Awkward Moment

13.1K 219 0
                                    

Good mornight guys time check 1:32AM finally rest day kaya naman makakapagdraft na hehe

Song is Sorry To Be the Hardest Word by Elton John ft. Blue

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 5

-=Ang's POV=-

Pakiramdam ko parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit na nararamdaman ko, pinilit kong alalahanin ang mga nangyari ngunit kapag pinipilit kong isipin kung ano nga ba iyon ay mas lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko.

Sandali kong pinikit ang mga mata ko hoping that the pain will go away ngunit siyempre hindi naman iyon ganon kadali ngunit nang ilang sandali kong pinanatag ang isip ay kahit paano ay nabawasan non ang sakit sa ulo ko, at nang magmulat ako ng mga mata ay saka ko lang napansin ang isang pitchel ng tubig and to my relief meron din pain relieve sa tabi non.

"Thanks mom." ang namutawi sa mga labi ko, I'm pretty sure na ang mommy ko ang naghanda ng gamot sa akin, I can always rely on her.

Ilang sandali pa ang hinintay ko bago tuluyang napawi ang nararamdaman ko sa ulo ko.

At habang unti-unting nawawala ang sakit sa ulo ko ay saka naman bumabalik sa akin ang mga nangyari kahapon hanggang gabi.

"I kissed her." ang biglang pumasok sa isip ko, at imbes na maguilty sa nagawa ko ay parang pakiramdam ko na iyon na ang pinakatamang nagawa ko sa sitwasyon namin ni Miranda na maling mali.

I remembered when I met Atilla, still very beautiful with that angelic face of her, maliban pa doon nalaman kong nagdadalang tao na ito kaya naman naisipan kong maglasing pero ang nakakapagtaka ay hindi na siya gaanong kasakit kumpara noon.

"Dahil ba kay....." ngunit agad kong sinawata ang tinatakbo ng isip ko dahil ayokong isipin na may nararamdaman ako kay Miranda.

Nang tuluyan nang mawala ang sakit sa ulo ko ay agad akong pumasok sa banyo para makapaligo at para maalis ang kalokohan na tumatakbo sa isip ko, habang nasa tapat ng shower at habang dumadaloy ang tubig sa buong katawan ko hindi ko napigilan ang sarili ko ng awtomatikong kumilos ang kanang kamay ko patungo sa mga labi ko, pakiramdam ko kasi ay nandoon pa din ang init ng labi ni Mirandan, agad akong nakaramdam ng init sa buong katawan ko habang naiisip ko ang naging mapangahas na pag-angkin ko sa mapupulang mga labi, hindi ko namalayan nang ang kaliwang kamay ko naman ay bumaba patungo sa harapan ko ngunit mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko sa muntik ko nang gawin.

"Shit Ang! Ano ka teenager na hindi macontrol ang libido?!" asar na asar kong bulong sa sarili ko.

Agad kong tinapos ang paliligo kong iyon, stopping myself from pleasuring myself which is not me, kahit nga noon kami ni Atilla hindi ko naisipan gawin ang bagay na iyon dahil handa akong maghintay kay Miranda pa kaya na dapat kong kamuhian dahil hindi ito nababagay sa kapatid ko.

"Kanino siya nababagay sayo?" para namang nananadya ang kabilang isipan ko sa tanong na iyon.

Pinilig ko na lang ang ulo ko at nagpatuloy na ako sa paglabas ng kuwarto ko, didiretso na sana ako sa kusina nang maisipan kong daanan ang kuwarto ni Anthony at papasok na sana ako ng marinig ko ang mahinang boses ni Mirandan na biglang nagpakabog ng dibdib ko.

"Miss na miss na kita Anthony alam mo naman na ikaw lang ang kakampi ko sa bahay na ito, kaya please gumising ka na." I felt like a jerk after hearing that from Miranda, paano nga kung nagkamali lang ako ng hinala kay Miranda at hindi talaga pera ang habol nito kay Anthony at kaya ito nagpakasal ay dahil mahal nito ang nakakabata kong kapatid, at bakit nasasaktan ako sa katotohanang mahal nito ang kapatid ko? Anong karapatan kong makaramdam ng ganoon.

Hindi ko na tinuloy ang pagdalaw ko kay Anthony at agad akong dumiretso sa kusina kung saan nandoon na si Mommy at ang asawa nito.

"Good morning hijo late ka na naman umuwi." ang salubong sa akin ni Mommy.

"Sorry nag-enjoy lang po kasi ako." ang paliwanag ko dito at akma na akong uupo sa puwesto ko nang maalala kong magpasalamat dito.

"Nga pala Ma, salamat sa gamot." ang nakangiti kong sinabi dito.

"Gamot?" ang naguguluhan nitong tanong.

"Iyong gamot sa sakit sa ulo, iyong iniwan mo sa mesa sa tabi ng kama ko." ang paliwanag ko dito.

"Ahh iyon ba? Hindi ako naghanda non sa iyo, si Miranda kanina kasi nagtanong siya sa akin kung may gamot ba daw ako para sa sakit ng ulo." balewalang paliwanag nito.

Hindi ko naman maiwasang hindi matouch sa nalaman ko sa ginawa ni Miranda dahil kahit anong sama nang pakikitungo ko dito ay ginawa pa nito ang alalahanin ako.

"Good morning po." nagulat na lang ako nang marinig ko ang boses na iyon ni Miranda, hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin ito at sandaling nagtama ang mga mata namin ng ito na mismo ang umiwas ng tingin nito sa akin.

"Good morning din hija, halika saluhan mo na kami sa almusal." ang nakangiti namang aya ni Mom dito.

Hindi ko maiwasan ang sarili ko na pasimple itong titigan, habang ito naman ay abalang abala sa pagkain nito na para bang focus na focus ito sa ginagawa ngunit sigurado akong nakakaramdam din ito nang pagkailang lalo na sa nangyari sa pagitan naming dalawa.

"Masarap ba?" nagulat na lang ako ng marinig ko iyon sa mommy ko dahil kanina pang tahimik ang hapag.

"Anong masarap?" kinakabahan kong tanong dito, ramdam ko ang butil butil ng pawis sa noo ko sa takot na baka nahuli kami nito kagabi.

"I mean masarap ba ang almusal ako kasi ang naghanda niya for a change lang." ang natatawa nitong paliwanag, para naman akong nabunutan ng tinik sa nalaman ko dahil akala ko talaga ay ang tinutukoy nito ay ang nangyari kagabi.

"Ma...masarap po." I felt like an idiot for buckling like that, while answering her question.

"Bakit hindi mo pala samahan si Miranda na mamasyal, siguradong batong bato ka na dito hija I mean lagi ka na lang sa bahay kaya naman Ang samahan mo si Miranda." ang utos sa akin ni Mom na sobrang labag sa loob ko, pero mabuti na lang at si Miranda na mismo ang tumanggi.

"Ok lang po ako Tita masaya naman ako na nababantayan ko si Anthony pero magpapaalam po sana ako may kailangan po kasi akong puntahan." ang nakangiti nitong sinabi, hindi na dito ito nagtagal at agad na itong dumiretso sa kuwarto nito para mag-ayos.

Hindi ko naman mapigilan ang sariling kong hindi ito sundan ng tingin hanggang tuluyan na itong makalabas ng kusina.

I need to fight the urge to follow her ngunit mas nanaig sa akin ang kagustuhan na lumapit dito.

"Ang! Saan ka pupunta?" narinig kong tawag ng Mommy ko sa akin.

"May nakalimutan lang akong gawin." sagot ko dito at hindi ko na hinintay na sumagot pa ito at agad akong dumiretso papunta sa kuwarto nito at akma na sana akong kakatok ng bigla akong matigilan.

"Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya?" ang nasa mga isip ko ng mga oras na iyon ngunit bago pa man ako makapagdecide ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto nito at kita ko ang gulat sa mga mata nito nang makita akong nasa labas ng kuwarto nito.

"A....anong ginagawa mo dito?" naiilang nitong tanong, which is expected lalo na sa nangyari kagabi.

"I just.... I just..... what happened...." I felt like a loony not able to complete one sentence.

"Huwag mo nang alalahanin iyon Ang, lasing ka lang." ang tanging sinabi nito, ni hindi na ako nakapagsalita at naiwan ako habang pinagmamasdan ko ang papalayong imahe nito.

"Lasing nga lang ba ako?"




His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon