na pinili kong tanggihan dahil hindi ko makakayang iwan si Miranda.

Agad kong sinantabi ang kaisipan na iyon at agad iyong bumalik sa naghihintay sa akin na dalaga, nagdecide kasi itong makipagkita sa akin sa isang restaurant sa Makati.

Patuloy sa pagtibok ng mabilis ang puso ko nang makarating na ako sa naturang lugar na iyon, isang malalim na paghinga muna ang ginawa ko bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.

"Table for how many sir?" ang nakangiting tanong sa akin ng sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa naturang restaurant.

"I'm here with....... a friend." ang nasabi ko na lang dahil hindi ko naman talaga alam kung ano bang meron o kung anong magkakaroon kami ni Atilla.

Agad naman ako nitong hinatid sa isang bakanteng table sa may pinakasulok na puwesto na tamang tama lang dahil gusto kong makapag usap kami ng maayos ni Miranda at umaasa akong kaya ito makikipagkita sa akin ay para bigyan niya ng chance ang kung anuman merong ugnayan sa aming dalawa.

Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang hinihintay ko, parang biglang tumigil ang pag-inog ng mundo habang pinagmamasdan ko ang dalagang naging dahilan kung bakit bumilis ng triple ang puso ko, ang babaeng pinakamamahal ko at ang babaeng......... nasaktan ko and with that muli ay nakaramdam na naman ako ng guilt sa mga nasabi at nagawa ko dito pero pinapangako ko sa sarili ko na kapag bigyan ako nito ng chance ay gagawin ko ang lahat para mabura ang lahat ng sakit na naidulot ko dito.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon