My Plan

11.9K 205 1
                                    

Good evening guys trying to draft pero not sure kung matatapos ko dahil maya maya lang ay kailangan ng matulog hehe...

Song is Not a Bad Thing by Justin Timberlake

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 8

-=Ang's POV=-

"Good morning." ang masiglang bati ko sa nagulat na si Miranda, nasa loob kasi ito ng kuwarto ni Anthony at patuloy itong kinakausap.

Kitang kita ko ang gulat sa magandang mukha nito dahil kahapon lang namin napag-usapan na magkaroon ng truce pero ngayon pa lang ay sinimulan ko na ang bagay na iyon.

"Good morning din." ang naguguluhan nitong bati sa akin, pinigilan kong makapagsalita ng masama ng makita kong hawak hawak nito ang kamay ni Anthony na para bang concern talaga ito sa kapatid ko, kung concern talaga ito hindi nito magagawang makipaglandian sa iba, ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil parte ito ng plano ko.

Ang plano kong mahulog ang loob sa akin ni Miranda para mailayo ko ito sa kapatid ko, since she doesn't want to sign the divorce paper willingly, I will make sure na wala itong magagawa at ang pagtataksil at malakas na dahilan para mapawalang bisa ang kasal ng dalawang tao.

Bigla itong nanigas nang ipinatong ko ang kamay ko sa balikat nito, isang lihim na ngito ang nabuo sa mga labi ko sa naging reaksyon ni Miranda, nararamdaman ko na attracted din ito sa akin at gagamitin ko ang nararamdaman nito sa akin para magtagumpay ako.

"Thanks for taking good care of my brother Miranda." ang pilit na ngiti kong sinabi dito, pilit kong sinasawata ang nararamdaman kong init na nagmumula sa paghawak ko sa balikat nito.

"Sana magising na siya." ang narinig kong sinabi nito, lihim naman ako napaismid sa narinig mula dito dahil pakiramdam ko lahat ng lumalabas sa bibig nito ay mga kasinungalingan lang, magaling ang babaeng itong magpaikot ng mga tao, no wonder napapayag nito si Anthony na magpakasal dito, muntikanan...... ngunit agad kong pinutol ang kaisipan na naglalaro sa isip ko dahil tapos na iyon ang mahalaga ay napatunayan ko kung anong klaseng babae si Miranda Sandoval.

Ilang minuto pa ang lumipas ng inaya ko na itong sumama na sa akin para makapag-almusal na din kami.

"Oh mabuti naman at sabay na kayong bumaba para makapagsimula na tayo." ang masayang sinabi sa amin ni Mommy.

Nang magsimula kaming kumain ay agad kong sinalinan ng pagkain si Miranda na kinataas naman ng kilay ng Mom ko dahil first time ko itong ginawa.

"Wow Ang! Kailan ka pa naging maasikaso?" naghihinalang tanong ni Mommy sa akin na tinawanan ko lang at alam kong hindi lang si Mommy ang naweweirduhan sa ginagawa ko.

"I'm just trying to nice with Miranda since part na naman siya ng pamilya, hindi ba si sister in law." biro ko dito, kita ko naman ang pamumula ng mukha nito which is unusual dahil sigurado akong makapal na ang mukha nito sa mga nagawa nito sa ibang tao.

Nagpatuloy ang almusal namin, I made sure na mararamdaman ni Miranda na tanggap na siya sa pamilya namin but the truth is I'm just making sure na kapag nahulog na siya ay wala na siyang takas.

Matapos ang almusal na iyon ay agad akong bumalik sa kuwarto ko para mag-ayos para sa pagpasok ko sa opisina, at inabot lang ako ng isang oras bago ako makapaghanda ng sarili ngunit bago iyon ay naisipan kong daanan si Anthony at sakto naman na ang nurse lang nito ang kasama nito kaya naman inutusan ko munang iwan kami nito.

"Anthony ako nang bahala sa asawa mo, I will make sure na wala siyang makukuha matapos ang panglolokong ginawa niya sayo." siguradong sigurado kong sinabi dito, at matapos itong halikan sa noo ay dumiretso na ako sa kotse ko.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon